prologue

296 3 0
                                    

•••

"Aaaaaahhhhh!"napahinga ako ng malalim at saka napakapit sa nurse na nakatayo sa magkabilang gilid ko.Shet!hindi ko inaasahan na ganito pala kahirap ang manganak.Ang sakit!

"Ok do it again miss Aguilar!malapit na siyang lumabas"aniya ng doktor umiri lang ako ng umiri hanggang sa tuluyan na nga siyang lumabas napangiti naman ako

"Uwah!"iyak ng bata napabitaw naman ako sa dalawang nurse at napahinga na ng maluwag wala na tapos na ang panganganak ko.Sana naman-matanggap niya ang anak namin kahit ang anak lang namin wag ng ako

Pero natatakot ako na baka tangihan niya ang anak namin baka magalit siya dahil sa ginawa ko.Gusto niyang ipalaglag ang anak namin pero hindi ko ginawa dahil ayokong makapatay ng isang inosenteng bata.At isa pa kagustuhan niya rin ito kung bakit nabuo ang bata

"Bess!"napabaling ako kay Honey na kapapasok lang dito sa delivery room.Siya ang nagiisa kong bestfriend​ siya ang kumopkop muna sa akin bago ako palayasin ng asawa ko sa bahay namin.Dahil nga daw malandi ako kaya niya ako pinalayas at dahil rin sa pagbubuntis ko akala ko kasi matutuwa siya noon pero hindi pala

"B-bakit?"utal kong tanong dahil sa mukha niyang parang naawa at the same time ay parang nagpupuyos sa galit

"Kahit anong mangyari wag na wag mo nang tangkaing bumalik sa bahay niyo"maotoridad pero mahinahon nitong sabi napalunok naman ako sabay kunot noo.Kinakabahan ako sa mga pinagsasabi niya pero hindi ko kayang gawin yun dahil mag asawa na kami-nakalimutan ko isa lang palang Forced marriage iyon

"Bakit?"

"Gusto mo bang malaman?"tumango naman ako ng sunod sunod napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang dalawang kamay ko "Bes mas lalo kang masasaktan kapag ikaw ang mismong nakakita"may tumulong luha sa mga mata nito kaya kinutuban na ako sa susunod niyang sasabihin

"Ano ba kasing nangyari bakit ka umiiyak?"tanong ko

"Bess naawa ako sa iyo.Bakit ba hindi mo nalang pakawalan ang asawa mo at humanap ng mas deserving ng pagmamahal mo?"

"Pero may anak na kami"

"But he doesn't need your child"humihikbi nitong sabi ako naman ang nasaktan sa sinabi niya kaya napayuko siya "I'm sorry bess,naiinis na ako diyan sa asawa mo matagal ko ng alam na may kinakasama siyang ibang babae pero tinago ko lang iyon sa iyo dahil alam kong masasaktan at masasaktan ka lang kapag sinumbong ko sa iyo natatakot rin ako na baka maapektuhan ang anak mo kapag nagkataon na pinaalam ko sayo ang pinag gagawa ng asawa mo.Bess i'm really sorry but I saw him with another girl I saw how he laugh infront of her I saw how he really loves that girl"hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko dahil sa sinabi niya.

Parang nadurog ang puso ko at kaluluwa ng makitang totoo nga ang sinabi ng kaibigan ko base sa Picture ng asawa ko at ang babae-ang ate ko na magkahalikan ang iba naman ay nagtatawanan sila at ang iba naman ay ang gumagala sila

Napakuyom naman ang kamao ko dahil sa galit at pagkamuhi.Kaya pala.Kaya pala lagi siyang wala at laging gabi na umuwi dahil kay ate.Ano ba ang nakita niya kay ate na wala sa akin?minahal ko siya ng buong buo pero ganito ang sinusukli niya sa akin

Tumayo naman ako kahit nahihirapan at saka nagpalit

"Saan ka pupunta?"tanong ni Honey na parang kinakabahan

"Pupuntahan ko siya"malamig kong tugon.Nagpupyos ngayon ang puso ko sa galit ang mga luha ko hindi magsitigil sa pagtulo dahil lang sa nalaman ko.How could he manage to do this to me?pinagsilbihan ko siya bilang asawa pero soya ang turing sa akin ay isang katulong lamang.Kung ganong mahal niya si ate bakit hindi nalang noon si ate ang pinakasalan niya bakit sa akin pa siya humingi ng tulong para masustentuhan lang ang pesteng pamilya niya?!

the revenge of the ex wifeWhere stories live. Discover now