CHAPTER 6
For the past year and a half, nag-iba yung pananaw ko sa buhay. Akala ko madali lang yung pagiging isang modelo pero mahirap pala. Sobrang hirap. Nawalan ako ng oras sa mga bagay na gusto kong gawin. Kahit si Gabrielle, minsan wala na akong oras sa kaniya. Hindi na rin ako madalas umuwi ng bahay dahil sa photoshoots na ginagawa ko.
Pero worth it din lahat. Dalawang beses na akong nakapaglakad sa runway. Yung mga bayad na natatanggap ko, binibigay ko lahat yon kay mama at papa. Kung dati ay baon kami sa utang, ngayon unti unti na kaming umaangat ulit at paniguradong babalik kami sa Korea para sunduin si Yoongi.
Tinanggal ko yung head dress na suot ko. Finally, tapos na yung event. Nagpalit na kami ng damit ng mga co-models ko at sinalubong ako ni mama, papa at Gabrielle ng may ngiti sa labi. Niyakap ko ng mahigpit si Gabrielle.
"You look so cute." Sabi ni Gabrielle tapos ginaya niya yung itsura ko habang naglalakad ako sa runway kanina.
"Ganiyan ba itsura ko?" Tanong ko sa kaniya habang pinipigilan yung tawa ko.
"Oo kaya!" Sabi niya tapos inulit niya ulit yung pang-aasar niya sakin. Ginulo ko yung buhok ni Gabrielle tapos hinalikan ko siya sa noo.
Ang cute ng girlfriend ko.
Umuwi na kami sa bahay dahil may pa-despedida daw sila para sa akin. Wala naman akong mga kaibigan dito sa New York bukod kay Gabrielle at Alys kaya hindi ko alam kung bakit naghanda pa sila mama ng pagkain.
"Ilan lang naman tayong kakain pero ang dami mong hinanda, mahal." Sabi ni Papa kay Mama. Pinatikim ni Mama si Papa ng carbonara na niluto niya. Nag-thumbs up naman si Papa bilang sign of approval na masarap yung luto ni Mama.
"Okay! Kain na kayo." Sabi ni Mama. Kumuha na kami ni Gabrielle ng pagkain at tinext ko si Alys na bilisan niyang pumunta sa buhay dahil uubusan ko siya ng pagkain.
"Sayang lang talaga at wala si Seulgi dito sa New York. Namimiss ko na yung batang yon ah." Sabi ni Mama habang kumakain siya.
Napahinto ako sa pagkain dahil naalala ko na naman yung mga sinabi sa akin ni Seulgi. Sa totoo lang, nababahala na ako sa mga sinasabi niya sa akin. Parang may mali na.
Alam kong mahal ako ni Seulgi. Bata pa lang kami sinasabi na niya sa akin yon. Pero iba na yung pagmamahal ni Seulgi sa akin.
Parang... hindi na pagmamahal.
"Bisitahin din natin si Seulgi sa Korea, anak ha." Sabi ni Mama. Tinignan ko si Gabrielle at parang wala siyang naririnig dahil tuloy lang siya sa pagkain niya. Hindi ko alam kung hindi niya ba naririnig yung sinasabi ni Mama o wala lang siyang pakialam.
"Opo." Sabi ko kay Mama.
Dumating na si Alys at nagcelebrate pa kami. Kumain, kumanta, sumayaw, at kung ano ano pang kalokohan yung ginawa namin.
Hindi makakauwi si Gabrielle at dito siya matutulog ngayon sa bahay. Pinahiram na siya ni Mama ng pajama at sa kwarto siya ni Yoongi matutulog ngayon.
Bumaba muna ako sa kusina para kumuha ng pagkain na dadalhin ko kay Gabrielle. Habang tumitingin ako sa kusina ng makakain, nakakita ako ng mga prutas.
Kumuha ako ng isa tapos naalala ko yung lalaki na katabi ni Yoongi sa ospital noon. Hindi ko na matandaan yung itsura niya dahil matagal naman na yon pero naalala ko pa yung pangalan at boses niya. Kumusta na kaya siya? Sana hindi na niya inulit yung ginawa niya. Sana hindi na siya magpakamatay ulit.
BINABASA MO ANG
Behind The Lies | yoonmin
Fanfic"Because behind the lies, there is a truth that is waiting to come out." Book 3: Behind The Lies | yoonmin written by: chimchimeeen