So ayun, nakabalik na kami ng Shanghai at eto ako ngayon nagagahol sa oras dahil na-late nanaman ako ng gising at may pasok pa ako. Late na kasi kami nakauwi kagabi at hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa sakit ng puson ko.
Hay! Ewan ko ba kung bakit sumasakto lagi 'tong puson ko at laging nakikisabay. Gustong gusto akong pahirapan lagi.
Teka, asan na ba yung medyas ko? Anak ng tokwa, ngayon pa nawala.
"Ma! Pa! Nakita niyo ba yung--" Napatigil ako sa pag galaw nang makita kong komportableng nakaupo si Daoming Si sa aming sofa.
"Daoming Si... Anong ginagawa mo dito?"
"Is that how you treat your boyfriend na ang gusto lang naman ay sunduin ka para sabay kayong pumasok?"
"Ahhh! Ang sweet naman ng son-in-law ko!" Narinig ko ang matinis na boses ni mama at agad ko itong pinagdilatan ng mata. "Anyway, kumain ka na ba, AhSi?"
"Opo, mama."
Mama?! Eh hindi pa nga kami kasal! I mean, hindi kami kasal! Masyadong malawak ang imahinasyon ng mga tao dito. Aga aga mga nananaginip pa ata. Lalo naman lumaki ang ngiti ni mama nang marinig na itinawag siyang 'mama' ni Daoming Si. Bigla rin naman lumabas si papa galing kusina.
"Honey, narinig mo ba 'yon? Tinawag niya akong mama!"
"Eh ako, AhSi? Anong tawag mo sakin?" Isa pa 'tong si papa.
Ngumiti naman si AhSi, "good morning, papa."
Tuwang tuwa naman itong mga magulang ko nang marinig iyon at ako naman ay napairap sa kawalan. Umiling ako at nakita ang medyas ko sa ilalim ng sofa.
"Okay, tara na! Tama na. Malelate na ako." Sinira ko ang paguusap nila at hinila na palabas si Daoming Si. "Bye Ma! Bye Pa!" Nang makalabas kami at nasara na ang pinto ay agad kong hinampas si Daoming Si at napa-aray naman ito sa sakit. "Ano yun?!"
"What?" Painosenteng tanong niya at nakatanggap nanaman ng hampas mula sa akin. "Your parents like me very much!" Mayabang niyang sinabi.
"Yeah right. I hope your mom likes me too."
Hinawakan niya ang mukha ko at ihinarap ito sa mukha niya, malapit nanaman ang distansya ng mga mukha namin. "She will. Okay? Don't worry."
Ayan, konting ganyang assurance lang na galing sa kanya, okay na ako.
Naestatwa naman ako nang makita ko si Mr. Park na biglang sumulpot sa gilid niya. Agad akong lumayo kay AhSi at itinikom ko ang bibig ko. Inakbayan naman ako ni AhSi patungo sa sasakyan nila.
Wait, hindi ba nila dadamputin si AhSi tulad dati? Ang buong akala ko ay dadamputin nanaman nila ito at papauwiin. Pero bakit iba ang nangyari? Kasama pa namin si Mr. Park papuntang school.
Tinignan ko si AhSi habang nasa loob na kami ng sasakyan pero mukhang hindi naman ito galit o nag-aalala. Nahuli niya ang aking mga mata at sumenyas naman ako pero ngumiti lang siya at hindi ako pinansin.
Soon, nakarating na kami sa harap ng Mingde University. Si Mr. Park pa ang nagbukas ng pinto ng sasakyan.
"Anong nakain nun?" Tanong ko kay AhSi nang makaalis na ang mga bodyguards niya. Si Mr. Park kasi ang katiwala ni Mrs. Daoming sa pagbantay kay AhSi.
Nang mahuli kami dati ni Daoming Si na magkasama ay ipinadampot agad nila ito at si Mr. Park ang narinig kong nagreport nun kay Mrs. Daoming.
"He'll cover up for me habang nasa London pa si mama."
BINABASA MO ANG
Against All Odds
FanfictionThis story is inspired by Meteor Garden 2018. Starring: Shen Yue as Dong Shancai Dylan Wang / Wang He Di as Daoming Si Darren Chen as Huaze Lei Caesar Wu as Xi Men Connor Leong as Meizuo