Dedicated to - Wattpad realms!
_____
Nagmamadaling umalis ang dalang si Miracle bitbit ang isang malaking bagpack na naglalaman ng napakarami at iba't ibang klase ng candy at biskwit. Araw ng linggo ngayon at nakagawian na nyang pumunta sa isang bahay ampunan tuwing araw ng linggo. Ang dalagang si Miracle ay isang anghel kung tawagin ng mga tao sa probinsya nila. Ni minsan ay hindi ito nakipag away at kung may mang aaway man sa kanya ay ngumingiti lamang ito at saka humihingi ng tawad kahit walang kasalanan. Kilalang kilala sya sa buong probinsya kaya nama'y binabati sya ng lahat ng nakakasalubong nya na binabati nya din naman pabalik. Sino ba namang hindi makakakilala sa dalagang laging may matatamis na ngiti sa labi?'ay! malalate na ako! baka hindi na ako umabot!' Ani ng dalaga sa isip nya kaya naman binilisan nya. Lakad-takbo ang ginawa nya hanggang sa makarating sya sa bahay ampunan. kung tutuusin ay maaari naman syang makapunta ng mas mabilis kung gumamit lang sya ng kotse na pag mamay-ari nila. Pero dahil ayaw nyang gumamit ng kahit anong galing sa amahin nya ay mas pinili nyang maglakad. Hingal na hingal syang pumasok sa gate ng ampunan at sinalubong sya ng mga bata. Tuwang tuwa ito ang mga ito ng makita ang dalaga. Sa tinagal nyang pag bo-volunteer ay napalapit na sya sa lahat ng batang nasa loob ng ampunan.
Malapad ang ngiti ng dalaga nung pumasok sila sa loob. Sinalubong din sya ng mga madre na syang nangangalaga sa mga bata. "Nandito kana pala, Mira" Ani nito at inakay ang dalaga. Apat na oras ang itinagal nya sa ampunan at hindi man lang naalis ang kanyang ngiti kahit pagod na sya. Pagkatapos ng program nila ay tumulong din sya sa pag liligpit at paglilinis.
"Sister, aalis na po ako. Mag eempake pa po kase ako" mapait na ngiting ani ni Miracle. Aalis sya sa probinsya at luluwas ng maynila para mag aral dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ina. Gusto nitong pag aralin ang dalaga sa isang mataas na paaralan. "Mag-iingat ka, Mira. Mamimiss ka naming lahat, lalong lalo na ng mga bata" Malungkot na ani ng Sister sa kanya. Niyakap sya ni Mira dahil matagal tagal pa ang kanyang pagbabalik. Pagkatapos ng yakapan ay may inabot si Mira na papel. Isang Cheque na nag lalaman ng kalahating milyong piso. Nagulat ang Sister dahil sa laki ng halaga nito "M-mira''tanging ani nito at nginitian na lamang sya ng dalaga. "Para po sa inyo at sa mga bata yan, Sister. Sana po ay magamit nyo yan" Hindi halos makapaniwala ang sister ngunit ngumiti lamang ito. Ayaw pa sana nyang tanggapin ngunit kinulit sya ni mira at sinabing matagal tagal syang mawawala kaya sana ay kunin na nya ito. Walang nagawa ang sister dahil kailangan din nila ng pera para pangtustos sa mga bata. Hindi sapat ang nakukuha nilang sustento sa Gobyerno kaya maging sila ay naghihirap at umaasa sa mga donation ng tao.
Mag gagabi na ng makauwi ang dalaga sa bahay nito. "Saan ka galing?" Tanong ng ama nya na nasa sala at nakaupo lamang habang nanonood ng palabas. "Sa ampunan lang po" Sagot nya sa tanong ng kantang ama. Iyon lamang at pumanik na ang dalaga sa kwarto nya upang mag empake ng mga gamit.
Lumipas ang dalawang araw at Miyerkules na. Kinabukasan ay aalis na sya upang mag aral sa Maynila. Kasalukuyang nakaupo si Miracle sa sala at nanonood ng dumating ang kanyang ama na galit na galit. "Mira!" Nagpupuyos na sigaw nito. Alam na ni Mira ang dahilan kaya naman tumayo lang sya at nag-bow saka humingi ng tawad. "Sorry po" Ani ni Miracle. Inaasahan na nya ito simula palang. "Sorry?! Alam mo ba kung gaano kalaking halaga ang dinonate mo sa pesteng ampunan na 'yon?!" Inis na inis na sigaw ng ama nya at tumango lamang si Miracle.
"Anong mapapala mo don, ha?! Mga walang kwentang tao lang ang mga nandoon at hindi dapat pinag-aaksayahan ng pera!" Sigaw ni Daddy nya na syang nakapagpantig ng tenga ng dalaga.
Mapait itong ngumiti sa ama "Kung tutuusin ay mas may kwenta pa ho sila sa inyo, Dad. Kung tutuusin ay sa kanila naman talaga dapat iyon at hindi sa atin!" ubos na pasensyang sigaw ng dalaga.
"Nagpakahirap ako dahil doon, Mira! Para sayo yun! Hindi ko alam kung bakit naging ganyan ka, eh! Naging bobo ka at nagpadala sa awa ng iba!" ani ng ama nya
Pumatak ang luha sa mata ng dalaga dahil sa sinabe ng kanyang ama "Okay lang pong maging bobo basta hindi maging walang puso" Sabe ng dalaga at patakbong umakyat sa kwarto. Hindi naman talaga sa kanila ang perang iyon, maski karamihan sa pera nila ay hindi galing sa kanila. Galing ito sa buwis na ibinibigay ng bawat mamamayan. Galing ito sa bulsa ng mga tao. Alam ni Miracle iyon. Hindi nya lang masuplong ang kanyang ama dahil mahal nya. Madalas nasa charity event ang dalaga bilang sponsor. Malalaking halaga ang idinodonate nya sa kadahilanang, hindi naman para sa kanya o sa kanila 'yon. Ibinabalik nya lang daw ang mga 'to dahil ninakaw ito ng kanyang ama. Oo, aminado syang corrupt ang kanyang ama. Hindi nya 'yon ipinagkakaila. Mulat si Miracle sa totoong lagay ng bansa dahil alam nyang maging ang kasalukuyang presidente ay katulad lang din ng kanyang ama.
"Mama, where are you?" Umiiyak na ani ni Miracle habang nakatingin sa litrato ng kanyang ina. "I wish you were here. I wish you were here to stop Dad" Umiiyak na ani nito. Hindi naman talaga ganon ang kanyang ama, naging ganoon lamang noong nawala ang kanyang ina.
--
SPECIAL THANKS TO THOSE PIPS WHO VOTED PROLOGUE!
AND ALSO SUPER DUPER SPECIAL THANKS TO ATE IHYA! SALAMAT SA COVERRR
BINABASA MO ANG
Lotus girl
ActionThe lotus flower grows in muddy water and rises above the surface to bloom with remarkable beauty. At night the flower closes and sinks underwater, at dawn it rises and opens again. Untouched by the impurity, lotus symbolizes the purity of heart and...