"The good Vampire"
Naglaho bigla sa paningin ng king scorpion ang dalawang dalaga. Lumitaw nalang sila sa harapan ng kalaban at magkasabay na hinataw nila ito ng kanilang sandata. Mararamdaman ang pagyanig sa paligid nang magtama ang sandata ng dalawang dalaga sa armas ng taong alakdan.
Tuloy-tuloy na pinaghahampas nila Cloud at Flakes ng kanilang sandata ang kalaban. Nagagawang salagin ng king scorpion ang kanilang mga atake ngunit napapaatras naman ito. Sumulpot bigla si Walter sa likuran ng taong alakdan at nakahanda ng ihataw ang espada nya.
Naramdaman ito ng kalaban kaya iginalaw nya ang buntot nya paatake sa binata. Mabilis na kumilos si Cloud at sumulpot ito sa likuran ni Walter upang salagin ang buntot ng taong alakdan. Nagawang tamaan at masugatan ng binata ang likuran ng king scorpion. Nasaktan ang taong alakdan at agad nitong iginalaw ang katawan at lumayo sa mga kaaway.
Bumaba naman sila Cloud at Walter ng mawala ang balanse nila habang nakapatong sa katawan ng alakdan. Duguan ang king scorpion habang malayo at nakatingin sa tatlong makakaibigan. Hindi nag-aksaya ng oras ang tatlo at mabilis silang lumusob sa kalaban.
Hindi alam ng taong alakdan ang gagawin at nahihirapan na syang makipagsabayan sa tatlong umaatake sa kanya. Nagawang putulin ni Walter ang kaliwang sipit ng alakdan. Naputol naman ni Cloud ang kanang kamay nito at nagawang mahiwa ni Flakes ang tyan ng kalaban.
Bumuhos ang dugo sa sahig at maririnig ang sigaw ng taong alakdan. Mabilis na umatras ang king scorpion ngunit hindi sya binigyan ng pagkakataong makatakas ng dalawang dalaga. Humabol agad si Cloud at mula sa ibaba ay inihampas nya ang kanyang katana paitaas at naputol nya ang kaliwang kamay ng kalaban.
Tumalon naman ng mataas si Flakes at itinaga nya ang palakol sa kaliwang balikat ng king scorpion papunta sa kanang tagiliran nito. Sumirit ang dugo ng taong alakdan sa mga naputol na bahagi ng kanyang katawan. Kasunod nun ay ang pagbagsak nya sa sahig at pagkalagot ng hininga. Napaupo ang magkakaibigan sa sahig matapos makitang patay na ang kalaban.
"Magpapahinga pa ba tayo.. o pupunta na tayo sa kabilang kwarto?"
tanong ni Cloud.
"Hindi ba natin.. aantayin si Jong-soo?"
tanong naman ni Flakes.
"Maganda nga.. antayin na natin sya.."
sabi naman ni Walter.
Nagpunta muna sila sa sulok ng silid at inantay dumating ang isa pang kaibigan.
"Cloud.. mukha malaki na ang pinagbago mo.."
wika ni Flakes habang nagpapahinga sila.
"Huh? Hindi naman ako nagbago ah.."
tugon ni Cloud.
"Hm! Dati kasi para namang wala kang pakialam sa iba.. pero ngayon.. nakukuha mo ng mag-alala.."
sabi ni Flakes.
"Hindi noh! Hindi ako nag-aalala.. ginawa ko lang kung ano yung sa tingin kong tama.."
sagot ni Cloud.
"Napansin ko din.. akala ko nung una sarili mo lang iniisip mo.. kaso hindi ka pala ganun.."
sabi naman ni Walter.
"Tse! Isa ka pa!"
mataray na tugon ni Cloud.
Ilang minuto lang ay dumating na si Jong-soo sa silid.
"Anong ginagawa nyo? Bakit nandito pa kayo?"
tanong ng binata ng makita ang tatlo na nakaupo sa tabi ng pader.
BINABASA MO ANG
Cloudberry and the amulet of lightning fang (book 2)
MaceraIn continuation of Cloudberry journey.. her friend Flakes are going to find the lost amulet, that she gave to her sister. Not only the amulet that they will searching for.. but also the creature who killed her sister.