Talia POV.
Naalimpungatan ako dahil sa bigat ng nakadagan sa'kin. Pag mulat ng mata mukha niya agad ang aking nakita, mahimbing siya natutulog habang yakap yakap ako. Hindi talaga siya umuwi, dito pa talaga natulog, mabantayan lang ako. Tipid ako napangiti bago bumangon ng dahan dahan para di siya magising. Napatingin ako sa labas ng bintana madaling araw pa pala.
Nag tungo ako sa Cr para maligo at magbihis pagkatapos lumabas ako at umupo sa kama habang nakatingin sa kanya.
"I'm sorry Clark sa gagawin kong ito, ayoko na pati ikaw madamay pa, problema ko Ito kaya ako ang lulutas nito. Ang singsing lang naman ang gusto nila at makakasama ko narin ang mommy ko. 'wag ka magalala babalik ako sayo. Mahal Kita!" Bulong ko bago ko siya halikan sa labi. Pinagisipan ko na itong mabuti at buo na ang decision ko.Paglabas ko ng bahay agad ko tinawagan ang holdaper para malaman ko kung saan kami magkikita pero Sabi niya may susundo sa'kin puting van kaya naghintay ako. Gusto ko malaman ang boses ng holdaper pero parang may gamit siya voice coder para di ko siya makilala. Gusto ko tumawag ng pulis para man lang may tumulong sa'kin. Pero naisip ko ang kalagayan ni mommy baka mas lalo siya mapahamak.
Ilang minuto pa may humintong puting Van sa harap ko at lumabas ang mga armadong lalaki naka maskara. Nong una natakot talaga ako sa present nila pero hindi ko nalang pinahalata para sa mommy ko. Pinasakay nila ako nilagyan ng blindfold ang mata ko. 'bakit may ganito?' Satingin ko abot kalahating oras ang byahe bago kami huminto."Pumasok kana!" Buo ang kanyang boses dahilan ng mag tayuan ang balahibo ko. Nakakatakot ang boses niya.
Binuksan nila ang pinto at may lalaki nakaupo sa silverchair na di kalayuan sa pwesto ko. Nakatayo lang ako sa gilid ng pinto incase na may gawin siya hindi tama agad ako makakalabas diba."Lumapit ka dito!" Ganyan ba talaga boses niya nakakatakot. Para kasing may nilagay siya sa bibig niya para mag iba boses niya. Lumapit ako ng dahan dahan sa pwesto niya.
" Kumusta ka na? Yong sugat mo, ayos naba?" Nagulat ako dahil nag iba na boses niya. Pero parang familiar ang boses na'yon."Wala akong panahon makipag kwentuhan sayo, Nasaan ang mommy ko!" Sigaw ko sa kanya, kahit kinakabahan ako, pag ito talaga nagalit patay ka talaga Talia.
"Mommy mo lang? Ayaw mo ng Daddy?" Ano Sabi niya? Ibig sabihin nandito din si daddy? Nanginginig ako sa galit gusto ko siya sugurin at suntukin.
"Walangya ka!! Ang samasama mo!! Wala kang puso pati mga magulang ko dinamay mo!!" Sigaw ko. Ang sama niya pati daddy ko dinamay niya.
"Ouch! Ang sakit mo naman mag salita" umakting pa siya nasasaktan.
"Ang kagaya mo walang puso hindi dapat nasasaktan!" Gusto ko umiyak sa harap niya pero pinipigilan ko lang para hindi ako mahina sa paningin niya.
"Kung Wala akong puso hinayaan na sana kita mahulog sa bangin no'ng gabing 'yon." Nanigas ako, ibig sabihin siya ang lalaking yon?Tumayo siya at naglakad palapit sa'kin, huminto siya sa harap ko limang inch ang layo niya sa'kin.
"Ang ganda at napaka tapang naman pala talaga ng girlfriend ni Clark" bulong niya sa'kin, pa'no nakilala ng ugok na Ito si Clark. ambang hahawakan niya ako sa mukha ng agad ako umiwas at umatras sa kanya.
Ngayon ay kita ko na ang mukha niya dahil sa ilaw sa pwesto ko.
Gwapo siya kung tingnan mo parang di gagawa ng masama pero nasa loob ang masama."Gusto ko lang makuha ang mommy at daddy ko kapalit ng singsing na'to." Sabay pakita ng singsing sa kamay ko.
Ngumiti naman siya yong ngiting de*on*o."Oo naman kaya ibigay mona sa'kin yan" kukunin niya sana ng ilayo ko Ito.
"Makukuha mo lang ito kung nakakasiguro ako maayos ang magulang ko at makakaalis kami rito." Seryuso ko sabi. Tumawa siya ng malakas.Tinawag niya yong bantay sa labas at sinabihan ilabas ang parents ko.
"Makikita mo na ang magulang mo kaya ibigay mona sa'kin yan."
"Anong Sabi ko? Makukuha mo lang Ito pag nakita ko na sila." Matapang ko Sabi.
Pumikit siya Alam ko nag pipigil lang siya ng galit. "Wag mo ubusin pasinsya ko sayo Talia." Kilala niya ako? Pero siya hindi ko kilala.
Agad bumukas ang pinto at tumambad sa'kin ang mga magulang ko. "Talia?!" Nagulat sila ng makita ako. "Mommy and Daddy!" Niyakap ko sila. "Ayos lang po ba kayo ha, hindi kayo sinaktan?" Sinuri ko ang kanilang katawan kung may sugat o pasa pero parang wala naman.
"Ibigay mona sa'kin yan Talia, makakaalis kayo ng maayos dito" sabat ni ugot.
"Pagnakalabas na kami dito!" May riin ko sabi, ang tigas ng ulo rin eh."Mommy, Daddy alis na po tayo dito." Paglabas namin bumungad sa'kin Ang abandonadong building parang nasunog ito dati dahil umiitim ang dingding ganon din ang sahig.
Lumingon ako sa likod at nakita ko si ugok at dalawang alalay naka sunod sa'min.Ng malapit na kami makalabas nagulat nalang ako ng biglang nagkakagulo sa likod namin at do'n ko nakita si Clark.
Clark!!
"Hindi ka sumunod sa usapan Talia!! Sabi ko wala kang isasama papunta dito bakit nandito ang Xtreme group!" Sigaw ni ugok, napailing nalang ako dahil Hindi ko alam pa'no sila naka sunod dito.
"Sumama ka sa'kin!" Hinila niya ako palayo sa magulang ko."Taliaaaa!! Saan mo dadalhin ang anak ko?" Sigaw ni mommy habang palayo ako sa kanila.
"Mommy!! Bitawan moko ano ba !!" Kinaladkad niya ako paakyat sa tingin ko ay papunta kami rooftop.
Pagdating namin sa taas binitawan niya ako at tinutukan ng baril. Nagulat ako dahil may baril siya."Alam mo ba kung ano ginagawa ko sa mga taong hindi sumusunod sa usapan?" Humakbang siya palapit sa'kin dahilan ng pag atras ko.
"W-wag mo gawin yan p-pakiusap" aatras pa sana ako pero may nakaharang, tiningnan ko ito nakita ko lang ang baba, pag tatalon ako dito hindi niya ako mababaril pero sa baba naman ako mamamatay, pag binaril niya ko ngayon mamamatay ako sa harap niya. Napailing ako sa iniisip ko.
napalunok ako dahil sa kaba."Parang kinakabahan ka ngayon ah!" Ngumiti siya.
"Mag babayad ka sa batas pag pinatay moko ngayon!" Pilit ko sigaw sa kanya.
"Hindi ako natatakot sa batas Talia, mas natatakot pa ang batas sakin" Kung ganon dito na ba ako mamamatay? Pinikit ko ang mata ng kidlitin niya ang gatilyo ng baril.
Napasigaw naman ako ng iputok niya ito pero hindi sa'kin pero malapit na parang tinatakot niya pa ako.
Tumawa siya.
"Natakot ka ba? Wag ka matakot don! Dito ka matakot sa pangalawa kong putok dahil sigurado ako sayo tatama Ito." Tiningnan niya ako ng masama dahilan ng pagkabog ng dibdib ko."Nababaliw kana" bulong ko pero Alam ko narinig niya.
"Matagal na hahahaha!"
Itinutok niya muli ang baril sa harap ko dahilan ng pag pikit ko. Ito na ba talaga ang katapusan ko? Ganito nalang ba magtatapos ang buhay ko?.
Clark nasaan kana!Waaaaaaaaaag!!!
Itutuloy...
YOU ARE READING
My Mr. Playboy Secret (Complete)
حركة (أكشن)Dalawang taong nagkalapit ng hindi inaasahan ang Mr. Playboy at Ang babaeng transferee. Paano kaya kung malaman ni girl na ang isang Playboy ay may malaking sekrito. Abangan...