Part 5

331 25 2
                                    

Ang Paghaharap muli....

           Nagulat nalang ako ng ikinabit ng mokong na yun ang posas sa mga kamay ko.

           " Teka bakit mo ko pinoposas?" Pagpupumiglas ko.

           " Aba miss, raid 'to nagtataka nga ako parang wala lang sayo ni hindi ka kumikilos. Hindi naman siguro ireraid ang lugar na 'to kung hindi illegal! " Pang-aasar pa nya.

             " Eh bakit pati ako?" Sigaw ko sa pagmumukha nya.

            " Natural, nandito ka so isa ka sa mga illegal gumbling hindi ka naman siguro papasok lang dito para manood, at look you..!" Tiningnan nya pa ko mula ulo hanggang paa, kasabay ng ngiting aso.

              " Teka alisin mo 'to! " Sigaw ko.

             " Hays, wag ka na marami satsat, sumama ka nalang samin ganda mo pa namam baka iba pa magawa ko sayo, tara nalang sa presinto at dun ka magpaliwanag." sabay hatak nya sa'kin.

              " Aba't, pakawalan mo ko ng makita mo hinahanap mo!" Pagpupumilit ko makawala.

       Pero wala nagawa pagwawala ko, lahat ng huli pinasok sa selda maliban sa'skin na dakdak pa din ng dakdak, hindi maalis ang tingin ko sa mokong na yun gustong-gusto kong pabaliktadin ang walanghiya.

          Pano ba ko makakalusot sa mga 'to, hindi naman makapag pakilala sa kanila, wala na ko choice kundi tawagan si chief.

            Kung nakakapatay lang ang tingin nagawa ko na sa balasubas na police na 'to. Tingnan lang natin kapag nakawala ako.
    
           " Chief, baka naman makuha natin sa mabuting usapan yan sige boss! " pang iuto ko sa chief nila.

            " Pasensya ka na miss trabaho lang!" Pakamot ng ulo sagot sakin ng chief.

            Nagtatawa naman mokong na yon.

           " Miss, kung ako sayo tumawag ka na ng abogado mo o kaya maghanap ka na ng magpapyansa sa'yo, sa ginagawa mo lalo mo lang dinadagdagan kasalanan mo eh." pang-iinsulto nyan sakin.

             " Letse ka....makita mo lang.. ipahiram mo nalang telepono nyo!" asik na utos ko sa kanya.

              " Siguraduhin mo lang may sasalo sayo sa pagkakataong 'to miss, sayang naman ganda mo kung mapapasok ka sa lugar na 'to." sabay tawa nyang nang-aasar.

             Inabot ng chief ang telepono at inalisan ako ng posas.

             Letse kang police ka, magsisi kapag nalaman mo kung sino binangga mo. Kung nakakatunaw lang tingin ko sisiguraduhin ko pati buto lusaw, kakagigil ka talaga.

              Bago pa ko idial number ni Chief, tinapunan ko ng masamang tingin Mokong na balasubas na manyak na police! Gumanti naman sya ng nakakalokong ngisi.

           Lumayo ako ng kaunti, bago di naman nagtagal ang pag contact ko sinagot agad ni Chief.

           " Chief!" bungad ko sa mahinang boses!

            " Jhin, o bakit anong nangyare napatawag ka sa telepono ko?" Pag-aalala nya.

            " Eh, Chief nahuli ako ayaw ako pakawalan!" bulong ko.

            " Ha, nasan ka ba sino may hawak sayo?  Ako kakausap!" Sunod-sunod na tanong ni Chief.

           Pero imbis na sagutin ko sya, inabot ko nalang sa Chief kung saan ako nakadetain.

Akin Ka Lang (THE UNDERCOVER wattpad edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon