NOTE:
This is a work of fiction. Names, Characters, Places, Events and incidents are either the product of author(s)'s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events are purely coincidental._______________
DAY 20
THROWBACK
Unang araw noon nung tumapak ako sa Maynila. Puro usok nang kung ano anong kemikal ang sumalubong saaking mukha nang daanan ko ang isang makipot na daan. Mga taong lulong sa droga at mga bisyong tuluyan nang kumain sa kanilang sistema. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang minsang paraisong pinangarap nang Dyos. Isang mundong malayo sa pantasya ko. Isang mundong tinatawag na realidad nang tao. Hindi katha o kahit ano kundi isang katotohanan na nagaganap sa panahon ngayon. Bawat daan na aking madadaanan ay puro musmos na kabataan. Mga magnanakaw,manlilimos, at kung ano ano pa ang kanilang kinabubuhay. Habang ang ibang tao maging ang presidente ay nalulunod sa kayamanan. Mga taong ignorante at walang pakialam sa mga taong lansangan na napabayaan na nang panahon. Mga kwento sa likod nang hirap nang bawat tao. Mga luha sa pagitan nang mga nagkikislalapang mga mata na walang patid sa pagpatak. Mga sugat na dala nang kahapon. Mga paghihirap na patuloy sumusubok sa katatagan nang bawat isa. Mga bagay na miski ako ay hindi nagawang ipaglaban. Dahil sino ba naman ako? Ako lang naman si Miracle San Jose, isang normal na tao lang. May kaya kame sa buhay, pero tulad ng iba ay sa maruruming paraan nakuha ang yaman na hawak ng pamilya ko ngayon. Pero iba ako sa kanila at naniniwala ako na katulad nang pangalan ko ay may isang himala. Isang himala na babago sa herasyon ngayon. Isang himala na bubuhay sa patay ko nang puso. Isang himala na darating ang panahon at lahat ay magbabago.
Dumating nga ang araw na 'yon. Dumating ang tatlong lalaking nagpasaya sa buhay ko, pero kasabay ng pag dating nila ay ang pagdating ng isang 'epidemya'. Maraming nahawa. halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nahawaan. Pero nasaan ang gobyerno? hindi bat dapat gumagawa sila ng aksyon para masulusyunan ang problema?
Napakaraming nangyare simula ng kumalat ang epidemya. Madaming nahawa, madaming namatay, madaming namatayan at madaming gustong pumatay. Kung magiging kwento nga ang buhay ko ay masasabi kong Tragic and Thriller ang genre nito.
'Mira! Tumakbo kana! Tumakbo kana!' narinig kong muli ang sigaw sa akin ng kaibigan ko. Mag isa syang lumalaban habang ako ay walang ibang ginawa kundi umiyak. Mag isa syang lumalaban para sa aming dalawa. Maraming namatay ng dahil sa akin, alam ko 'yon. Simula non ay sinabe ko na sa sarili ko na kailangan kong maging malakas, kailangan kong maging matapang at kailangan kong lumaban.
Ang mga dating nagnanakaw at nanlilimos sa lansangan ay nawala. Nawala sila sa tamang pag iisip at ang gusto na lamang nila ay makakain.Napakasakit isipin ang nangyayare ngayon sa bansa. Nakakasikip ng damdamin dahil sinira nila ang pangarap ng bawat isang tao na sinasakupan nila.
Itinuon ko ang atensyon ko sa mga taong wala sa sariling pag iisip na ngayon ay palakad lakad lang sa baba. Teka, sandali. Mga tao pa nga ba sila? Nasa rooftop ako ngayon at ako ang naassign na magbantay dito. Muli akong natawa ng maisip kong muli ang sinabe ng isa kong kaibigan.
"Mira, Alam mo para kang Lotus."
"Lotus still shines kahit na napakadumi ng paligid nito. Para kang Lotus, Mira. Nagagawa mong maging matibay, matatag at busilak despite everything that happened. Kahit napakarami mo nang pinag daanan, hindi ka pa din nag bago. Ikaw na ikaw pa din yung Mira na nakilala ko. I hope you don't lose your smile someday."
Muli akong nagbalik tanaw sa dati kong buhay. Punong puno ang schedule ko noon sa dami ng charity na pinupuntahan ko. Madalas akong mag donate ng malaking pera dahil hindi naman talaga para sa akin 'yon. Para 'yon sa bawat tao sa bansa. Aaminin ko, corrupt ang daddy ko. Isa syang governor, pinaplastik nya ang lahat ng tao dahil ang totoong layunin nya ay hindi para makatulong sa bayan kundi para makakuha ng kapangyarihan at yaman. Mapait akong ngumiti ng maalala ko ang pamilya ko. Iniwan nila akong mag isa dito. Pero ang sabe nga naman nila'y pag may umaalis may dumarating. Noong iniwan ako ng pamilya ko sa oras ng pangagailangan ko ay binigyan ako ng Dyos ng mga taong makakapitan. Binigyan ako ng Dyos ng isang totoong pamilya.
Madaming mga nangyari na hindi ko inaasahan. Ngunit lumaban ako, at patuloy pa din na lalaban. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana..
Bigla na namang nabaliktad ang mga nangyayare. Isa pangyayare na syang naging dahilan ng pagbabago ng lahat.
BINABASA MO ANG
Lotus girl
ActionThe lotus flower grows in muddy water and rises above the surface to bloom with remarkable beauty. At night the flower closes and sinks underwater, at dawn it rises and opens again. Untouched by the impurity, lotus symbolizes the purity of heart and...