Chapter 6

203 10 1
                                    

Sharlene's POV

Pagkatapos ng napakahabang introductory message ng Principal at Flag ceremony, eh nagpuntahan na kami sa mga rooms namin. Ang liit lang pala talaga ng school na ito. Half day lang kami. Kasi 1st day lang naman eh.

At dahil malikot ang aking mga mata at patingin tingin sa mga bagay bagay sa loob ng school eh ayun may nabangga ang lola niyo.

Alexa: "Aray naman! Kung san san kasi tumitingin eh."

Mika: "Oh em sis. Si Sharleng!"

Alexa: " Oh I forgot. Dito ka rin pala mag-aaral. And wait. Don't tell me Euclid ka rin?"

Nakatitig lang ako habang nagsasalita si Pindeha 1.

Glenn: "Friend! Grabe punta tayo sa may bandang likod ng room natin may botanical garden ang ganda!"

Lorenzo: "Oo nga gurl! Uy. Gurl okay ka lang? Anyare sayo? Ayyyy may mga bruhilda pala sa harapan natin friend!"

Glenn: "Lorenzo yung bunganga mo talaga walang preno!"

Alexa: "Anong sinabi mong bakla ka? Bruhilda? Baka ikaw. Baklang bruhilda!"

Lorenzo: "Hoy! Ang kapal ng feslak mo rin eh no. Atlis ako maputi ang budhi ko! Hindi katulad ng budhi mo na kasing itim ng kilikili ni Neggie!"

Glenn: "In addition friend, kasing baho pa!"

Mga siraulo talaga itong mga kaibigan ko. Gusto ko nang tumawa ng bongga pero hindi ko magawa. Naasar ako sa pagmumukha ng dalawang pindehang ito eh. 

Sharlene: "Sorry. Pero ayoko ng gulo Alexa."

Pagkatapos kong sabihin yun ay aalis na sana ako pero sinabunutan niya yung buhok ko. Guyth. Yung buhok ko sinabunutan niya T_T Masakit yun eeeeh. T____T Pero hindi ako kumibo. Kalma lang Shar. Kalma lang. Ang mga tulad ni Alexa ay hindi dapat pinapatulan.

Lorenzo: "Aba'y maldita ka talagang babae ka ah!"

Sasabunutan na rin sana ni Lorenzo si Alexa pero inawat ko.

Sharlene: "Tara na. Wag na tayong magkipag-away."

Glenn: "Pasalamat kayo mabait ang friend namin. May araw din kayo sa amin!"

Alexa: "Humanda ka sa amin Sharlene. Sa oras ng uwian malalaman mo kung gaano mo sinira ang araw ko ngayon! Arrrrghhhhh!!!! I HATE YOU!!!!"

Hate mo mukha mo Alexa. So be it. Sanay na rin naman ako sa mga pananakit niyo sa akin eh. Wala akong pakielam.

Nash's POV

Grabe yung eksena between Sharlene and Alexa. Nakita ko lahat yun. Eh kasi may narinig akong nagsisigawan eh nacurious ako. Kaya ayun naging chismoso nang wala sa oras. Grabe. Ang ganda talaga ni Alexa. Pero may kakaiba kay Sharlene. There's something different about her. And I'm so curious about it. Grabe. Ayyyy may nabangga na pala ako. Anu ba yan.

Nash: "Sorry miss!"

Alexa: "Sorry ri-- ayyy Nash ikaw pala!"

Nash: "Ikaw pala Alexa! Sorry. Okay ka lang ba?"

Alexa: "Ahh oo okay lang ako."

Nash: "May kasabay ka bang kumain?"

Alexa: "Ahhh wala eh."

Nash: "Gusto mo tayo na lang ang sabay?"

What if? (NASHLENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon