Tamang tambay lang kami dito sa labas ng station na pinag-o-OJT-han namin. Ang boring kasi ng araw at wala naman kaming magawa. Sila chef ay wala dahil may meeting daw silang mga nasa higher posisyon. Ewan ko lang kung ano iyon. Hindi naman ako chismosa kaya wala akong alam.
"Ang mahal naman ng lamborghini'ng ito!"pakinig 'kong reaklamo ni Loisa habang nagsusurf sa cellphone niya. Siguro nagtitingin na naman siya ng bagong sasakyan. Hsst! Iba talaga kapag mayaman.
"Bilhin mo na ah. Mayaman ka naman kaya alam kong kayang-kaya mo yan."wika ko sa kanya tsaka siya nginitian.
Ngumiti naman siya pabalik kaya mas nilakihan ko ang ngiti ko. Minsan talaga kinakailangan nating makipagplastikan para lang walang away na maganap.
"May kaya nga kami. Pero hindi naman namin kakayanin na makabili nito."
"Bakit? Magakano ba yang Lamborghini na sinasabi mo?"
"10,589,400. Yan yung pinachepeast na sasakyang meron sila."wika niya na halos ikalabas na ng mata ko.
"10 million!!"tumango sakin at sigurado akong hindi siya nagbibiro.
My ghad! Sampung milyon na yun pero chepeast pa!! Yung bahay at lupa nga namin ay wala pang dalawang milyon tapos yang sasakyan na yan ay sampung milyon na!
"Hindi kaya ni daddy makabili nito. Kahit na mayor siya dito sa bayan natin ay hinding-hindi yun bibili ng mahal na sasakyan para lang sa luho."napatango-tango ako sa kanya.
Alam ko naman kasi mabubuti ang pamilya Sapon at pinagkakatiwalaan sila ng mga taong bayan dito. Alam kasi ng mamayan dito na hindi sila nangungurakot at talagang serbesyong tapat sila. Yun ang isang dahilan kung kaya't nagtagal sa posisyon ang daddy ni Loisa.
"Kung sabagay. Sige, maiwan muna kita dito kukuha lang ako ng tubig sa loob."tumango sakin na nginitian ko na lang bago umalis.
"Katryn, ronda muna tayo."yaya sakin ni Edmar pagpasok na pagpasok ko pa lang.
"Tirik na tirik ang araw tapos roronda ka?"may tonong pagkasarkastiko ang pagkakasabi ko sa kanya.
Ewan ko ba sa lalaking 'to. Kanina si Mark ang nagyaya, tapos ngayon ay si Edmar naman. Tsk! Mukhang pinagtritripan na naman ako ng mga ito.
"Hoy! Hindi ako papayag na magroronda kayo ng Katryn ko!"singit ni Mark na kakalabas lang galing sa office ni chef.
"At bakit naman aber? Pagmamay-ari mo siya? Pagmamay-ari mo siya?"nakacross arm pa si Edmar habang sinasabi iyon kay Mark. Tapos itong isa naman ay agad na umasok ang ilong at handa ng manuntok, pero nabitin ito sa ere dahil kay PO2 Vallercia na nagmamadaling lumabas kasama ang iba.
"Bilsi! Bilis! Bilis!"paulit-ulut niyang wika at nagkakaunda-ugaga na sila dahil sa pagmamadali.
Magtatanong pa sana kami pero hindi na lang namin ginawa busy sila. Hindi nila kami napapansin.
"Tara, sunod tayo sa kanila."yaya ni Lealyn samin at nagmadali din sitang tumayo. Maging ang iba ay gusto ding sumunod kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod na din sa kanila.
Hindi police car ang ginamit namin, kundi ang mga kotse nina, Edmar, Mark, at Loisa. Nagsisakay na lang kami at kay Loisa na ako sumabay. Mahirap na kung sa dalawamg yun pa ako sasakay. Mukhang mainit pa naman ang mga ulo nila. Psh!
"Saan kaya sila pupunta?"tanong ni Loisa habang sinusundan ang sasakyan ng mga police.
"Aba, malay namin! Alam mo namang pare-pareho tayong nakasakay dito."pabalang na sagot sa kanya ni Jessica na inilingan ko na lang.
BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
ActionWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)