Unang beses ko palang syang nakita, na mangha na ako sa taglay nyang kagwapuhan. Mapuputi at makinis na balat, natural na pula ng labi, mapupungay na mata, ilong na matangos yan ang masasabi ko sakanya.
Akala ko puro kagwapuhan lang ang meron sya, meron din pala syang angking katalinuhan at pagmamahal sa May Kapal na mas lalong nag pagwapo sakanya sa paningin ko.
Hindi ko pa sya masyadong napapansin dati pero nung may program sa school at isa sya sa mga hurado sa pageant mas napansin ko sya lalo.
Kahit na ang suot nya lang noon ay simpleng long sleeves na parang sa magsasaka, ay napahanga nya parin kami sa galing nya sa pagdala.
Lumipas ang araw at mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.
Hindi man kami madalas mag kita, hindi man kami nag uusap,
hindi man nya ako kilala,
para sa akin ay ayos lang talaga.Para bang isang aso na hanggang tingin na lang sa buto.
Pero yung aso na yon ay may amo na mabait. Hindi na ang aso ang lalapit sa buto ngunit ang buto na ang lalapit dito sa pamamagitan ng kanyang amo.
At ganon ang nangyari sa amin. Ang aking guro ay kaibigan nya, isang beses ay pumunta sya sa aming silid aralan upang bigyan ang aming guro ng ice cream.
Nabalitaan ko kasi na may gusto sya sa aming guro. Sabi ko “Ayos lang” pero sa loob loob ko, medyo nasasaktan ako. Medyo lang! Issue kayo!
Ayun na nga, binigyan nya ang aming guro ng ice cream at ito namang aking kaklase na sinabihan ko na gusto ko si kuya RJ ay inaasar ako sakanya kaya nalaman ng aking guro at ng aking mga kaklase na may gusto ako sakanya.
Nag init ang aking mukha nung inasar nila ako sakanya. Ang sabi naman nung kaklase ko, pulang pula daw ako. Kinikilig eh!
Lumipas ang araw matapos ang pangyayaring yon ng bumalik nanaman sya sa aming silid aralan upang may papirmahan sa aming guro. Parehong guro sa sinasabi ko na gusto nya.
Itong aking guro ay gumawa ng paraan para makilala ako ni kuya RJ.
Pinalapit nya si kuya RJ sa kinauupuan ako. At ako naman ay tinakip ang bag ko sa mukha ko. Nahihiya ako! Hindi lang para sa sarili ko kundi para na din sa mga kaklase ko. Ang iingay nila!!
Kung ano ano ang pinagawa ni ma’am kay kuya RJ. Pinahawak nya si Kuya RJ sa akin tas mag hello daw, tapos nung paalis na si kuya RJ hinawakan nya ulit ako at nag babye daw. Ayiiee ahahahah kinikilig pa din ako.
Pagkatapos nun, ang tagal nung kasunod na interaction namin.
Nangyari yon nung nakaraan lang. Magbabayad yung kaibigan ko ng tuition sa may business office pero hindi ko inaasahan na nandun din sya. Syempre nahihiya ako, bumalik ako. Nasa labas lang ako nung nag babayad mga kaibigan ko.
Kumuha muna ako ng tubig, same floor, tapos nakita ko na palabas na yung mga kaibigan ko. Nakita ko din na nasa may sliding door si Kuya RJ, kumakaway.
Assuming na kung assuming pero inaangkin ko na yung kaway nya. Para sa akin yun. Sa akin sya kumaway.
Tumakbo na ako papunta sa mga kaibigan ko, namumula nanaman ang mukha ko.
Sabi ko sakanila baka may sinabi sila kay kuya RJ para maging dahilan nung pag kaway nya sa akin. Ang sabi nila wala daw.
Pero syempre di ako naniniwala. Ayun pang mga yon. Kaibigan mo di ka ilalaglag sa crush mo? Imposible!
Matapos yung kaway scene. Wala ng kasunod na pagkikita. Wala ng kasunod na kilig. Hindi na kami nagkikita. Ang balita ko mag I start na sya mag aral this month e. So baka hindi ko na sya makita pa ulit.
Pagkatapos ng lahat, parang may sumampal sa akin.
Sinasabi, “Hindi mo sya deserve” “Hindi ka nyan mamahalin”
Napaisip ako, ano kaya ang dahilan? Bakit?
Sabi ko, “siguro dahil mataba ako.”
Hindi nya ako magugustuhan dahil panget ako. Mukhang mabaho kahit hindi naman. Ang oily ng mukha. Ang daming black and white heads. Ang daming pimples. Hindi marunong magsuklay. Bobo. Ano pa ba? Ano pa bang kapintasan ko ang magbababa sa pagmamahal ko?
Siguro jinajudge ko sya dahil hindi naman yan ang dahilan e or partly ayan ang dahilan. Pero hindi ko alam e. kapag reporting ang lakas ng loob ko. Kapag sinasabi ng iba na mataba ako, wala akong pake sakanila. Pero pag iniisip ko na baka ayun ang sinasabi nya o iniisip nya sa akin, lahat ng confidence ko nawawala na.
Siguro will Nya na walang mag mahal sa akin, will Nya na sya lang ang mahalin ko ng lubos. At kung will Nya, susundin kon yon.
Madami na akong diet plans na ginawa. Pero walang nagyayari. Siguro kasi will Nya na ganto lang ako or baka will Nya na may lalakeng tatanggapin ako kahit na mataba ako.
Ang dami ko ng lenggwaheng na aral, siguro panahon na para ang pag aralan ko naman ay ang mahlin ang sarili ko.
Ayun lang ang akin kwento.
Kaye
09-28-18
End.