chapter 35

296 10 0
                                    

Nagising ako na parang may kakaiba sa pakiramdam ko parang may kulang sa katawan ko. Muli ay isang pamilyar na lugar ang kinagisnan ko. Lugar na paulit ulit ko mang katakutan at iwasan ay dito at dito parin ako napupunta.

"Anak mabuti at gising ka na, how are you feeling?" Mom asked worriedly.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung ano nga ba ang nararamdaman ko.

"Nanghihina ako mom, what happened?"
Isang malungkot na tingin ang ibinigay sakin ni mommy.

"You don't remember?"

Doon ay pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kung bakit nauwi na naman ako sa ospital.

"natutop ko ang bibig ko ng maalala ko ang nangyari.

" I went to a coffe shop to meet Thamara but she was so furious and we started exchanging unpleasant words. Sinampal nya ako at sinampal ko din sya. At don na nag-umpisa nagkasakitan kami dahilan para-" halos hindi ko maituloy ang mga sasabihin ko.

"Dahilan para duguin ako, tapos dumating si Drake nagmakaawa ako sa kanya na tulungan nya kami ni baby pero mas pinili nya si Thamara kesa samin." Umiiyak kong kwento.

"M-mabuti na lang at dumating si Zander para tulungan ako." Tumingin ako kay Zander na nasa loob rin ng silid na yon.

"Thank you so much Zee kundi dahil sayo napahamak na kami ni baby." Naiiyak ngunit nakangiting pasasalamat ko.

Ngunit nagtaka ako ng nag-iwas sya ng tingin sakin. Tumingin ako sa mga taong nasa harapan ko. My family, Meg, Zander at pati rin si Manager Chloe ay nandodoon ngunit pare-pareho silang tahimik at iisang ekspresyon ang mababakas sa kanila.

Lungkot? Awa?

"Teka bakit ganyan kayo makatingin may nangyari ba?

"alam kong kasalanan ko kung bat nangyari to sakin pero ang importante naman ay ligtas kami ni baby."

Ngunit mas lalo akong naguluhan ng magsimulang umiyak si mommy, kahit sina Meg ay ramdam ko ang pagpipigil ng luha.

don ay nag-umpisa na akong kabahan. May isang ideya ang pumapasok sa isip ko pero ayaw kong pansinin iyon.

"T-teka nga, bakit ba ganyan ang mga mukha nyo?" Kinakabahan pero pinilit kong maging normal.

"W-wala namang nangyari sa baby ko diba?" Pilit ang ngiting tanong ko.

"I'm sorry Jane, I-I was too late." Malungkot na wika ni Zander.

"W-wait why are you saying sorry?"

"I-I'm sorry If I just gone there earlier I would have able to save y-your baby" mahinang wika nya pero sapat na para malinaw na makarating sa pandinig ko.
Sapat na upang panandaliang huminto ang tibok ng puso ko.

"No! No! No!" Iling ko.

"That can't be true, my baby is still here, I know. I can still feel my baby."

"Jane masyado ng maraming dugo ag nawala bago ka pa man makarating ng ospital. Dahil din daw sa emotional stress na nararanasan mo naging mas mahina ang kapit ng bata." Paliwanag ni Meg pero lumalagpas lang sa tenga ko ang mga sinasabi nya.

"K-kung naging mas maaga pa sana ng konti ang pagdala sayo b-baka sakaling naisalba pa ang bata." Dugtong nya pa.

Naririnig ko lahat pero ayaw paniwalaan ng isip ko ang lahat.

Gustong-gusto kong sumigaw ngunit wala boses na lumalabas sa bibig ko. Gusto kong umiyak pero wala ng luhang lumalabas pa sa mga mata ko.

Hindi ako nagsalita.

Wala ni isang salita ang lumabas saakin sa mga nakalipas na oras.

Gusto kong magwala at umiyak pero bakit hindi ko magawa.

Pakiramdam ko ayaw ng magreact pa ng katawan ko sa mga emosyong nararamdaman ko.

She fell asleep (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon