Yay! Chat connected
Mahal? Naalala mo pa ba?
Diba dyaan tayo nagsimula?
Nag umpisa sa hi
Kaso magtatapos din pala sa byeAng saya nang umpisa
Kulitan, tawanan, asaran
Hanggang sa unti unti na ngang nahulog ito
Nahulog na nga ang puso ko sayoAraw araw , Gabi Gabi, kausap kita
Ikaw ang nasa isip sa tuwi-tuwina
Dahil sa iyo ako ay masaya, ngumingiti, tumatawa
Ngunit di ko akalaing ikaw din pala ang dahilan ng aking pag luhaGrabe, di ka mawala sa aking sistema
Oras-oras, minu-minuto hinahanap kita
Hinahanap hanap ko ang mga biro mo
Na dahil nga dito'y nahulog akoNahulog ako at ako'y sinalo mo
Palagi'y pina ninibugho mo ako
Ngunit may kasunod namang lambing pag nagalit ako
At dahil doo'y tuluyan na ngang nahulog ang pusong itoNgunit sa paglipas ng panahon
Tila ba nagbabago na ang daloy
Wala na ang kasunod na lambing matapos ang paninibugho
Wala na din ang patibayan sa pag tulogUni-unti'y tila ba nagbabago
Lumalamig na tayo
Dahil ba ito sa pag kukulang ko?
Siguro nga ay ooAt dumating na nga ang panahong bumitaw ka na
Ngunit hindi ako pumayag kaya't hinabol kita
Sabi ko'y 'kaya pa natin to, kapit pa'
At ikaw nga ay kumapit paSa pangalawang pagkaka-taon
Pilit kong pinupunan ang mga pagkukulang
Ngunit siguro nga'y hindi pa rin ito sapat
Sa pangalawang pagkakatao'y bumitiw ka nanamanAt sa pangalawang pag kakataon uli ay hinabol kita
Oo nahabol kita at ikaw ay kumapit pa
Ngunit ilang araw pa lamang ay bumitiw na
At tuluyan na nga akong napagodNapagod na ako kakahabol
Pagod na kong umasa na baka meron pa
Na baka may kasunod pa
Na baka may pag-asa paWalang araw na hindi ko binibisita ang timeline mo
Walang araw na hindi ko tinititigan ang litrato mo
Palagi kang nasa isip ko
Hindi ka mawala wala ritoIlang araw ang lumipas at ako'y kina usap mo
Nag tatanong kung ' pwede pa ba ulit maging tayo? '
Hindi ako makapaniwala, sa isip ko'y 'totoo ba ito?'
Kay tagal na panahon ang hinintay sa pawang panaginip na itoAko'y nag isip at naging buo ang aking desisyon
Makipag balikan ang aking desisyon
Ngunit bakit ba pabago bago ang isip mo?
Sa huli'y sinabi mong, hindi ka pa handang makipagrelasyonMahal nasaktan ako
Matapos nuon ay naghabol ulit ako
Wala eh, mahal kita
Kahit tila ba masyadong maaga'y wala akong magagawaPang ilan na nga ba?
Pangatlo?
Sa pangangatlong pagkakataon ay hinabol kita
Ito ang pinaka masakit dahil ako'y di mo na pinansin paSeenzone? Inboxzone?
Hirap talaga pag LDR no?
Kahit anong oras pupwede tayong mawalan ng koneksyon
Hindi lang sa account ngunit pati na rin sa relasyonSiguro nga ay ito na ang panahon
Panahon para ako'y sumuko na
Panahon para ako'y bumitaw na
Panahon para ako'y di na umasaUmasa na mayroon pang susunod
Umasa na mayroon pang book 2
Umasa na baka pwede pa
Na baka kaya paOnce is enough, Second is too much, Third is dangerous...