Chapter 33: Approval

34 16 1
                                    

Hadley's POV:
Maaga akong nagising dahil binulabog ako ni Sarah sa hindi ko alam na dahilan.

"Ano bang problema mo Sarah? Ang aga aga pa 'o! Alam mo bang nasa gitna pa ako ng panaginip ko!?" inis na sigaw ni Adalyn. Maya maya ay nagulat kami nang may kumatok sa labas. Sino naman kaya ang kakatok ng ganito kaaga? Magaala-sais pa lang ng umaga, actually...wala pa nga 'e.

"Dalian nyo naman boys!"

"Ikaw pa ang galit?" masungit na angal ni Oliver. "Hays...pumasok na nga lang kayo!"

"Ano ba yung napakaimportanteng sasabihin mo at pinapunta mo pa kami kaagad at hindi na kami nakapagbihis ng maayos?" Natawa naman kaming lahat dahil nakapantulog pa nga naman si Wyatt at ang ibang boys, samahan mo pa ng gulo ng buhok nila.

"Okay lang ba kung sumama kayo sa isang vacation?" Nagbago ang ekspresyon ng mukha ng lahat lalo na nila Wyatt at Oliver. Parang biglang nagkaenergy silang dalawa.

"Oo sge ba! Tinatanong pa ba yan?" walang angal na sabi ni Jasper. "'E kayo girls? Payag kayo?"

"San ba muna yung bakasyon? Tsaka kelan ka pa nagkaroon ng interest sa pagkakaroon ng isang bakasyon? 'E ang pagkakilala ko sayo ay ilulunod mo ang sarili mo dyan sa mga libro mo at hindi na lalabas ng kwarto" Napairap si Sarah sa sinabi ni Delialah.

"Iba na ngayon! Tsaka may nagimbita lang sa akin and sabi nya na isama ko kayo. Sa Baguio lang naman ang puountahan natin."

Nakikinig na lang ako sa kanila at hanggang ngayon ay walang imik. "Payag ka ba Hadley?" Natauhan ako nung kausapin ako ni Sarah.

Hala! Hindi ko alam ang sasabihin ko! Balak ko kasing sabihin na alam ko na yung balak nila dahil inimbitahan din ako ni Zeigfred na sumama.

"Ah...eh...kasi ano guys..." Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang sumabat si Oliver.

"Hadley, take a break could you? Walang masamang gawin yun!" Napahinga na lang ako ng malalim at ngumiti.

"Kasi..kasama si Zeigfred" Natahimik bigla ang lahat at parang nangilabot ako sa sobrang tahimik ng lugar. "Alam mo na 'to?"

"Uhm...Oo. Kahapon kasi inimbitahan din ako ni Zeigfred na sumama na kasama kayo. Alam ko namang hindi kayo papayag kaya hindi ko kaagad nasabi. Tsaka...okay lang kung hin-"

"It's okay, Hadley." Delialah cut me off. "Wait, what?"

"I said it's fine if he's going with us. As long as hindi ka nya sasaktan at walang mapapahamak ni isa sa atin. Diba guys?" Nakita ko namang nakangiting tumango sila Adalyn at Sarah.

"Try to touch her, and he's dead!" Babala ni Wyatt. Kahit kelan talaga 'tong lalaking 'to, napakaprotective! Takte! Nakita kong medyo masama ang tingin ni Delialah kay Wyatt at agad namang napansin ni Wyatt ito.

"I mean...don't he even dare to touch even a single one of you, girls! I'll kill him with the looks and he'll melt with his eyes burning!" Ang fierce ni Wyatt 'a! Tsaka anong meron kila Delialah? Hahaha! Selos siguro, hahaha! Pero alam naman ni Delialah na wala akong gusto kay Wyatt 'e. May onting pagkacrush lang sa kanya.

"Oo na Wyatt! Ikaw na may powers!" sabi ni Oliver na parang natatawa tawa pa. "Tsk!"

"Okay, change topic tayo! Sino nga pala naginvite sayo, I mean sa atin? 'Diba sabi mo inimbitahan ka?" Napatingin kami kay Jasper na sumeryoso ang mukha, kaya ayun kami...natigilan ng pagtawa.

"Ahh..si..Stan"

"Ano!?" Ramdam namin ang tensyon sa mukha ni Jasper at kaba kay Sarah.

Ano kayang meron kay Stan at sobrang inis dito si Jasper pagbinabanggit ni Sarah?

Jasper's POV:
"Okay, change topic tayo! Sino nga pala naginvite sayo, I mean sa atin? 'Diba sabi mo inimbitahan ka?" seryoso kong tanong. Kanina ko pa iniisip kung sino ang pwedeng mag-imbita kay Sarah and yet I still don't have any clue, kaya...nagtanong na ako. Wala naman atang masama dun 'diba?

Nung pagharap nya sa akin ay parang nagiba bigla ang timpla ng mood ko. Parang may mali. At parang masama ang sasabihin nya.

"Ahh..si..Stan" nauutal nyang sabi.

"Ano!?" Hindi ko na napigilang mapasigaw dahil hindi ako makapaniwala na sa lahat pa ng lalaki na magiimbita, yung mokong na yun pa!? Psh!

Tahimik pa rin kaming lahat at parang nakafocus samin ang buong grupo na ikinailang ko. "Psh! Pwede ba guys...wag nyo kaming pagtinginan!?" Pagkasabi ko nun ay nagsialisan na sila hanggang sa kaming dalawa na lang ni Sam ang natira.

"Anong problema mo?"

"Sya!" Napakunot naman sya ng noo. "Bakit sya? May ginawa ba syang masama sayo?"

"Wala! Pero ang totoo meron sa past" hininaan ko ang bandang huli sa sinabi ko para hindi nya marinig

"Anong sinabi mo sa bandang huli? Hininaan mo kasi 'e!" Hays...buti na nga lang at hindi nya narinig.

"Sabi ko Wala naman!" Naparoll eyes na lang sya. "So anong problema mo sa kanya?"

Psh! Hindi ko na mapigil ang gusto kong sabihin.

"Hindi ka sigurado kung sino talaga sya at kung ano ang identity nya" seryoso kong sinabi dito na nagdahilang mailang sya. Hindi sya tumingin sa akin at halatang iniiwas ang tingin niyo sa akin.

"Fine. I will go and let you join this vacation. But please...just promise me one thing" Nakita kong tumingin sya deresto sa mga mata ko. Napangiti na lang ako sa ginawa nya.

"Just be careful, okay? Ayokong makita kang masaktan, ha?" Tanging tango na lang ang iniresponde nya at saka niyakap ko sya.

"Don't worry, I can handle myself" Napangiti na lang ako at nakahinga ng malalim. Hindi ko na kailangang magalala. May tiwala ako kay Sam. Mahal ko 'to 'e! Shit! Kinikilig yung kalamnan ko!

Wyatt's POV:
When I knew na kasama si Zeigfred ay agad kong tinawagan si Jam. First, second and third call...hindi nya sinasagot.

Okay! Last na tawag ko na 'ro at kapag hindi nya pa 'to sasagutin, bahala sya sa buhay nya. After two rings, sa wakas sinagot nya rin!

"Bro, bakit ang tagal mong sumagot?"

"I'm doing something kasi, bro. At bakit ka nga pala napatawag?" Huminga muna ako bago muling magsalita.

"Magbabakasyon kaming lahat. Inimbitahan kami ni Zeigfred sa Baguio and we all agreed." Pinutol ko muna ang sasabihin ko at baka kung ano ang masabi ko ng biglaan. "So...what's the problem with that?"

"Ahh...kasi bro, may kailangan kang malaman"

"Yeah, what is it?"

"He's joining us" Wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya. Sinasayang nya talaga ang load ko, tsk! Nasa ibang bansa sya 'o, tas ang tagal magresponse? Hays Jam, siguro namumula na naman sya sa galit. Alam ko naman kasing nagtitimpi lang ito para hindi na sila mag-away ni Hadley.

"Hey bro, are you still there?"

"I need to go, bro. Call you later" Binaba na nito ang phone at as I was expecting, naiinis pa rin sya dyan sa Zeigfred na yan. Kasi bakit pa sya bumalik sa buhay ni Hadley? At kung kelan okay na ang lahat at okay na si Hadley.

Hinding hindi ko hahayaang masaktan ulit si Hadley dahil lang sa gagong Zeigfred na yun. Habang wala si Jam dito, ako muna ang magbabantay kay Hadley.




Sorry for the typographical errors, kung meron man :)

Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon