Summary and Analysis: Greek Mythology The Beginnings — Prometheus and Man, and The Five Ages of Man and the Flood
Ang wais na Titan na si Prometheus at ang hangal niyang kapatid na lalaki na si Epimetheus ay nakaligtas sa parusang pagkakakulong sa Tartarus dahil wala silang pinanigan sa labanan sa pagitan ng mga Olympians at ng mga Titan. Ayon sa tradisyon, si Prometheus ay humubog ng tao at hayop mula sa putik at binibigyang buhay ni Athena ang ang mga pigurang gawa sa putik. Kapag nalikha na ang tao, pinapayagan ni Prometheus ang kapatid niyang si Epimetheus na magbigay ng iba't ibang kuwalidad ang mga hayop at tao. Kaya naman nagsimula si Epimetheus sa pagbibigay pinakamagandang katangian sa mga hayop tulad ng pagiging maliksi, matapang, tuso, matatag at marami pang iba hanggang sa wala na siyang naibigay sa mga tao. Kaya naman si Prometheus ang humawak ng bagay na iyon at binigyan niya ang tao ng ugali at pag-iisip ng mga diyos. At iyon ang regalo na tumulong sa kanila para magtagumpay.
Si Prometheus ay may kaunting pagmamahal para sa mga Olympians na siyang nagpatapon sa mga kapwa niya Titans sa kailaliman ng Tartarus. Ang kaniyang buong pagmamahal at pangangalaga ay nakatuon sa mga tao. Kaya naman kailangang mag-alay ng mga hayop bilang alay sa mga diyos, subalit dapat may partikular na mga hayop na dapat ialay sa mga diyos at partikular na hayop na para naman sa tao. Si Zeus ang dapat magpasya kaya naman gumawa ng dalawang klase si Prometheus. Ang una ay Ibinalot niya ang buto sa mga taba samantalang itinago naman niya ang karne sa isang pangit na balat. Ang napili ni Zeus ay ang mga butong ibinalot sa taba na siyang ikinagalit nito.
Bilang ganti sa nangyari ay tinanggalan ng apoy ni Zeus ang mga tao. Subalit hindi nagpapigil si Prometheus. Nagtungo siya sa langit upang sindihan sa araw ang kaniyang sulo at dinala ito sa lupa. Labis ang naging galit ni Zeus ng makita niyang may apoy ang mga tao. Inutusan niya si Hephaestus na lumikha ng isang mortal na may napakagandang anyo at nang matapos si Hephaestus ay binigyan ito ng mga diyos ng iba't ibang regalo. Subalit binigyan ito ni Hermes ng mapanlinlang na puso at sinungaling na dila. Ito ang kauna-unahang babae, si Pandora. Ang pinakamalaking kalamidad na dumating sa mga kalalakihan.
Binalaan ni Prometheus ang kaniyang kapatid na si Epimetheus tungkol sa pagtanggap ng mga regalo na mula kay Zeus. Subalit ng makita ni Epimetheus ang magandang si Pandora ay hindi niya ito matanggihan. May dala si Pandora na lalagyan na hindi niya maaaring buksan. Ngunit bilang isang babae, hindi niya mapaglabanan ang kaniyang kuryusidad. Nang alisin niya ang takip ay iba't ibang kasamaan ang lumabas mula sa lalagyan na nagpakalat-kalat sa buong mundo na nakakaapekto sa tao. Ngunit, may isang naiwan sa lalagyan na makakatulong sa tao, iyon ay ang pag-asa. Sa kabila ng lahat ng paghihirap na pinakawalan ni Pandora ay ang pag-asa lamang ang tutulong sa tao upang magpatuloy.
BINABASA MO ANG
Prometheus And Man And The Five Ages Of Man And The Flood: Tagalog Version
Short StoryGreek mythology , written in Filipino.