Twenty Eight : Turning Point

355 6 19
                                    

Priele’s POV

 

     “Priele, want to have a walk sa labas?” tanong ni Ansel sa’kin pagkalabas niya ng banyo. Nakabihis na din siya.

“No. I’m tired kasi. Dito na lang muna ako.” Tanggi ko sa offer niya. Umayos ako ng higa at pumikit. Pinakarimdaman ko ‘yong mga galaw niya.

Nagbuntong-hininga siya, “Okay. Lalabas lang ako sandali. I’ll be back later.”

“Hmm.”

I feel sorry for him. Hindi ko naman gusto na ganun ‘yong pag treat ko sa kanya. May usapan kasi kami ni Riu na magkita mamaya.

Mahinang katok ang nagpabaling sa’kin sa pinto. Mabilis akong tumayo at sandaling tiningnan ang sarili ko sa salamin, if okay pa rin ba ‘yong mukha ko, bago tinungo ang pinto at binuksan.

“Hi.” Unang bati ni Riu sa’kin.

Ginantihan ko naman siya ng matamis na ngiti. “Hey.”

He curtsied in front of me at inilahad niya ‘yong kamay niya sa harap ko, “Tara na po, your highness?” he flashed me his sweetest smile and I slowly nodded, extending my hand.

He held it, after I closed the door and made sure it was locked I allowed him to drag me. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya hinayaan ko na lang siya na hilahin ako at dalhin kung saan man.

Riu held my hand as we walked silently at the sea shore; my left hand was swinging the slippers that I took off. We’re waiting for the sunset and the sea breeze was fanning my face, I’m just thankful that I tied my hair back so it wouldn’t cover my face. And I’m constanltly stealing glances at him.

Napatingin ako dun sa mga bata na naglalaro sa may tabing dagat di kalayuan sa’min. Gumagawa sila ng sand castle. ‘Yong isa naman eh ibinaon yung kalahati ng katawan nung dalawa pang bata sa ilalim ng buhangin. Nakakatuwa sila tingnan.

Riu squeezed my hand and I turned my head towards him.

“You want to join them?” he asked.

Tiningnan ko siya na parang hindi ko alam kung ano ‘yong ibig niyang sabihin dun. Pero nung makita ko na seryoso siya sa sinasabi niya ay marahan akong tumango.

So, ‘yon nga... nilapitan namin ‘yong mga bata at tinanong muna n Riu if pwede ba kami sumali. Para pang nagdadalawang-isip sila nung makita kami ni Riu, eh ang laki na namin tapos makiipag laro kami sa kanila. Malamang magtataka talaga sila if matino ba kami.

“Let them join na lang para magawa na natin ‘yung castle.” Sabi nung batang babae na naka-pink swim suit at nakapony tail yung buhok. Her cheeks are a bit pink, I think dahil sa pagbibilad under the sun, it makes me want to pinch her.

Nagtinginan muna sila bago lumingon sa’ming dalawa ni Riu at tumango ng sabay-sabay.

“Sige po.” Sabi naman nung isa pang batang babae na naka-summer dress at ngumiti sa’min. Lumapit siya sa’kin at hinila ako sa kamay at binigay ‘yong maliit na plastic shovel. “Marunong ka po ba gumawa ng sand castle—”

Hindi niya tinuloy yung sasabihin at parang naghihintay siya na sabihin ko ‘yong name ko. Kaya ako naman nagpakilala na sa kanya. “You can call me ‘Ate Priele’. And you are?”

“Okay po, Ate Priele.” Sagot naman niya sa’kin. “Chamie po.”

Tumabi sa’kin si Riu at nagsquat siya dun sa sand. “Hello, Chamie. I’m Kuya Riu naman.” He waved his left hand kasi ‘yung isang kamay niya hawak nung cute girl na nagconvince sa kanila na isali kami. Bumaling si Riu sa kanya, “Rica, siya si Ate Priele.” And the girl too waved her hand to me.

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon