"Uy Khalid! Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang hirap na hirap sa paglalakad.
Nag-pulang dress kase ako at tinernohan ko yun ng pula'ng heels na sa sobra'ng taas ng takong ay para ako'ng nanunulay sa tulay na kapag hindi ako nag-dahan dahan sa paglalakad ay sa bangin ang laglag ko.
Hindi naman sa excited ako pero nung sabihin ni Khalid na magbihis ako at may pupuntahan kami ay talaga'ng nagprepared ako.
(^ ^,)
'ARAY! Wala pa ko'ng sampu'ng minuto'ng naglalakad pero ang sakit na ng paa ko!'
(>___<)
Pababa na ko ng hagdan sa labas ng bahay ng mawalan ako ng balance!
"AYY!" Tili ko.
(>>___<<)
"Ang bagal bagal mo na nga'ng maglakad--natutumba ka pa!" Singhal ni Khalid na hindi ko namalaya'ng nasa harap ko na pala.
Nakahawak ang kana'ng kamay nya sa may banda'ng bewang ko at ang kaliwa'ng kamay naman ay sa may braso ko. Hindi ko alam kung paano'ng sa layo ng agwat namin kanina ay bigla'ng nasa harap ko na sya at pinigilan ako sa asta'ng pagtumba.
"Hindi ako mabagal... Mabilis ka lang talaga maglakad" Katwiran ko pa.
"Tss" Hindi na sya umimik at ipinulupot na lang ang kamay nya sa bewang ko para alalayan ako sa paghakbang. Napangiti ako sa paraan ng pagkakahawak nya saken. Para ako'ng babasagi'ng bagay na kapag hindi nya iningatan ay mababasag anytime.
Pagkarating namin sa harap ng kotse nya ay agad nya ako'ng pinagbuksan ng pintuan at tinulungan pa'ng makapasok sa loob. Pagka-upo ko sa frontseat ay pinanoood ko ang pag-ikot nya patungo'ng driverseat. Nang makasakay na sya sa sasakyan ay bahagya pa ko'ng nagulat ng ibaling nya paharap saken ang katawan nya. Agad ako'ng napaatras ng mabilis nya'ng inilapit saken ang mukha nya at tumingin sa labi ko.
(O___O)
"B-Bakit?" Tanong ko at nag-angat naman sya ng tingin saken. Ano ba'ng binabalak nya'ng gawin? Don't tell me hahalikan nya ako dito sa loob ng kotse!? Omyghad! "A-Ano'ng gagawin mo!?" Angil ko at pinigilan ang kamay nya ng iangat nya yun papunta sa may gilid ko.
Kumunot naman ang noo nya sa ginawa ko. "Seatbelt" Aniya at napapahiya'ng tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kamay nya. Hinila na nya ang seatbelt sa may gilid ko at inilagay yun saken. Pagkatapos ay tumingin sya saken at saka ngumisi. "Tss! You think too much!" Sabi nya at pinitik ako sa noo.
"ARAY! MASAKET!" Sigaw ko at binigyan sya ng nakakamatay na tingin. Nakangiwi'ng hinawakan ko ang noo ko.
'Buwisit to! Hindi pa nga nakaka-recover ang noo ko mula sa pagkaka-untog kahapon dahil sa biglaan nya'ng pagpreno--pinitik nya pa!'
"Hahahaha"
(O _ O)
Eh?
Natigilan ako sa narinig ko at nilingon sya. He chuckled! Literal ako'ng natulala sa tawa nya. Binuhay na nya ang makina ng sasakyan at nagsimula ng magmaneho paalis ng bahay pero nakatitig pa rin ako sa kanya. Ni hindi ko na naalis ang pagkakahawak sa noo ko dahil sa sobra'ng pagka-amaze na nararamdaman ko. Nakita ko na sya'ng ngumiti, ngumisi pero ngayon ko lang sya nakita'ng tumawa. At ang gwapo nya sa tawa'ng yun! Masaya ako'ng masaksihan ang mga pagbabago ng ekspresyon sa mukha nya.
YOU ARE READING
My Heartless Husband (On Going)
RomansaI want to feel wanted sometimes... But my husband is a heartless bastard.