Ang nawawala kong puso
Isang araw mayroong isang pusong pagala galang naglalakad sa isang maliit n eskinita
Sa di inaasahang pagkakataon, nakabangga siya ng isang wasak na puso
Tinanong niya ang wasak na puso
Bakit ka malungkot? Sabi ng puso..
"Nawasak na naman ako, ng dahil sa pagmamahal". Malungkot na sabi ng wasak na puso
"Haa?? Wag ka ng malungkot nandto na ako oh papasayahin kita". Sabi ng puso
Dumaan ang ilang linggo at unti unti ng nabubuo ang wasak na puso.
"Salamat ng marami, dahil sayo ako'y buo n muli!!"
"Walang anuman, basta para sayo!" Sabi ng puso
Dumaan ang buwan at unti unti na silang hindi nagkakapagusap pa. Hanggang sa dumating na lang ang isang araw na ang dating pusong masaya ay siyang naging wasak na. At ang dating wasak na puso ay masaya na sa iba.