Pagkadating namin sa kanila Aud ay nakita agad namin yung mga kotse. Sabi ni Micks kanina ay tapos na isurprise si mom at syempre kakontsaba daw si dad. Medyo late lang kami ng mga 30 minutes so makakahabol pa daw kami sa pakulo nila Aud.
Namiss ko din yung bakla na yun huhu. Masyado kasing busy kaya ilang araw din kaming walang contact sa isa't isa.
Pumasok na kami ni Micks sa mansion nila Aud at never kong maiimagine na makakapasok ako sa isang napakapormal na party. Grabee! Parang puro business ata ang mga pinaguusapan nila.
"Zands" napalingon kami ni Micks sa tumawag sakin at pagkalingon ko ay yumakap agad ako sa kanya.
"Waaah!Namiss kita Aud!" sabi ko. Niyakak niya naman ako pabalik at tumawa sandali
"Namiss din kita. Grabee parang tumaba ka" bulong niya habang pinipisil yung maliit kong bibili.
"Walanghiya ka" sabi ko tapos hinampas siya ng slight.
"Uy Mickey" bati ni Aud kay Micks ng makabitaw na siya sakin
"Uy pre. Tagal mong nawala ah" sabi ni Micks
"Pre? Hahaha"grabe naman pre ang tinawag kay Aud. Sabagay mukha siyang straight ngayon kasi kung umakto siya, lalaking lalaki. Ikaw ba naman palibutan ng mga taong ang tingin sayo ay lalaki hindi ka aakto ng maayos?
" Asan nga pala sila Bbf at ang kapatid niyang tomboy?" tanong ni Aud kaya natawa ako hahaha.
"Andun sa bahay hahaha!Iniwan namin kasi nagaaway nanaman" pagsagot ko. Tumango naman siya then ngumiti ng slight
"Ano pa nga bang bago? Ay, halika na nga."sabi niya at hinatak ako palayo kaya naiwan si Mickey na tumango lang tapos naglakad papunta sa direksyon kung nasan sila Lance.
" Kanina pa kayo hinahanap ni mudra at pudra. Bakit kasi pa-late ang peg niyo" mahinang sabi ni Aud para walang makarinig.
"Eeeh wala akong masuot kanina. Buti nalang at may dala si Micks kanina. As expected sa knight in shining armor ko" sabi ko pero tinawanan ako ni Aud. Pangasar din eh no?
"Oo nalang, bakla. By the way, may pasalubong nga pala ako sayo galing sa Japan. Mamaya ko nalang ibibigay sayo kasi nasa kwarto pa" sabi niya then huminto kami sa may food table sa backyard nila kung saan mas tahimik kumpara dun sa likod at mas konti ang mga tao. Siya nalang daw kukuha ng pagkain kaya naghanap nalang ako ng mauupdate. Nang makahanap na ako ay umupo na ako tapos inilibot ko yung paningin ko. May mga fairy lights na nakasabit sa puno t halaman nila. At walang gumagamit ng pool nila. Sabagay, sino ba namang matino ang magswiwimming ehbday ng mama ni Aud.
Dumating na si Aud bitbit ang isang malaking plate na punong puno ng food kaya naglaway agad ako. Omg ang sarap! Iniwan niya muna ako kasi kukuha daw muna siya ng maiinom.
"Hawakan mo tong maiinom tapos ako dito sa plat. Dun nalang tayo sa kwarto kumain kasi padating na daw yung ibang business partners nila pudraekels" sabi ni Aud kaya umakyat na kami papunta sa kwarto niya. Nilagay namin yung mga maiinom dun sa nightstand niya at kumuha naman siya ng maliit na table na pwedeng ipatong sa bed at dun nilagay yung pagkain.
"Asan nga pala si mom? Hindi ko pa siya nababati eh" sabi ko tapos kumagat sa fried chicken
"Ayern kachika niya yung long lost bestfriend niya nung highschool. Nandun pa sila sa kwarto at baka mamaya pa sila lumabas. Kain na us!Nagugutom nako" sabi niya tapos umupo na rin sa kama niya at nagsimula na ring kumain. Marami siyang kinuha at kasya na akmi dito sa mga to. Fried chicken, carbonara, kebab, angus steak at tsaka konting kanin. Actually kanina nung dumaan kami sa food table, may nakita pa akong pudding na nasa fridge, may salad din, chocolate fountain, mallows, sprinkles, at marami pa.
"Gutom ka? Eh diba kanina pa nagsimula yung party? Hindi ka pa kumain?" tanong ko tapos sinubuan siya ng carbonara kasi naghihiwa pa siya ng steak. Ngumuya muna siya then lumunok bago magsalita, in contrast(yes naman) sakin na salita muna bago nguya hahaha.
" Nagentertain pako ng guests ni mudra so wa akong time lumafang huhu" sabi niya then sinubuan naman ako ng steak with rice. Mmm!ang sarap!Heaven
"Asan nga pala si hilaw na ipis?" tanong ko kasi hindi ko siya nakita kanina
"Ay umuwi na yun two days ago kasi umuwi na daw yung kakambal niya"
"Kakambal? May kakambal siya? Haluuuh. 2x hilaw na ipis. Jusme" sabi ko at tinawanan niya naman ako. Saya niya ah
"Yas may twinny siya but kabaliktaran nun si ipis"
"You shouldn't be mentioning the word ipis habang kumakain kayo" napatingin kami sa pinto at nakita namin si mom na may kasamang babaeng kasing age niya lang
"Mom!Happy birthday po" sabi ko ng makalapit ako sa kanya. Nagyakapan naman kami
"Thank you, Zandra."sabi niya kaya nginitian ko siya pero nawala yung ngiti ko ng maalala ko yung regalo niya
" Hala naiwan ko po yung regalo mo! Kukunin ko lang po. Sa-"
" No need. Binigay na sakin ni Mickey kanina. It's the best gift I've ever received. Thank you hija"sabi niya kaya bumungisngis naman ako
" Oh, Zandra this is my bestfriend Cathleen. Cath this is my anak, Zandra"
"Ma pinagpalit mo naman agad ako para kay Zands" sabi ni Aud na nasa tabi ko na pala at inakbayan ako.
"Nice meeting you Zandra. Andrei, you have a good taste" sabi ni tita Cath. Nagkatinginan naman kami ni Aud at parang nandidiri siya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis hahaha.
"Tita, she's my bestfriend. May boyfriend na po itong bugwit na to" sabi ni Aud kaya nahampas ko siya sa braso. Maka bugwit! Porket almost 6 feet na siya at ako ay 5'3 lang. Huhuhu matangkad nako niyan kahit papano.
"Hay nako. Iwanan na namin kayo para makakain na ulit kayo. Oh, asan nga pala sila Lau and Lea?" tanong ni mom
"Andito po kami tita" napalingon sila tita Cath at mom sa likod nila at kami naman ni Aud ay sinilip sila.... Well ako lang pala kasi kita naman niya sila sa likod nila mom kasi matangkad siya at ako naman Well......
"Iniwan po kami ng magaling naming pinsan kaya masasabunutan namin siya mamaya" pagbabanta ni Lea
Uh-oh
BINABASA MO ANG
Bakla! Be mine?
Teen FictionAng pag-ibig ay walang pattern, walang direksyon at walang pasabing dadating sa buhay ng isang tao. Iba't iba ang klase ng pag-ibig: pampamilya, pangkaibigan, pangewan at etc. Ako si Zandra Castillo, nagmamahal dahil mapagmahal. Nakaranas ng sakit...