By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
*****
YUNIMINI
By Michael Juha
Prologue:
May tradisyon ang kaharian ng mga engkanto sa lugar na iyon. Isang tradisyon na sinusunod nila ilang siglo na ang nakaraan. Ang tradisyon na ito ay nagsimula sa mga kanunu-nunuan ng mga engkanto. Ito ay ang pagiging marespeto nila sa mga mortal na nanirahan sa paligid ng yungib na isang aharian ng mga engkanto na. Noong unang panahon ang ang kaharian nilang iyon ay nilusob ng mga kaaway. Napatay nila ang hari at ang kanilang reyna kasama ang sanggol na anak ay tumakas at sumanib sa mga taong mortal. Sila ay kinanlong at binabantayan ng isang pamilya ng albularyo. Nakaligtas ang reyna at ang kanynag munting prinsipe. Nang lumaki na ang prinsipe, naghiganti siya sa mga pumatay sa kanyang aman hari at at nabawi niy ang kanilang kaharian, ang yungib na pinaligiran ng mga tao sa maliit na pook na iyon. Dahil sa pagtanggol ng mga mortal sa kanilang reyna at prinsipe, naging magkaibigan ang mga engkanto at mortal sa panahon na iyon. At hanggang sa kasalukuyan ay nanatili ang magandang pakikitungon ng mga engkanto sa mga mortal bagamat hindi ni nila nakikita ang mga ito. Hindi nila pinapakialaman ang mga tao, bagkus ay tinutulungan nila ito sa panahong ng pangangailangan kagaya ng kapag dumating ang bagyo, o tagtuyot, o baha.
Subalit, sa bagong henerasyon ng mga engkanto, isang prinsipe ang tila nakalimot sa tradisyon nilang ito. Isang araw, habang nagkayayaan ang isang football team na pasukin ang yungib na kaharian ng mga engkanto, pinaglaruan sila ng isang prinsipe. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang ma-trap sa baha ang buong team. Wala nama siyang intensyon na patayin ang mga mortal. Gusto lang niyang tingnan kung paano sila matakot, kung ano ang kanilang magiging reaksyon.
Subalit ang hindi alam ng prinsipe, may isang masamang engkantada mula sa ibang kaharaian na galit sa prinsipe dahil hindi niya pinansin ang pagmamahal nito. Si Ganida. Lihim na pinatas pa niya ang tubig at nang naghanap ang coach nang mga lagusan na maaari nilang daanan palabas, sinadya niyang lunurin ito.
Nagalit ang amang hari ng prinsipe sa pag-aakalang siya ang dahilan sa pagkamatay ng coach. Dahil sa pagmamakaawa ng prinsipe na patawarin siya, binigyan siya ng pagsubok ng hari. Babalik siya isang taon sa nakaraan at doon ay tulungan niya ang coach sa kanyang pinakamahirap na suliranin sa buhay. Hahanapin niya kung ano ito at resolbahin sa loob ng isang buwan. Kung magtagumpay siya, mabubuhay ang coach sa yungib, sa eksaktong tiyempo na masagip sila ng mga divers. Ngunit may babala ang hari. "Una, wala kang kapangyarihan habang gingagampanan mo ang pagsubok. Pangalawa, huwag umibig sa isang mortal kung gusto mong makababalik pa sa kaharian ng mga engkanto. Ang pag-ibig ng taga-lupa ay puno ng panlilinlang bagamat kung tunay ay may kapangyarihang kayang sumalungat sa kahit anong kapangyarihan. Kapag nagtagumpay ka sa pagsubok na ito, hindi mo na mako-contact pa ang kahit sino sa mga batang pinaglalaruan mo sa yungib, kasama na ang coach."
Nalaman ni Ganida ang misyon na ito. At dahil galit siya sa prinsipe, hahadlangan niya ang prinsipe upang hindi ito magtagumpay.
*****
"Iyke, kung ayaw mong makipagbalikan sa akin humanda ka sa kayang kong gawin sa iyo! Magkakamatayan tayo! Tandaan mo iyan!" ang bulyaw ni Hilda.
Nagja-jogging si Iyke noon nang makasalubong niya ang dating karelasyon na nagkataong nang-jogging din. "Pagkatapos mo akong pagtaksilan? Pagkatapos kang ibasura ng lalaking ipinagpalit mo sa akin? Hindi mo ba naisip na isa ka sa dahilan kung bakit ako pumasok ng monasteryo? Dahil ginawa mong kataksilan! At ngayon na lumabas ako ay gusto mong makipagbalikan? Sorry! Hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako nagbalik! Hindi na kita mahal! Ipasok mo iyan sa kukote mo!" ang bulyaw ni Iyke.