"King Scorpion"
Bumagsak si Jong-soo matapos hugutin ni Isis ang kamay na ibinaon nya sa katawan ng binata.
"Pasensya na.. wala akong oras makipaglaro sayo.. kailangan ko ng puntahan ang mga kasama mo.."
wika ng babae at naglakad na ito papunta sa pinto.
"Sandali.."
sabi ni Jong-soo nang bumangon ito.
Napalingon ulit si Isis at nakita ang sugat na tinamo ng binata. Unti-unti itong naghilom at makikita ang kaliskis ng dragon na bumalot sa sugat nya.
"Ohh.. mukhang may natitira ka pang lakas.. alipin"
tanging nasabi ni Isis.
"Sinabi ko na sayo.. hindi ako alipin.."
tugon ni Jong-soo at mabilis itong tumakbo papunta sa babae.
"Huh! Ang bilis!"
sabi sa isip ni Isis nang hindi nya inasahang makakalapit agad sa kanya ang binata.
Inihataw ni Jong-soo ang sandata nya mula sa baba paitaas. Nasalag ito ni Isis at tuloy-tuloy pa syang inatake ng binata. Itinusok ni Jong-soo ang sandata sa babae ngunit nasalag ito at pinababa ang direksyon ng sandata nito. Agad namang itinaas ng binata ang paa at isinipa kay Isis subalit nailagan din ito ng babae nang humakbang ito paatras. Mabilis na kumilos si Jong-soo at ginamit nyang tukod ang sandata nya upang habulin ng sipa ang babae.
Muling humakbang paatras si Isis upang iwasan ito pero nang mailapag ni Jong-soo ang kanyang mga paa sa sahig ay inikot nya ang kanyang katawan at bumwelo para ihampas ang sandata sa babae. Tinamaan ng atakeng iyon si Isis at tumilapon sa malayo. Nawasak ang pader kung saan bumangga ang babae at mabilis na sumugod si Jong-soo.
Inihawi ni Isis ang kamay na may pakpak sa hangin at may mga lumabas na matatalim na balahibo dito. Nakita ito ng binata at sinalag nya ang mga ito pero sumulpot sa kanyang likuran ang babae at sinipa sya nito pakanan. Tumalsik si Jong-soo at nawasak din ang pader na binanggaan nya. Hindi nag-aksaya ng oras ang binata at muli itong sumugod.
Maririnig ang banggaan ng kanilang mga sandata sa buong silid. Paulit-ulit ding tumitilapon si Jong-soo sa tuwing tatamaan sya ng atake ni Isis.
"Sawa na kong makipaglaro.. mabuti pang tapusin na natin to.."
wika ng babae.
"Oo.. mabuti pa nga.."
sagot ni Jong-soo at bumangon ito mula sa pagkabagsak.
Unti-unting nagbagong anyo si Jong-soo at lumaki ito na may taas na anim na talampakan. Ang mga kaliskis nya biglang naging tila isang bakal na baluti, tinubuan din sya ng mga balahibo at mas kapansin-pansin ang kanyang dalawang pangil na humaba ng todo.
"Isang mandirigmang leyon? Sige.. tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo.."
wika ni Isis.
Mabilis na lumusob ang haetae sa babae at agad na sinunggaban ito. Nakaiwas si Isis nang lumundag sya pakanan at tumalon naman agad sya palusob sa malaking leyon. Inihampas ni Isis ang sandata sa haetae ngunit bago pa ito tumama ay nahampan na sya ng unahang paa ng leyon.
Tumilapon sa malayo ang babae at agad naman syang sinundan ni Jong-soo. Inihampas ng haetae ang paa nito sa babae mula taas paibaba at bumaon sa sahig si Isis kasabay nun ay pagkawasak ng bahagi ng sahig na iyon. Inulit pa ni Jong-soo ang pag-atake subalit nagawang ilagan ito ng babae.
Inihawi ni Isis ang kamay sa hangin at lumabas ang mga matatalim na balahibo. Humagis ang mga ito papunta sa haetae ngunit hinampas lng ng unahang paa ni Jong-soo ang mga ito. Tumalon ng mataas na paatras si Isis at bigla ito lumaki at nagbagong anyo. Naging isang malaking lawin ang babae at agad na lumipad palusob sa malaking leyon.
BINABASA MO ANG
Cloudberry and the amulet of lightning fang (book 2)
AventuraIn continuation of Cloudberry journey.. her friend Flakes are going to find the lost amulet, that she gave to her sister. Not only the amulet that they will searching for.. but also the creature who killed her sister.