Haligi

0 1 0
                                    

Pinaramdam mo sa akin ang saya dahil ikaw ang haligi ng aming tahanan
Hindi mo pinaramdam ang hirap ng trabahong iyong pinapasan
Mabigyan lang kami ng sapat na kailangan at masasarap na ulam
Kaya wala na akong ibang hiling at inaasam asam

Ngunit hindi ko mawari ang sakit na aking naramdaman
Nung nagawa mo kaming iwan para sa ibang ilaw ng tahanan
Nagbago lahat
Ang mundo ko'y gumuho at ang buhay ay tila hindi na sapat

Ngunit iwinaksi lahat ng pasakit na hatid ng iyong pag iwan
Dahil ang pagmamahal ko sayo'y hindi mapapantayan
Dahil kahit anong mangyari
Ikaw ang aking ama walang halong pagsisisi

Ang iyong pagiging haligi ng tahanan ay pilit mong ibinalik
Ang iyong pagbabawi na tila sabik na sabik
Ang mundo ko'y nabuo ulit
Ang buhay ko'y mayroon na ulit kulay at guhit

Ngunit hindi pa man natin nasulit ang isa't isa
Ako nama'y iniwan mo papa
Mas masakit sa unang pag iwan mo noon
Dahil hindi ka lang basta umalis sa buhay ko, umalis ka na mismo sa mundong ito

Hindi man lang ako nakapagpasalamat sayo
Hindi ko man lang naramdaman ang huling yakap mo
Sobra akong nanghihinayang at nagagalit sa sarili ko
Dahil hindi ko man lang naipakita sayo kung gaano ka kabuting haligi ng tahanan
Kahit sa pamamagitan lang ng pagkakaroon ko ng trabahong alam kong pangarap mong aking makamtan

You will always be in my heart Papa♥️ Until we meet again.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HaligiWhere stories live. Discover now