Nagtungo si Lyra sa isang estante kung saan naroon ang isang fountain pen na ginagamit din nila sa kastilyo. Saka sumagot sa liham ni Crescent. Malapit kay Paparroti siya nagsulat tutal ay may mesa malapit sa bintana. Kumpleto ang mga kagamitan doon, maging ang panulat ay mayroong isang kuwaderno na pinitasan niya para sulatan.
Excited syang mag-sulat pero wala syang maumpisahan. Nasa harapan niya ang intrimitidang si Papparotti na tila inip na inip na sa kanyang kabagalan. Kailangan niyang mapabalik si Crescent. Nang may maisip siya'y naningkit ang mata niya kasabay nang isang ngisi at nagsulat na.
Crescent ko,
Bumalik ka na agad. Hindi ko alam kung makakatagal ako sa lugar na 'to. Natatakot ako, pakiramdam ko kakainin ako ng mga tao. Mababaliw na yata ako sa pag-aalala na baka pagbalik mo ibalita mo sa 'kin na may asawa ka na.
Nagmamahal sa 'yo, Lyra
Tuwang ibinilot niya iyon at inilaso sa paanan ni Papparotti.
"Iparating mo sa kanya 'yan ha? With love!" aniya, kasunod nang pa pagaspas nang pakpak nito at tuluyang paglayo sa kanya.
Ilang oras rin bago nakarating kay Crescent ang sulat ni Lyra. Bago ito basahin ni Crescent ay hinaplos nito sa ulo si Papparotti. Saka ito lumipad na parang naunawaan na tapos na ang dapat nitong gawin.
Sa pagbasa ni Crescent nang nilalaman niyon ay napangiti siya. Naroon sila sa isang kagubatan na pinupugaran ng mga bampirang sundalo ng mga Pureblood. Kaya pala may kalakasan ang mga ito, ngunit wala namang panama sa kanya.
"Panginoon, marami ang nagtatangkang kumitil ng buhay ninyo. Matapos ang ginawa n'yong pag paslang sa isang daang Bampira! Kaya maaring biglaan silang sumalakay sa ating lugar bitbit ang malalakas nilang p'wersa!" si Tomo 'yon na sobrang kaba ang nadarama dahil ang mga pureblood Vampire ay lubhang malalakas. Maging ang hari'y hindi gustong kalampagin ang mga ito, lalo pa't hindi pa sapat ang hukbo nilang mga taong lobo.
"Hayaan mo sila," nakangiting wika ni Crescent na parang wala lang ang sinabi ni Tomo. Mas nangingibabaw kay Crescent ang pag-iisip na nakangiti si Lyra habang isinusulat ang liham nito sa kanya.
Kilala ni Tomo si Crescent, at isa nga sa pagiging sakim nito ang nagtulak sa kanyang pagsilbihan ito kahit pa may malakas siyang kapangyarihan dahil din sa kailangan siya nito para sa Crimson Moon Revolution ay napapayag nya itong maging Panginoon niya gayunpaman nagtataka siya na iba ang inihaharap nitong pagkatao kay Lyra. Gusto niyang tuklasin ang nangyari noong araw na nakita nila si Lyra. Pero natatakot siya kay Crescent, kaya wala siyang magagawa kung 'di tuldukan ang parteng 'yon. Isa lang ang itinatanong nya sa sarili, hindi ba hinahanap ni Lyra ang tunay nitong pamilya? Pakiramdam niya hindi ito interesadong malaman ang tunay na buhay o makilala man lang ang pamilya nito.
Ang malaking pader na nakaharang sa pagitan ni Xerxes at Crescent, ano ang pinag-uugatan? Dahil kung siya ang tatanungin, si Xerxes ang kusang lumalapit dito pero malamig itong pinakitutunguhan ni Crescent na tila hindi rin itinuturing ang una bilang kapatid. Pero bakit hindi niya alam? Sa tagal niyang nagsisilbi rito, bakit parang limitado lamang ang nalalaman niya? Hindi kaya may natatago pa itong nakaraang hindi pa niya nalalaman?
Malakas na kutos ang inabot niya kay Crescent dahilan para mabalik sa realidad si Tomo.
"Panginoon naman!"
***
"Kailangan mo ng umuwi sa Kastilyo malapit ng bumaba ang iyong ama. Isa pa hindi ako makakilos ng maayos sa Kastilyong iyon dahil sa Demonyo mong kapatid!" wika ng ina ni Laxus sa anak na dinalaw nito sa lugar kung saan ito namamalagi.
BINABASA MO ANG
Raised by Wolves I ( Revised )
FantasíaSa kagubatan natagpuan ni Lyra si Crescent, limang taong gulang lamang siya ng makita ang anghel na may pilak na buhok. Pakiramdam niya ligtas na siya sa masasamang bampirang humahabol sa kanya. Hindi niya alam na higit pa pa lang demonyo ang lalaki...