"bes Tien..." bigla kong nilingon si Aki at sinamaan ng tingin.
"ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na wag mo na akong tatawaging Tien. Patay na siya." inirapan ko naman siya.
"yeah, whatevs" iniwan ko na siya sa library at dumiretso na sa second subject namin.
Simula ng araw na yun ay di ko na pinansin si Kien. Di ko rin alam kung sila pa ba nung Rhea na yun. Si Kairo? Di pa kami nagkikita simula rin ng araw na yun.
Miss ko ba sila? Oo sobrang namimiss ko na sila Kien at Kairo dahil mahal ko silang dalawa at masasabi kong gusto ko na talaga ulit silang makasama. Pero hanggang ngayon, di ko pa rin makalimutan ang nangyari noong nakaraang tatlong buwan. Sariwang sariwa pa rin ang lahat ng alaala ng mangyari iyon. Tila ba parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Oo, tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng mangyari iyon. Di ko na masyadong iniisip iyon ngayon dahil mas nagfofocus na ako sa studies ko dahil graduating na rin naman ako.
Bumalik ako sa realidad ng may nakabangga akong isang makisig na lalaki.
"sorry miss" wika niya. Hanggang balikat ang haba ng buhok niya na medyo curly. Magagandang mata. Pinkish lips at maputing balat. Gwapo. Isang salita na bumabagay sa panlabas anyo niya.
"pasensya na rin" tinulungan niya akong tumayo at nagpasalamat ako. Nilagpasan ko na siya at makatatlong hakbang palang ako ay bigla siyang nagsalita.
"he--hey, what's your name?" he asked. I faced him and sigh.
"Vy" maikling pagpapakilala ko. Nakita ko namang kumunot ang mga makakakapal niyang kilay.
"V? As in Violet?" he asked again. So why does he have lots of question? Psh. Is he that desperate to know my name?
"Nah. Vyniel Clayden. That's my name" I saw him shook his head and what? He's shocked? Why?
"No-no-no-no way. Don't you remember me EZ? Look at you. You're so beautiful" okay? So, bakit niya ako kilala?
C'mon Tien, you just said your name earlier. Brain please.
Conscience, stop okay. I know. I know.
"Brix Chris Keene? Is that you?" wait, that's Aki's voice. And what? Brix Chris Keene?
"Chris?! My yatot? Is that you?" I saw him smile showing his braced teeth and hug me. I miss my yatot.
"look at you Yatot, you're payatot no more. Does that mean I can't call you Yatot anymore?" he just laugh and cut our hug moment.
"Come on , just call me Yatot. I missed that nickname anyway" lumingon naman siya sa likod niya at nandoon pa rin si Aki.
"hey Paeng! What are you doing there? Come here hug me. I missed you" then, Aki run and hug him. I'm so happy Yatot is here now.
Brix Chris Keene. Yatot for short. He's my boyfriend. Boy-friend. He's not gay. Me, Aki and Chris are childhood bestfriends but one day Chris and his family migrated at US leaving me and Aki. I thought Chris will never visit us again but that's just I thought.
"I'll be studying here now guys" then good. He's back and so the trio.
Trio. Yan ang tawag sa amin ng parents namin tuwing magkakasama kaming tatlo pero di nagtagal nagmigrate rin sila Yatot.
"stop speaking in english Yats. Nosebleed bes eh" sabay naman kaming tatlo na natawa. I missed this. Yung cool lang yung lahat. Walang problemang iniisip at mas lalong walang lovelife na iisipin or iniisip.
Nalaman namin ni Aki na kaklase namin si Yats. As usual, nag ingay lang si Yats sa classroom. Ganyan kasi siya kagaling sa pag iingay.
Last period or last subject... Doon lang ako pinansin ni Aki. Kung kanina ako yung di namamansin, ngayon siya naman pero knowing Aki... Di ako matitiis niyan.
"uy Tien, sorry na" psh. Sabing ayaw ko na ng Tien eh. Hays. Bakit ba ang kulit niya?
"hay nako, sabing ayaw ko na ng Tien paulit ulit mo pa ring sinasabi. Sige na nga tawagin mo na ako sa Tien na yan." bigla naman niya akong niyakap at sinabihan ng 'i missed you're dahil doon sa nangyari, di ako lumabas ng bahay at kwarto ko hanggang sa mag pasukan ulit.
"sama ako" wika ni Yats at naramdaman ko na lang na nakiyakap na rin siya.
Umuwi kami ng naglakad at sabay sabay. Sakto naman kasing di ko dala sasakyan ko at gusto nilang maglakad na lang para raw makapagbonding kami ulit.
Medyo nakalayo layo na kami sa eskwelahan namin at inaliw namin ang mga mata namin sa napakagandang tanawin ng puro halaman sa aming dinaraanan.
"kumusta naman ang ibang bansa Yats?" tanong ni Aki. Nilingon naman siya ni Chris at nakita kong ngumiti siya. Ngiting di umaabot sa tainga.
"fine" maikling sagot niya. Nanibago naman ako sa sagot niya. Parang may mali. Di naman siya ganyan magsalita eh. Madaldal siya at di ako sanay na ganyan siya.
"spill the beans Yats. Di ka okay. Madaldal ka kaya alam ko kung kailan ka may problema" narinig ko naman siyang mag 'psh'. Pero alam kong magkikwento rin siya.
"okay okay. Noong una, nagustuhan ko roon lalo na noong nakilala ko ang unang girlfriend ko. Maganda, mabait, matalino at name it halos nasa kanya na ang lahat pero ayon... She cheated. Masakit. Masakit dahil ilang taon kaming naging magjowa pero wala akong magagawa kundi tanggapin ang sakit hanggang sa nasanay na ako at nagsawa na rin ako. Umuwi ako rito upang makalimutan siya" malungkot na kwento niya. Pati ako nalungkot sa sinabi niya. Kilala ko si Chris. Siya yung tipo ng tao na napaka bait pero may nanakit pa rin pala sa kanya no? Kaya chineer up nalang namin siya ni Aki ngunit nagulat ako ng biglang magyaya si Yats ng milktea. Sakto naman na tumingin ako sa direksyon na tinitignan ni Yats at bigla akong kinabahan nang makita kong isang milktea shop iyon.
Lumingon sa akin si Aki at lumapit. Si Chris naman nauna na roon sa shop.
"ayos ka lang?" ngumiti naman ako sa kanya. Ngiting di abot sa tainga pero sapat na upang ipaalam na ayos lang ako.
"ayos lang. Di lang naman kasi sila ang may milktea shop eh. Tsaka nagbabantay yun sa shop nila. Napaka lawak ng mundo para magkita kami kaya alam kong wala siya dito" sabi ko kay Aki. Napagtanto ko naman na parang mas kinukumbinse ko lang ang sarili ko na wala si Kairo dito.
Sumunod naman na si Aki kay Chris sa loob. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ngunit sa aking pagpasok, nakita ko ang isang bulto ng tao na di ko nakita ng tatlong buwan.
Biglang bumalik sa akin lahat ng alaalang pilit kong kinakalimutan pero nang makita ko siya? Bumalik lahat ng sakit. Sakit na di ko alam kung hanggang kailan pa mananatili sa akin.
Bakit sa lahat ng lugar, dito ko pa siya makikita?
______________________________________
Vote