Chapter 19: The Revelation

3.4K 55 0
                                    

[AMIA'S POV]

Pitong buwan na ang tiyan ni Amia. Talagang malaki at mabigat na ang tiyan niya kaya nasa bahay na lamang siya. Kaunting panahon na lamang ay lalabas na ang baby boy nila. Noong huling maggpa-check up nila ay nakumpirma na lalaki ang baby. Sobrang saya nilang mag-asawa.

Hinagod niya ang tiyan niya. “Baby,  excited ka na bang lumabas? Huwag mo pahirapan si Nanay, ah.”

Parang sumagot ang anak niya dahil naramdaman niya na parang sumipa ito. Malikot ito sa tiyan niya. Kapag kinukwento niya ito kay Samuel ay tuwang tuwa ito. Tuwing uuwi ito galing ng trabaho ay ang kwentong niyang iyon ang nakakapagpasaya rito. Nagmuni-muni siya ng dumating na naman ang Tiyang niya.

“Ano na naman ho?”

“Buntis ka nga...” sabi nito. Hindi niya alam kung tama ang tingin niya na gumuhit ang awa sa mga mata nito.  “Hindi ako pumunta rito para awayin ka o ano. Nandito ako para may ipakita sa’yo.”

Nagtaka siya. “Ano ho iyon?”

Lumapit ito sa kanya. Hindi ito nakakatakot ngayon. May ibinigay itong envelope sa kanya. Binuksan niya iyon. Tumambad sa kanya ang napakaraming litrato. Litrato ng isang Doctor. Litrato ng lalaking maraming kasamang babae. May mga sasakyang nakapalibot at mansyon.

 Sumikip ang dibdib niya. Hindi siya pwedeng magkamali.

“Siya si Hiroki Kress. Galing sa isa sa mga pinakamayamang pamilya sa Pilipinas. Napakayaman niya, Amia. Pinapatakbo niya ang mga Ospital na pagmamay-ari ng pamilya nila. Akala ng lahat ay patay na siya dahil sumabog ang kotseng sinasakyan niya.”

Pumatak ang luha ko. Napatakan ang isang litrato kung saan nakangiti doon ang asawa niya—si Hiro. “Tama na...”

 “Nagka-amnesia pala siya rito. Napakaswerte mo, Amia. Pero bakit mo siya tinago dito? May pamilya siya. May maganda siyang buhay!”

Napailing iling siya. “Wala kayong alam sa lahat! Umalis na kayo! Parang awa nyo na! Siya na si Samuel ngayon! May bago na siyang buhay kaya huwag n’yo na kaming guluhin!” humagulgol siya.

“Amia...”

“Tiyang parang awa n’yo na. Kalahati ng buhay ko mag-isa ako, ngayon lang ako naging masaya sa piling ni Samuel kaya huwag n’yo naman sanang ipagdamot sa akin. Umalis na ho kayo.”

“Nakakaawa ka, Amia. Namamalimos ka ng pagmamahal ng taong kahit sa panaginip ay hindi magiging sayo! Nagpabuntis ka pang malandi ka! Kapag bumalik ang alaala ni Hiro tiyak na iiwanan ka niya. Walang wala ka sa mundo niya. Dumi ka lang, Amia.”

Nalulunod siya sa kanyang sariling luha. “Sa akin lang si Samuel! Umalis na kayo!”

 “Makakaganti na rin ako sa’yo, Amia. Dahil sa’yo nakulong ako! Kaya ikaw naman ang magdurusa ngayon! Tignan natin kung hindi ka mabaliw kapag iniwan ka ng sinasabi mong asawa mo!”

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon