Prologue

8 3 0
                                    


Minsan talaga masarap ring magpaka tanga. Yung tipong kitang kita na ng dalawa mong mga mata ang totoo pero mas pinipili mo paring huwag maniwala at ipagpatuloy ang pagmamahal na ikaw lang naman ang nakakaramdam. Ako lang ang nakakaramdam!

Minsan naisip ko rin kung mahirap ba talaga akong mahalin? O may magmamahal pa ba sa akin? Sana talaga ako nalang. Pero hindi nadidiktahan ang puso. Nakakainis isipin na this is all because of a damn play of love.

----------------------------------------------------------------------

Hindi ko inaasahang mahuhulog ako sa bitag niya. Yung mga ngiting abot hanggang mata. Yung pagtawag ng pangalan ko minu minuto na akala mo nawawala. Yung pagpapakilig sa akin na hindi naman siya nabigo dahil parang nakahiga ako sa napakalambot na kama habang inililipad ng hangin.

Pero ngayon, nagbago na ang lahat. Dahil hindi na ako ang kailangan mo. Hindi na ako ang katabi mo, ang tinatawag mo, ang kakulitan mo, ang katawanan mo. Hindi na ako!

Nakakapagtaka at nakakainis dahil bakit? Bakit ang daling nawala, ang daling nagbago, ang daling natapos? Pero siguro ganon talaga, walang permanente at hindi lahat natatapos ng masaya.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Damn Play of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon