*4 years old*
"Kuya Teeeeeed!!!! Huwaaaaaa!!!" iyak ng batang si Aina habang patakbong pumupunta sa batang si Ced. Magkaedad lang sila pero mas naunang ipanganak si Ced ng 2 months.
"Ainaaa!! Huhuhu Batet ka iiyak? S-sino niaway? Sino?" natatarantang tanong ni Ced sa kaniyang kaibigan. Ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak ang kaibigan dahil pag umiiyak ito nalulungkot din siya.
"K-kati tabe ni m-mommy punta daw kami mall. Tapot tabe ko ikaw din tama mall. Huwaaaaa Kato a-ayaw niya ih huhuhu" umiiyak paring paliwanag ni Aina.
"Otey lang. Tasi punta din tami ni mommy sa mall eh. Edi sama na tayo diba?" pagpapagaan niya sa loob ni Aina.
"Talaga?" tanong ni Aina na may makikita ng galak sa mga mata.
Dumating naman ang mommy ni Aina. "Aina, Ced, anong ginagawa niyo dito?" nasa sulok kasi sila sa likod ng bahay nina Aina. "Tsaka bakit ka umiiyak Aina?"
"Ikaw kati mommy eh, ayaw mo itama ti Kuya Ted" ani Aina.
"Sus niloloko ka lang ni mommy eh" nakangiting sabi ng mommy ni Aina. "Sige na, be ready na and we're going after you get ready. Ced nasa labas na si mommy mo." at umalis na ang mommy ni Aina.
"Kuya Ted, wag mo ko iiwan ah?" sabi ni Aina kay Ced.
"Aina, always lemember, di tita iiwan taya don't cly na ah." sabi ni Ced habang hawak ang namumula pa ring pisngi ni Aina ng dahil sa pag-iyak.
*Present time*
"Love, please" umiiyak na pakiusap ni Ced kay Aina.
"No, Ced. Hindi ko naman 'to ginagawa para sa sarili ko. Hindi 'to para sakin." kalmadong ani Aina.
"Akala ko ba, walang iwanan? Sabi mo hindi mo ko iiwan?" desperadong pakikiusap ni Ced. Kanina niya pa pinakikiusapan si Aina na huwag siyang sukuan. Desperadong desperado na siya dahil mahal na mahal niya si Aina.
Sarkastikong tumawa si Aina. "Ako ba? Ako ba ang nagsabi niyan?! Baka nakakalimutan mo Ced na sayo galing yang mga katagang yan?!" iritado ng sigaw ni Aina pero mababakas pa rin sa kaniyang mata ang lungkot at labis na pagmamahal sa lalaking nakaluhod sa harap niya.
"So? Porket di mo sinabi, iiwan mo na ko? Hindi mo ba ko mahal?!" tanong niya kay Aina.
"Pucha Cedric!" sigaw ni Aina at umiwas ng tingin. "Kinukwestiyon mo na ngayon ang nararamdaman ko?! Tangina naman!!" sigaw niya habang nakatingin pa rin sa malayo.
"Hindi kita kinukwestiyon" sabi niya at tumayo na sa pagkakaluhod. "Gusto ko lang malaman kung bakit sumusuko ka na" habang sinasabi niya ang mga katagang yun tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa kaniyang mga mata.
"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina? Hindi 'to para sakin Ced. Ginagawa ko 'to para sayo. Wala na tayong laban, Ced. Pagod na ko, hindi ka pa ba napapagod?" kalmado ng pahayag ni Aina.
"Pagod na Aina, pagod na pagod. Pero mukhang hindi yung pagod ko ang magiging dahilan ng pagsuko ko. Kasi love, kahit pagod ako ikaw yung nagbibigay ng lakas sakin, yung pagmamahalan natin yung nagbibigay ng dahilan sakin para patuloy na lumaban. Pero ano na lang ang gagawin ko kung yung nag-iisang dahilan ng paglaban ko eh mamawala din pala sakin. Iiwan mo din pala ko. Aina mahal mo naman ako, diba? Mahal naman natin yung isa't isa, diba? May laban tayo Aina." pagsusumamo ni Ced. Hindi na rin tumigil sa pagpatak ang mga luha niya.
"Ced, tandaan mo, hindi sa lahat ng pagkakataon sapat na dahilan ang pagmamahal." sabi ni Aina. Lumapit siya kay Cedric at siniil niya ang mga labi nito. Habang magkalapat ang kanilang mga labi, patuloy sa pagragasa ang luha sa kanilang mga mata.
BINABASA MO ANG
His Love is Unconditional
Short StoryHis love for her is always unconditional. (One-shot Story)