Chapter 139

2.3K 47 1
                                    

ANGELA'S POV

Hindi ako mapakali habang pabalik -balik sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayan niya, hindi ko nga kasalanan pero naguiguilty ako.

"Gel matulog ka na." Lola said. Nasa hotel kami ngayon, bukas pa kami babalik sa bahay sa Cavite at kakauwi lang namin galing sa school party.

"Lola I can't sleep." Mariing sabi ko.

"Rico will call you tomorrow kung anong kalagayan nang Mommy mo, matulog ka na don." Nakuyom ko kamao ko, mommy? Hindi ko siya mommy, nag-aalala lang ako sa kalagayan niya.

"Ayoko Lola, I want to know right now." Sabi ko, kinuha ko ang phone ko at nagdial.

(Gel.)

"Call Renjie, Rico or Rey or si Cherry asked what really happening to her." Aniko.

(Bakit di mo sila tawagan? Para ikaw mismo makarinig.) Ani Wency.

"Please Wen, ikaw na lang, ayokong magtanong sa kanila."

Ayokong isipin nila na nag-aalala ako. Basta ayoko malaman nila.

(Okay, I'll call you back, tatawagan ko si Cherry.)

I ended the call then heave a sighed. Nagdadasal na sana walang nangyaring masama sa kanya. Oo ayoko sa kanya pero ayoko namang mapahamak siya.

"Magdasal tayo na okay siya." Ani Lola. Naupo ako sa tabi niya.

"What if hindi siya okay Lola?" Aniko.

"Wala kang kasalanan, bakit ka maguiguilty?"

"Lola iyon na nga, wala akong kasalanan pero naguiguilty ako nang hindi ko malaman ang dahilan. Lola di ko maiwasang matakot sa sasabihin nila."

Lola hold my hand and squeeze it.

Huwag kang mag-isip nang negative." Napatango na lamang ako, pero hindi ko maiwasang mag-isip nang nega, ewan hindi ko talaga maiwasan.

Ilang sandali nagring ang phone ko, agad ko itong sinagot.

(She's fine Gel, don't worry. Inuwi na nila si Tita, wala namang kung anong sakit o kung anong nangyari.) Napahinga ako nang maluwag, buti naman at maayos siya.

"Gel, Sabi pala ni Rico they wanted you to come in their house tomorrow.)

Kumunot noo ko, pupunta sa bahay nila bukas? Bakit? Hindi naman siguro ako sisisihin nila sa nangyari diba? Okay na siya kaya hindi iyon maaaring reason kung bakit pinapapunta ako.

"Why? Sinabi ba niya kung anong meron?"

(Sorry Gel, hindi ehh, inimbitahan din nga kami. Pumunta ka, pupunta din kami.)

Napabuga ako nang hangin.

"Okay."

Napatingin ako kay Lola nang binaba ko ang phone ko.

"She's fine Lola, inuwi na daw nila." Aniko pabagsak akong humiga sa couch.

"'Yon naman pala, bakit hindi maipinta iyang pagmumukha mo? Ano pang prinoproblema mo?"

Napatingin ako kay Lola.

"Pinapapunta daw po ako sa bahay ni Mr. Serano bukas." Mahinang sabi ko.

"Ohh anong problema don?"

Napaiwas ako nang tingin.

"Alam.mo naman Lola diba, ayoko, ayokong makita sila, bakit naman ako pupunta don?" Sabi ko.

Tumayo si Lola at napabuntong hinga.

"Gel, bigyan mo naman sila nang pagkakataong makasama ka."

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon