~11~ Confused

89 2 0
                                    

SA nakita nyang reaction ni Clint. Hindi nya alam kung dapat ba syang matuwa o mairita. Bakit tila bumaligtad ang mundo nito? Anong nangyayari at ito naman ang tila hindi matanggap na wala na sila.

"You see that?" Narinig nyang sabi ni Stella.

"Ang alin?" Takang tanong nya, nilingon nya ito at nakita ang tinutukoy nito.

"Seriously, what's eating him?" Papalapit si Clint. Halatang may pinagdadaanan ito.

"Can i talk to you?"

"No." Saka tinalikuran ito. Naguguluhan sya, hindi na talaga nya maintindihan ang mga nangyayare. Kamaikailan gustong-gusto nitong makipag-break sa kanya.

Natapos ang exam week nila, at sembreak na nila.

"Ok lang kaya kung dumalaw ako sa inyo?"

"Walang may sakit sa bahay Kiel." Natatawang sagot nya.

"Nagtatanong akong seryoso."

"Kiel, kung wala ka namang sadya sa bahay namin. Wag na lang okay?" tiningnan nya ito. Seryoso nga.

"Malamang, kaya nga dadalaw ako sa inyo kasi may sadya ako."

"I get it. Ok lang, basta nasa bahay ako at magtext ka muna ok?" Alam naman talaga nya ang sadya nito, ang manligaw.

"Thanks! See you!" Masayang-masaya ito, ang kaninang seryosong mukha ay napalitan ng ngiting walang katumbas. Nayakap pa sya nito.

May ilang minuto din siguro itong nakayakap sa kanya, bago nila maulinigan ang isang tikhim sa kanilang likuran.

"Pwedeng sabay tayong umuwi Mikail?" Si Clint.

"Hi Pre, ihahatid ko sya eh. Sa iba ka na lang sumabay."

"Mikail, pwede? Err, like the ol'times?"

Nakatingin sya kay Kiel. At sinenyasan itong mauna na.

"You sure? Take care." At humalik sa pisngi nya.

Lumakad ito palayo habang kumakaway sa kanya. Kinawayan nya rin ito at nagsimula ng lumakad.  Umagapay lang si Clint sa kanya. Walang salita, hanggang sa makarating sila sa subdibisyon nila.

"Uhm, dito na ko. Salamat sa paghatid." 

"Iho? Clint! Nakung bata ito, Mikail bakit hindi mo muna papasukin? Halika iho, pasok ka." Nakita sila ng Mommy nyang, kasalukuyan palang nagdidilig sa garden.

Wala syang nagawa, pumasok din si Clint sa kanila. Habang nagmemeryenda sila, wala pa rin silang kibuan at ang Mommy nya lang ang salita ng salita.

"Iho, bakit hindi ka na dumadalaw dito? Palaging malungkot itong aking si Mikail, akala mo ba?" Napalingon ito sa kanya.

"Mom, hindi naman." Pagtanggi nya at iniiwas ang tingin kay Clint.

"Hindi daw, totoo naman kaya."

"Sorry tita, busy lang po sa school." paliwanag naman nito.

"Sabi ko nga sa kanya iho, alam mo naman din kasing nasanay itong dalaga kong ikaw lang ang kasama. Kaya siguro, nahihirapan mag-adjust sa buhay kolehiyo. Hindi pa naman nag-aral ang bestfriend nitong si Ellie."

"Ganun po ba? Hayaan nyo tita babawi po ako. At saka sisiguraduhin ko pong, di na uli sya malulungkot." diretso ang tingin nito sa kanya. Hindi man sya magsalita, alam nyang nag-uusap ang mga mata nila.

"Mom, can you give us a second?"

"Of course iha, sa garden na kayo mag-usap. Para malinis ko na itong pinagkainan."

Pumunta syang garden at sumunod naman ito. Hindi na sya nakatiis kaya kinausap na ito.

"Ano na namang laro ito Clint? Hindi ka ba napapagod? Ako pagod na pagod na!" 

"Sssh. Lower your voice, baka marinig tayo ng Mommy mo." Umupo ito sa bench na naroon.

"Ano?" Naghihintay sya ng sagot mula dito, ngunit sumenyas itong maupo sa tabi nito. Umupo sya sa katapat nitong bench.

"I'm really sorry, im a jerk."

"More than that. Pero hindi mo pa nga sinasagot, yung tanong ko! Ano na naman ito?" Naiinis na sya, naguguluhan na nga sya. Lalo pang gumugulo dahil sa mga pinagsasabi nito.

"I'm confused. Really, i dont know whats happening. Bigla, parang nag-iba lahat." naihilamos nito ang kamay sa mukha.

"Ikaw pa na-confused? Tibay mo lang din, ang gwapo mo lang sa part na yon!"  

"Para kasing isang araw nagising ako, tapos ayoko na. Tapos nagising ulit ako, gusto ko na."

"Sana next time, hindi ka na magising." Sarkastiko nyang sabi.

"Wag naman, im trying to explain myself here. Pakikinig lang naman hinihingi ko."

"No, when i'm the one who's asking for an explanation. I didn't get any. Tapos ngayon, gusto mong pakinggan kita? Seriously?! You're not making any sense! Maybe, you should go home! I've had enough!" Tumayo sya at iniwan itong nakayuko.

Nasa kwarto na sya ng makatanggap ng text mula dito.

I'm sorry :(

She loved him, but shes' also tired of him. So she can't help if her eyes starts to shed tears. She longed for him, but then again, shes' mad at him.

***

Maaga pa lang ay ginising na sya ng isang maingay na tunog ng blender. Naiiritang bumangon sya ng kama at iniayos ang higaan. Maya-maya pa ay narinig na nya ang boses ng Mommy nya.

"Dear, wake up! Breakfast is ready!"

Bumaba sya ng hindi man lang inintinding maghilamos at magmumog. Ganun na lang ang pagkagulat nya kung sino ang mabungaran kasama ang Mommy nya.

"Iha, upo ka na. Tinulungan ako ni Clint sa paghanda ng paborito mo. Hala, halika na." Anyaya ng Mommy nya.

"What're you doing here?!" Galit na tanong nya.

"Bumabawi." Kibit balikat na sagot nito sa kanya. Napamaang na lang sya.

"Iho, bagay sayo iyang ganyang porma." Puri ng Mommy nya.

"Thank you po tita, pero mas prefer ko po yung dati. Mas komportable, at saka tin-ry ko lang naman po ito."

Napaismid sya, sa isip nya. "So pati sa lovelife ganon din? Tin-ry mo lang din yung isa, tas ngayon babalik ka sakin? Manigas ka!"

"Iha ano ba? tatayo ka na lang ba jan? Kain na."

Ang Boyfriend kong BaduyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon