Chapter 31

6.1K 227 20
                                    

Chapter 31

MIA

"Damn it." Malutong na mura ko ng makita kong flat ang isang gulong ng sasakyan ko. Napatingin ako sa suot kong relo at hindi ko mapigilang hindi magmura ulit dahil male-late na rin ako. Padabog kong isinara ang pintuan ng kotse ko at naglakad palabas ng bahay.

Ang init init pa ngayong araw, nakasuot pa ako ng heels at blazers.

I took my phone in my bag to call Nadie or Jen. Hindi nila madadaanan dito pero nagbabakasakali lang ako. I tried calling them a couple of times but they aren't answering.

Sinubukan ko ring mag-grab pero wala akong mahanap na malapit sa location ko.

Punyeta naman.

Napahinga ako ng malalim saka sinimulan ng maglakad. Minamalas yata ako ngayong araw. Hindi ko alam kung paano ko kinayang makisalamuha sa dalawa ng isang oras kanina. But I know that if my stares can kill someone, kanina pa na-dead si Zaira. Ngayong naiisip ko ang nasaksihan ko kanina, nanggigigil ulit ako.

Sa kanilang dalawa.

I wanted to tell them to have some table manners but Zaira keeps on blabbering. Siya ang naglagay ng pagkain sa plato ni Ash na akala mo ay walang kamay. He gave him a glass of water, an ice cream for dessert. Kulang na lang ay siya din ang ngumuya ng pagkain ni Ash kanina!

Bwisit.

Ah, ewan ko pero naiinis ako.

I stomped my feet to let my anger out. Doon na rin ako nakarinig ng busina ng sasakyan sa likuran ko.

I held my fist to control myself. Nasa gilid na ako ng daan, bubusinahan pa ako?!

I turned around, "What?!" Malditang tanong ko sa driver kahit hindi ko ito kita. Unti unting bumaba ang bintana ng sasakyan at bumungad ang nakangiting mukha ni Zaira.

Pota. Sa kasamaang palad, si Ash pala to.

"Where's your car?" He asked.

I frowned. "Flat tires."

"Hop in. Hatid na kita after ni Lara." Sabi ulit nito pero nagalanganin ako.

Tapos? Manonood ulit ako ng kakornihan ng babae mo?

Tangina. Ano ba Mia. Umayos ka!

"Wala masyadong dumadaan dito. Lahat na kasi may sasakyan. Male-late ka kapag pinairal mo pa ang pride mo." Sawat ni Zaira na nakangiti pa kaya napahawak ako sa kamao ko.

Tumawa ako ng mahina saka umiling. Umayos rin ako ng tayo kasabay ng paghinga ko ng malalim.

Kinalma ko ang sarili ko bago sumakay sa sasakyan ni Ash. Zaira gave me a look and smirked. Tinignan rin ako ni Ash sa rearview mirror saka nginitian.

Sinimangutan ko siya at humalukipkip lang. Wala naman siyang ibang nagawa kundi magdrive.

Habang nasa biyahe kami, nagtaka ako kung bakit hindi nagsasalita si Zaira---pero alam ni Lord kung gaano ako nagpapasalamat.

I got the chance to look Ash's back. Iba na ang sasakyan nito, ang dating parang ordinaryong lalaki noon kung mag-ayos, ngayon ay mas elegante at mas gwapo na itong tignan. Nanatili ring maayos ang loob ng bahay niya gaya noong dati pero napansin kong hindi na siya madalas mag-joke.

Mas lumalabas ngayon ang seryosong ugali niya. Baka siguro sa nangyari sa kanya at sa ina ni Lara.

Ngayon ko lang narealize na father material talaga itong si Ash. He's been a father figure to Lara since she was born.

'Oo. Father na father. Father na nambabae, okay rin sa kanya.' Napapikit ako sa sinabi ng isang bahagi ng isipan ko.

"Sana dumalaw minsan sina Ate Aira para makita ko. Namimiss ko na ang family mo, lalo na sina Ysa at Hannah." Napatingin ako kay Ash ng magsalita ito.

Mesmerized with Desire(#7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon