K12: Crescent?

704 33 2
                                    


"Ganito ba talaga rito?" naaasar na tanong ni Lyra. Pinagtitinginan siya ng mga kalalakihan may ilan namang mga babaeng nagbubulungan. "May kakaiba pa rin ba sa 'kin? Sinunod ko naman ang mga bilin nila Agatha. Para naman akong insekto na bago lang nadiskubre."

Natawa si Agatha at Akane. Napapansin nilang masungit si Lyra.

"Masanay ka na dahil may hitsura ka naman, ganyan talaga ang mga lalaki, mahilig sa bagong mukha,"natatawang tugon ni Akane.

Nagsabay-sabay sila sa paglalakad.

Nagsikuhan si Akane at Agatha.

"Malalagot tayo kay Panginoong Crescent kapag nalaman niyang kesa bantayan si Lyra nagsusumigaw tayo kay Greece." Mahinang bulong ni Akane kay Agatha. Pero ang sisteng Agatha, panay ang pa-cute sa mga kalalakihan na parang may sakit na pipikit-pikit.

Si Lyra naman ay pasama na nang pasama ang hitsura, para na siyang nalason kung titingnan. Pero dahil mula raw sa hari ang pag-aaral niya kaya hindi siya dapat mag-inarte dahil nakakatakot ang hari. Napakalaki nitong lalaki at daig pang dumadagundong ang boses. Isama pa na matapang ang hitsura nito, hindi katulad ni Crescent na mukhang anghel. Tuwing nakikita rin siya ng hari ay mukhang hindi ito natutuwa sa kanya pero kompara sa mga asawa nito, hindi naman siya kahit kailan hinawakan ng hari para saktan.

"Siguro mas magiging maganda ang lugar na 'to sa paningin ko kung malapit lang sa 'kin si Crescent."Napabuntong-hininga si Lyra. Walang ganang iniikot niya ang mga mata sa paligid. Hindi niya nagugustuhan ang tingin, ngisian, pagsipol at pagkindat ng mga kalalakihan sa kanya. Pakiramdam niya'y nababastos siya ng mga ito. Pero palalampasin niya iyon ngayon pero sa susunod ay hindi na.

"Lyra, iiwanan ka na namin," ani Akane nang nasa pintuan na sila ng magiging klasrum daw niya.

"Sige, ingat kayo." Walang ganang aniya.

"Lyra, maging palakaibigan ka para hindi ka palaging simangot, ha!"

Inismiran ni Lyra si Agatha.

Pumasok na siya sa loob ng klasrum at maraming napatingin sa kanya. Naghanap siya ng upuan sa bahaging dulo. Sa lugar ng mga taong-lobo gusto niyang palaging napapansin dahil gusto niyang kapag tinatanong ni Crescent ang pag-aaral niya ay maganda ang sasabihin ng mga naging guro niya at maging mga kaklase. Pero ngayon, sa bahaging dulo siya naupo. Wala siyang ganang mag-effort dahil hindi naman mag-aaksaya si Crescent magtanong sa mga tao.

"Can you introduce yourself?" nakangiting sabi ng kanilang babaeng guro na nasa mid-thirties.

Tumayo si Lyra sa upuan. Ngumiti nang pilit.

"Hello, ako si Lyra, nanirahan ako sa kabundukan kaya asahan ninyo na may mga ugali ako na kakaiba sa inyo. Pero kung hindi naman makakaapekto sa paniniwala at buhay ninyo, sana ay pabayaan ninyo na lamang. Maraming salamat." Naupo siya.

Katahimikan ang sumunod bago tumikhim ang guro at ngiting-ngiting ibinida sa kanya ang eskuwelahan, mga kaklase, at mga kaguruan. Pilit lang ngumiti si Lyra, hindi naman niya gustong maging bastos.

Nagsimula at natapos ang klase na ang iniisip lamang ni Lyra ay si Crescent.

'Kumusta na kaya si Crescent?'

'Maayos lang kaya si Crescent?'

'Naglalakbay kaya sila ni Tomo ngayon?'

'May babae kang umaaligid sa kanya?'

'Naaalala niya kaya ang paghalik niya sa 'kin?'

Napabuntong-hininga na lamang siya. Tumayo na siya dahil paubos na ang estudyante sa klasrum. Nagsimula siyang umismid sa mga lalaking nagpapapansin sa kanya. Lalo iyong makapal ang mukhang kindatan, sipulan, at ngumisi sa kanya.

Raised by Wolves I ( Revised )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon