Elle
"Baby! You already prepared?"
Narining kong sigaw ng mama ko mula sa baba ng bahay namin. I'm done with my baggages and I just need to fix myself before they fetch me to the airport.
"Give me 15 minutes ma!" Pabalik kong sagot for them to be aware na hindi pa ko nakaprepare.
Dali dali akong nag ayos at nagsuot na lang ako ng simpleng sweatshirt and pants and then sandals. Agad kong sinakbit sa balikat ang backpack ko at hinila ang maleta pababa sa first floor ng bahay namin.
Bumungad sakin si mama na nag iisa sa sala habang hinihintay ako.
"Ma where's papa?" I asked.
"Oh. He's already inside the car. C'mon you'll be late to your flight."
"Okay." I smiled as I answered.
"Hey anak. Wala ka bang nalimutan? Passport? Anything?"
"None ma. I've already checked my things last night. Tara?"
"Leggo."
Pagdating namin sa harap ng bahay, binuhat na ni papa ang mga gamit ko at ipapasok sana sa compartment ng sasakyan but i refused.
"Pa, dito na lang po sa backseat. Mag isa lang naman ako eh."
"You sure?"
"Yes papa. I can handle."
"Okay so let's go?"
Tumango ako bilang pagtugon. Pumasok na ko sa loon ng sasakyan at naupo. Sinandal ko ang ulo at likod ko at pumikit. Hanggang sa maramdaman ko ang unti unting pag usad ng sasakyan.
"Maaa. Wag mo muna akong kausapin. I slept late last night. Inaantok pa po ako."
Sagot ko kay mama dahil ayaw niya kong patulugin. Kakaunting minuto na lang naman daw bago kami makarating sa airport.
"Ikaw naman anak. Mamimiss ka kasi namin eh. You'll be spending 3 months far away from us. God. I'll miss my baby."
"Maa please? Just let me sleep. Nagmamakaawa ako."
Natawa si papa sa sinabi ko at siya na ang sumagot kay mama.
"Hon, let our princess sleep. Besides di naman yan maghahanap ng boyfriend sa states right?"
Ugh. Boyfriend? Is that even connected to our topic? Goodness. Isa pa tong si papa eh. Akala ko naman makakatulog na ko yun pala mag oopen ng panibagong topic.
"Nah uh! You're still our baby. Not yet allowed." Sabi ni mama
Hanggang sa kaniya kaniya na silang nagsabi ng opinyon nila. Argh. Hindi na yata talaga ako makakatulog.
"Babyy!! We'll miss you! Please come back a little faster!"
Walang tigil si mama sa pagsasabi ng I miss you. Ayaw na ayaw talaga kasi niyang nalalayo ako sa kanila ni papa. Cuz last time an incident happened to me when I'm away. And they got worried. They both have important appointments to do at hindi sila basta basta makakalipad papunta sakin.
"Please take care my Princess." Sabi ni papa
"I will pa. Don't worry to much. I can handle myself this time. Btw I'll go na. Bye ma pa:)"
Hinalikan ko sila sa pisngi at tumalikod na.
Sumilip ako sa bintana ng eroplano pagkatapos kong maupo. Kinuha ko ang earphones at music player ko at naghanda na sa pagtulog. Mag isa lang ako sa seat na kinauupuan ko kaya komportable ako. Nagsimula na akong makaramdam ng antok kaya napagpasiyahan ko nang matulog.
I woke up inside a park and there's a man infront of me offering his hand to me. I don't know why I can't see his fave clearly pero parang ang linaw linaw ng mukha niya para sakin. Well, I won't describe his features that detailed. Pero masasabi kong he does possess good enough features. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. Inabot ko ang kamay ko at hinayaan ang sarili kong dalhin niya kung saan man kami pupunta. Nakatingin lang ako sa likuran niya ng bigla niyang bitawan ang kamay ko.
Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. The place changed at nandito na kami sa isang pool. I saw different people inside a nipa hut and I have a feeling na mga kaibigan namin sila ng lalaking kasama ko.
"Hey Dy!! Oh buti naisama mo si Elle!" Biglang sigaw ng isa sa mga lalaking nasa loob ng nipa hut.
Hindi nagsalita ang lalaking kasama ko na Dy yata ang pangalan. Instead he grabbed my hand again and brought me to another place.
Nandito kami ngayon sa harapan ng isang mataas na gate at nakikita ko ang payapang karagatan sa likod nito. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang binitawan ang kamay niya. Agad siyang lumingon sa akin.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko at narinig ko na lamang ang mga hikbi na nagmumula sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ako umiiyak.
"Hindi pwede...hindi kasi pwede.." bigla na lamang lumabas ang mga salitang yon sa aking mga labi.
Hindi siya nagsalita pero nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Maging ang pagbagsak ng kaniyang mga balikat pagkatapos marinig ang mga sinabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ang bigat bigat ng loob ko matapos kong bitiwan ang mga kamay niya at sabihin ang mga salitang yon.
Sinulyapan niya akong muli at hindi nakatakas sa akin ang luhang kumawala sa kaniyang mga mata na lalong nagpabigat sa nararamdaman ko.
"Until I see you again." He said
He smiled before he turned his back on me. And as he enters that big gate infront of us pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Patuloy lang ako sa pagiyak kahit hindi ko nalalaman kung bakit. Basta ang alam ko lang nagsisisi ako sa pagbitaw ko sa mga kamay niya.
Tumungo ako at saglit na nagisip. Naramdaman ko na lang na hinahabol ko ang lalaking nagngangalang Dy. Ang lalaking humawak sa kamay ko at nagparamdam ng hindi ko mapangalanang pakiramdam sa akin.
Ngunit bigo ako. Hindi ko na siya naabutan. Hindi ko na siya nakita ulit. Lumingon lingon pa ako para magbalasakaling nandyan pa siya pero hindi ko na siya nakita ulit.
Kusang tumulo ang luha ko. Patuloy lang ako sa paghikbi.
Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi ang mga katagang
Sana hindi ako bumitaw.
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sa mga balikat ko. Iminulat ko ang mga mata ko at alam kong basang basa na ng luha ang buo kong muka.
Weird. Ramdam ko pa rin ang sakit dahil sa lalaking yon sa panaginip ko. Napahinga ako ng malalim at lumingon sa taong gumising sa pagkakatulog ko.
No...
It cannot be. My heart skipped a beat the very moment I saw his face. It cannot be. It isn't real.
"Hey...why are you crying? You alright?"
Tanong niya sa akin. Pero nananatili pa rin akong tulala at nakatitig sa nag aalala niyang mukha.
Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha na galing sa mga mata ko. Hindi matigil sa mabilis na pagtibok ang puso ko. Tuloy tuloy lang ito.
Muling may pumatak na luha sa mga mata ko at agad niya itong pinunasan.
"Hey...stop crying pretty lady. I'm here. Btw. My name's Dylan. Dy for short. What's yours?"