60

3K 47 1
                                    

Pagkatapos umalis ni Laila ay pumasok na kami sa loob ng bahay. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kanya hindi ba?




Nagtungo kami sa living room at doon umupo.




"Why you did not escort Laila hanggang makauwi sya?" tanong ni Dad sa akin.




"She don't want me to be involved. Gusto kong sumama pero ayaw nya. Ayoko namang pilitin at mag-alok pa ng hatid dahil panigurado ay tatanggihan din naman nya." tumango tango lang si Dad sa akin.





Tahimik lamang kami saglit ng tumatakbong pumunta sa amin ang isang katulong. Umiiyak ito at medyo aligaga ang galaw.




"S-sir! Sir!" hinihingal na sabi nya habang umiiyak.




Napatayo naman kami agad. Lumapit si Mommy sa kanya at hinaplos ang likod nya.




"What's wrong?" masuyong sabi ni Mommy.




Lumunok muna ang kasamabahay at saka tumitig sa akin.




"A-ang mga tauhan na d-dala po ni Ma'am L-laila andoon po sa likod, mga d-duguan po sila." umiiyak na sabi nito.




T-teka! A-anong nasa likod e kasama-----




Napatakbo agad ako sa labas ng bahay namin at instart ang kotse ko. Fuck. Sana mali ang iniisip ko. Sana mali ang iniisip ko. Sana mali ang iniisip ko. Fuck! Fuck! Fuck! Fuck!




Narinig ko pang nagsisigawan sila Mommy pero hindi na ako nakinig. Pinaharurot ko na ang sasakyan ko. Nanginginig ako at kinakabahan. Tumutulo na ang pawis ko pero pinilit ko paring magdrive. Sana mali talaga ang naiisip ko. Fuck! Dapat talaga ako na ang naghatid sa kanya.





Mahigpit ang pagkakahawak ko aa manibela ko. Nagdadasal na sana walang mangyaring masama sa kanya.




Ilang metro lang pagkalabas ng gate ng village namin ay nakita ko na ang dalawang van na nasa gitna ng kalsada. Walang masyadong dumadaan na sasakyan dahil malalim na din ang gabi kaya hindi ito pansin. Nakabukas lahat ng pintuan at may mga dugo na akong nakikita. Agad akong kinabahan. Fuck.




Agad kong itinabi ang sasakyan ko sa gilid nito at bumaba agad. Nakita ko sa isang van ang tatlong body guard na pinadala ko. Puro duguan at wala ng mga malay. Nagtungo naman ako sa van kung saan tanda ko na sumakay si Laila. Andoon ang dalawa sa tauhan ko at puno din sila ng dugo at wala ding mga malay.  Fuck!




Napasabunot ako sa buhok ko at napaluhod. May nangyari bang masama sa kanya? Anong ibigsabihin nito?




May narinig akong ubo sa isang van kung saan naroon ang mga body guards na pinadala ko. Nagtungo ako agad doon at nakita ang isang tauhan namin na may malay. Inalalayan ko sya palabas ng sasakyan.




"Anong nangyari? Bakit nabaril kayo? Nasaan si Laila?" sunod-sunod na tanong ko.




Wala ako sa wisyo at tanging si Laila lang ang iniisip ko.




"N-nagkaroon ng e-engkwentro, S-s-ser. K-kinuha nila s-si Ma'am L-l-laila." nahihirapang sabi nito.




Agad akong nanghina sa narinig ko. Bakit nila kinuha si Laila? Ano ba talaga ang nangyayari? Anong kailangan nila?




Bago ko pa matanong ulit ang body guard ay may mga sasakyan na nagsidatingan.




Naaninag ko na agad bumaba si Marc at tinignan ang nasa loob ng van. Nang hindi makita ang hinahanap ay pinagsusuntok at pinagtatadyakan nya ang kotse. Halata sa mata nito ang galit.




HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon