Lissy's P.O.V.
Hindi talaga namin gusto na ipagpaalam namin na may relasyon kami sa isa't isa hindi dahil sa ikinahihiya namin ang isa't isa ,dahil ito sa reputasyon namin .
Siya ang president ng student council at ako ang warfreak sa school namin .
Dapat siya ang modelo ng isang mabuting bata kaya ayaw ko talagang ipagpaalam sa mga tao kung ano kami.
Sa bahay ay sweet kami sa isa't isa pero kung nasa labas na kami ay hindi ko siya pinapansin.
Palagi akong ligtas sa dean office dahil ang parents niya ang nagmamay-ari ng paaralang ito.
Nakatira kami sa iisang bahay at pinagawa yun ng parents namin infact natuwa sila nung naging kami ni Galvin.
5 years na kami and still strong ang relasyon namin.
Hindi naman siya mahirap mahalin dahil ang bait niya pero hindi natin masasabi na ang gwapo niya dahil nerd siya.
Magtatanong na kayo kung paano naging kami?
Well ganito ang nangyari...
Flashback 7 years...
11 palang ang edad ko at ako lang naglalakad mag-isa sa park dahil sa tinakbuhan ko ang yaya ko na buntot lang ng buntot sa akin.
Ang taba ba naman niya kaya hindi niya ako nasundan.
Hindi ko napansin na may mababangga pala ako kaya alam niyo na ang sunod na nangyari.
Nabangga ko yung tao at napaupo ako sa damuhan at ang sakit ng pwet ko.
Ang tigas ata ng katawan nung taong nabangga ko .
Tumingin ako sa taong nabangga ko at ang taba nito.
Napatingin ako sa gilid nung taba at may nakita akong bata na bugbog sarado at parang nerd yun.
Bet ko ang tabang ito ay bully.
"Hoy bata tumitingin ka nga sa dinadaanan mo!"tabang nabangga ko.
"Tsk, ang bully detector ko kasi dinala ako rito kaya nabangga ko ang bully."ako.
Nagulat sila sa inasal ko.
"Aba gusto mo bang masunod sa kanya?"taba na bully.
"Try me."ako.
"Wala kang panama sa akin babae ka l--"bago siya matapos sa sasabihin niya ay sinuntok ko ang mukha niya.
Napahiga siya sa damuhan at dumdugo ang ilong niya.
"Anong sabi mo taba?"ako at bigla na lang siya tumakbo.
Bakla ba yung tabang yun? Natakot na lang na sinuntok ko lang siya ng mahina.
Tumingin ako sa batang nakakaawa.
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya upang makatayo siya at kinuha niya ito.
"Ayos ka ba bata?"ako.
"A-ayos lang ako."siya.
Nginitian ko siya at may biglang humila sa akin at si taba kong yaya iyon.
Hinihingal pa nga siya habang nakahawak sa akin.
"Ikaw'ng *breath* bata *breath* ka kung saan saan ka lang tumatakbo."yaya.
Tumingin siya sa amin at nanlaki ang mata niya.
"Ginawa mo ba yan sa kanya?" Yaya.
YOU ARE READING
THE GANGSTER'S LOVER
Roman pour AdolescentsAno ang maiisip mo kapag ang tanong ay ano ang mahal ng gangster? Katulad ba sa kapwa nila gangster? Pero paano kung ang mahal ng gangster ay mas less expected niyo? Maniniwala ka ba na magmamahal ang gangster ng ganung klaseng tao?