Chapter 14
After that hell week ay balik trabaho na ulit ako, ganun na rin ang turingan namin ni JP.
Pero turingan namin ni Joshua, ay sobrang laki ng pagbabago. Hindi siya yung taong magso-sorry agad, bibigyan niya muna ako ng space saka siya magtatanong kung galit pa ba ako.
Hindi ko siya pinapansin, pero patuloy pa rin yung pagdadala niya ng lunch ko, ipinapahatid niya nga lang sa janitor o di kaya sa guard.
Kapag magte-text naman siya, hindi ko nalang nire-replyan.
Maghapon lang akong nagtrabaho hanggang sa matapos ako, bago lumabas ay nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko.
After our goodbyes, lumabas na ko ng building at dumiretso sa parking lot, pero bago pa man ako makapasok sa kotse ko ay may tumawag sakin.
Mom calling...
"Hello, ma?" I answered my phone.
"Anak..." nagulat ako ng marinig kong humihikbi si mommy.
"Mom? Why? Why are you crying? Is there something wrong?" I asked.
"Anak, ang kuya mo... naaksidente.." si mommy na lalong napalakas ang hagulgol, nangilid naman ang mga luha ko.
Mabilis kong ibinaba ang phone ko sabay pasok sa kotse at pinaharurot sa ospital kung na saan si Kuya naka-confined.
Pagdating sa ospital ay mabilis akong bumaba saka dumiretso sa loob at sa information desk.
"Angelo Presley? Where is he?" I asked na nagpa-panic na!
"ICU po ma'am.. turn left nalang po ka--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nung nurse, tumakbo na ako papunya ron atsaka hinanap si mom and dad.
Pagdating sa tapat ng ICU ay nandun si mom na umiiyak kayakap si dad. Lumapit akong lumuluha na.
"M-mom.." agaw ko sa atensyon niya.
Lumingon naman agad siya. "A-a-anak.." si mom habang sumisinok, sinugod niya ako saka mahigpit na niyakap.
"Ano bang nangyari? Bakit siya naaksidente?" I asked
"Nakipagbreak sa kanya si Dionne, ayun nag lasing." Paliwanag ni mom.
"What?" I asked na hindi makapaniwala.
Pero bago pa makasagot si mom ay lumabas na ang doctor.
"Doc, how's my son?" Si mom.
"He's stable now, later on we will transfer him to the private room." The doctor said.
Mabilis namang tumango si mom at kasabay nun ay ang pagalis ng doctor at pagdating ni Joshua.
"Tita, ano pong nangyari? Bakit po siya naaksidente?" He asked.
"Nakipag break sa kanya si Dionns kaya naglasing." Mom said.
Tahimik lang ako sa gilid ni mom habang pinapakalma siya. Pero nagulat ako ng muntik na siyang bumuwal, sabay pa tuloy kami ni Joshua ang sumalo sa kanya.
Nagtagpo ang mga kamay namin ni Joshua sa likod ni mom kaya ayun mejo na ground ako.
Pero mabilis din naman akong nakabawi kaya nadala na namin siya sa upuan.
"Mom? Kumain ka na ba?" I asked her.
"No, hindi pa siya kumakain habang hindi nakakausap yung doktor." Dad explained.
"What!?" I exclaimed. Hinalungkat ko naman ang bag ko kasi alam kong nandun yung pagkain na binigay kanina ni Joshua sakin.
Nang makita ko ay ibinigay ko ka agad kay mom.
"Mom, eat na. Sige na." I said clamly. Ramdam ko naman ang titig ni Joshua sakin kaya di ko na siya pinansin.
YOU ARE READING
I Stupidly Fell In Love with my Bestfriend
عاطفيةCASEY STARTED: JULY 2018 ENDED: NOVEMBER 2018