Chapter 17
*Clinic*
Penny’s POV
>////////<
WHHAAAA…. Grabe na ito! Hindi ko alam ang gagawin ko. First time ko lang kasi mabuhat ng isang guy. Grabe kinikilig ako, pero nararamdaman ko yung sugat ko. Ang sakit T_T
Hindi ko na lang pinahalata kay Thad na kinikilig ako sa ginawa nya at baka kung ano pa ang gawin nya sa akin. Ang alam ko kasi medyo may pagkamasungit ang lalakeng ito.
Nakakahiya talaga ako kanina. Grabe paiyak na nga ako sa kanya kasi ang akala ko talaga may patay dito sa school. Pero diba kahit kayo din naman mashoshock kung saka sakaling may makikita kayong taong nakahiga at parang patay na at parang hindi na humihinga?
Tode emote pa naman ako kanina. Haist… ( __ __”)
“We’re here.”
Napatigil ako sa kakaisip nang biglang nagsalita si Thad. Nandito na pala kami sa clinic.
Binuksan na nya ang pinto kahit buhat buhat pa rin nya ako. Napaisip naman ako, ang lakas naman nya at sobrang nakakahiya sa kanya dahil sa pagbuhat nya sa akin. Medyo malayo pa naman ang clinic dun sa may park. ---__---“
Pagpasok naman namin sa clinic may nakita kaming isang babae na estudyante din na akmang aalis na sa clinic pero napahinto dahil sa pagpasok namin.
“Miss, nandito ba ang nurse?” tanong ni Thad dun sa girl habang binababa nya ako sa isa sa mga kama dito sa clinic.
“A-ano kasi Sixth, wala yung nurse dito ngayon. Ang sabi nya kasi sa akin kanina na may pupuntahan daw sya muna saglit. Hi-hindi naman nya sinabi kung saan sya pumunta.” Sabi nung girl na halatang kinakabahan sa pag-uusap nila ni Thad. Nasa 6 kings ba naman ang kausapin mo eh.
“Ah, ganun ba” ang tanging nasabi ni Thad dun sa girl.
Tumungo naman yung girl at mabilis na nagpaalam kay Thad.
Naiwan kaming dalawa ni Thad dito sa clinic. Kung saan saan naman pumupunta ang nurse namin. Kung kelan may pasyente tsaka naman wala. --__--“
“Ahmn, Thad? Ok na ako dito. Pwede mo na akong iwan. Maraming salamat sa pagbuhat mo sa akin papunta dito.” Sabi ko sa kanya. Nakakahiya kasi kung aabalahin ko pa si Thad para sa sugat ko.
Bumuntong hininga at tumalikod na sya at nag-umpisang maglakad na. Hindi ko na sya tinignan paalis kasi agad ko nang inispeksyon yung sugat ko. Grabe ang daming dugo. Hindi kaya mubusan na ako ng dugo??!! Okey, OA na ko dun.>.<
Hinihipan ko ang sugat ko para kahit papano maibsan yung hapdi nang nagulat ako nang may biglang nag’squat sa harap ko.
Pag’angat naman ng mukha ko nakita ko si …
..
..
…
..
BINABASA MO ANG
I Love My Mr. Gangster
Novela JuvenilFelice become cold person after an unexpected event happened until she meet this rich, handsome gangster. Will she go back to her real self or she will remain cold to everyone?. Is this handsome gangster help her?