Hell boy

174 4 3
                                    



*********************

"Is it just me or napapansin niyong may kamukha siya?" Tanong ni Harsten sa mga kasama niya. His with his whole family nasa kwarto sila nong babaeng nagligtas sa pamangkin niya. Nasamid naman ang Dad niya sa pag-inom ng kape. Nabitin naman sa ere ang pagsubo ng mom niya ng cake at napatigil naman ang kuya Niya sa pag gamit ng phone.

"What do you mean?" Sabay sabay na Tanong ng mga ito.

"That was cool." Sabi niya kaya naman napatikhim nanaman sila ng sabay.

"Seriously guys are you planning on having a family choir?" natatawang tanong niya dahilan kaya manliit ang mga matang nakatingin sakanya.

"I mean I never saw hell boy up close in person. Don't you find it cool?" Confused na tanong niya sa mga ito habang tinitignan ang dalawang bukol na pagkalaki Laki sa noo ng dalaga.

"We're suppose to laugh now? Ha-ha...funny Hans." Walang ganang sabi ng kuya niya at bumalik na sa pagpindot ng phone nito ng biglang nagsalita ang kanyang pamangkin.

"Can She sign my shirt then tito Hans?" And with that, the whole room was filled with laughter.

___________

Tengena naman bat ang sakit ng ulo ko? Sabi ni kerstin sa isip niya. Kanina pa siya nakikinig at nakikiramdam, parang kinakabahan siya dahil baka nahuli siya ng humahabol sa kanya. Kalaunan ay may muli nanamang nagsalita  at namukhan niya ung mga boses. Lalo na iyong boses ng malapit sa kaniya.

Wala siyang matandaan. Hindi niya alam kung pano at nakahiga siya at kung bakit ang bigat ng pakiramdam niya, partikular sa kanyang ulo. Kunwari nagising siya sa ingay ng mga ito. Bahagya siya nagkikikos hangang sa dahan dahan siyang nagbukas ng mata.

Puting kapaligiran ang siyang namulatan niya. Kanyang sinipat sipat ang kanyang katawan. Maayos pa naman ang kagay niya kanya lang ay napalitan ang suot niyang damit. Sunod siyang tumingin sa kamay niyang tila pumipintig sa sakit. May dextrose na nakakabit rito. Napakunot noo siya habang mas binibigyan ng attention ang kanyang dextrose.

Pakiramdam niya kasi ay parang Nanlalabo ang kanyang paningin at doble doble ang kanyang nakikita. hindi naman sa naduduling siya pero may iba sa kanyang nakita. Tila saglitang kisap mata ay may nakita siyang emaheng katulad na katulad din ng lagay niya ngayon. Mariin siyang pumikit at pilit na pinapakingan at iniintindi iyong mga boses na kumakausap sa kaniya.

Ipinikit ulit niya ang kanyang nga mata at ilang saglit pa ay tumigil na iyong papalit palit na eksenang nakikita niya. palakas ng palakas nadin ang boses na naririnig niya hangang sa malinaw na niya itong napakingan.

"What's the patient's name?" Sabi ng isang lalaking tila sumusuri sa lagay niya. Nakasuot ito ng puti at may stethoscope na nakasabit sa leeg nito.

"We don't know philip." Dinig niyang sagot ng nga taong kasama nila sa loob ng silid. Tahimik lang siyang nakatingin sa ginagawa nito. Ng makitang lahat ay nakatingin sa gawi niya sinubukan niyang sabihin ang pangalan niya.

"E-Erin po." Namamaos ang boses na sagot niya.

"Okay Erin may masakit ba sayo?" Tumango nalang siya.

"Ulo ko po." Kanina pa siya hindi komportable sa bigat nankanyang nararamdaman. Tila kanina pang may pumipiga sa kanyang sintido.

"Philip how's the tests? masyado atang malakas ang pagkakauntog at bagok ng ulo niya." Hindi niya maiwasang hindi magtaka kung bakit kasama niya iyong mga taong kasama nong batang niligtas niya.

Missing Reflection (on hold/editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon