Kabanata 17

3.1K 87 4
                                    

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalis ang mga ngiti ko sa labi.

(^___^)

Nasa loob ako ngayon ng sasakyan ni Khalid at nakatingin sa labas ng bintana habang sya naman ay tahimik na nagmamaneho. Pagkaalis kase namin sa Mall ay napagpasyahan nami'ng huwag muna'ng umuwi.

"Saan mo gusto pumunta?" Basag nya sa katahimikan.

Nakangiti ko sya'ng nilingon. "Kahit saan.. Basta ikaw ang kasama"

Nakita ko nama'ng namula ang tenga nya sa sinabi ko. Sa mga nababasa ko'ng libro kapag namula ang lalaki it means kinikilig sya. Pero.. Wala nama'ng nakakakilig sa sinabi ko diba?

Hindi ko na lang sya pinansin at tumingin na lang ulit sa langit na tuluyan ng kinakain ng dilim. Ang bilis ng oras, kanina lang ay tirik na tirik ang araw pero ngayon ay naglaho na yun. Hindi ko alam kung saan nya ba balak pumunta pero sa tingin ko ay sa isa'ng mataas na lugar dahil paahon ang daloy ng takbo ng sasakyan. Hindi rin ako pamilyar sa daan na tinatahak namin.

"Khalid, sino yung babae'ng tinutukoy mo kanina.. Doon sa resto?" Tanong ko. Tumingin ako sa kanya at nakita ko kung paano'ng humigpit ang hawak nya sa manibela. Nakita ko rin ang pag-taas at pag-baba ng adams apple nya tanda ng paglunok nya. "Yung babae'ng kauna-unahan mo kamo'ng dinala doon?" Pagpapatuloy ko ng hindi sya umimik. Itatanong ko sana yun sa kanya kanina pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon.

"Forget it" Tanging sagot nya na diretso ang titig sa unahan at hindi man lang tumingin sakin.

Tumango na lang ako. Ayaw nya siguro'ng pag-usapan. Napapaisip tuloy ako kung meron ba sya'ng naging ex o naka-relasyon bago kami ikasal. Ako kase wala. Meron ako'ng ngugustuhan kaya lang hindi kami bagay. Masyado sya'ng mataas at ang hirap nya'ng abutin. Yung feeling na langit sya lupa ako? Ganon yung feeling eh.. Kaya naman inilihim ko na lang sa kanya ang nararamdaman ko. Okay na saken ang tignan sya sa malayo at kiligin ng patago.

"Nagmahal ka na ba?" Wala sa sarili'ng tanong ko. "Sabi mo noon nakalimutan mo na kung paano magmahal.. Bakit?" Pagkalingon ko sa kanya ay nakatingin na sya saken. Ibinalik nya ang tingin sa daan at huminga ng malalim.

"Bakit mo natanong?"

I sighed. 'Bakit ba hindi na lang nya sagutin ang tanong ko?'

"Syempre dahil gusto ko malaman.. Dahil gusto kita makilala.. Naku-curious kase ako sa pagkatao mo.. Masyapdo ka'ng pa-misteryoso" Sagot ko at humalukipkip. "Tanda'ng tanda ko pa yung sinabi mo saken noon na 'kapag nagmahal ka masasaktan ka lang'. Tss! Bakit nagmahal ka na ba kaya mo nasabi yun?" Frustrated na tanong ko.

"Oo.."

(O__O)


Gulat ako'ng napalingon sa kanya.

"At minsan na nga lang ako magmahal ng totoo... Sinaktan pa ko" Nakangisi'ng iling nya.

(O__O)

Hindi ako nakapagsalita!

Parang kinurot ang puso ko sa sinabi nya. Huminto sya sa pagmamaneho at pinatay ang makina. Pagkatapos ay tumingin sya saken. Nakangiti sya pero malungkot ang mga mata nya.

"Kaya naman sabi ko noon sa sarili ko... Sa susunod na magmamahal ako.. Pipiliin ko na yung tama'ng tao" Nakangiti'ng dugtong nya at saka bumuntong hininga. Umayos sya sa pagkaka-upo at tumingin sa harap. "Kaya lang.. Hindi pala ganon kadali'ng makalimot ang puso.. Kase kahit ano'ng gawin ko.. Sya parin ang mahal ko" Malungkot sya'ng ngumiti sa kawalan at kinagat ang pang-ibaba'ng labi. "Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala nya... Hanggang sa kinain ako ng galit ko... Na naging dahilan kung bakit ako nagbago.. Isa'ng araw gumising na lang ako na wala ng nararamdaman... H-Hindi na ko nakakaramdam ng pagmamahal" Mahabang aniya.

My Heartless Husband (On Going)Where stories live. Discover now