Chapter 37

230 10 0
                                    

Lumipas na ang tatlong araw pero hindi pa rin nagkakapag-usap sina Fate at Migo. Sinadya na munang hindi kontakin ni Migo ang babae at baka sakaling matauhan ito. Pero nalulungkot siya at nag-aalala dahil hindi nag-u-update ang babae sa mga social media accounts nito at wala siyang balita sa babae. Hindi niya tuloy ma-stalk si Fate. 

"Sorry sa abala Tita, but i really need to talk to you." sabi ni Migo habang nasa isang restaurant sila ng mommy ni Fate. Ininvite niya kase itong maglunch para ipaalam na dito ang tunay na sitwasyon ni Fate.

"Actually, masaya nga 'ko dahil ininvite mo 'ko." sabi ng mommy ni Fate. "May gusto rin kase akong malaman Migo." 

"Sige Tita,kayo na po ang maunang magsabi." 

"Si Fate kase, this past few days, lagi siyang malungkot, tulala. Wala siyang ganang kumain at halos hindi na siya lumabas ng kwarto. I heard na... break na daw kayo? But why Migo?! Anong nangyari? Why did you broke up with her? Mahal na mahal ka ni Fate!" mahinahon pero may panunumbat sa tono nito. 

"Hindi niya ko mahal Tita. Mahal niya 'yung sarili niya. Tita.... she's.. she's pregnant!" sabay buntong hininga at nakita niya ang galit sa mukha ng mommy ni Fate.

"HOW DARE YOU MIGO!!" madiin pero mahinang sabi nito para hindi sila maka-eskandalo. "FATE IS PREGNANT?? SO KAYA KA NAKIPAG-BREAK GANUN BA??" 

"No Tita! Hindi ganon. Actually sinabihan ko na siya na pananagutan ko siya at magpapakasal kami after naming sabihin sa inyo ang totoo. Pero kaya ko siya hiniwalayan Tita ay dahil... dahil gusto niyang ipalaglag ang anak namin. Tita.. kaya po gusto ko kayong makausap ay para matulungan niyo po kami ni Fate. Please Tita, i-convince niyo po si Fate na 'wag ipalaglag ang bata. Please Tita, papakasalan ko si Fate." nagmamakaawang sabi ni Migo at napailing nalang ang mommy ni Fate na hindi makapaniwalang buntis ang kaisa-isa niyang anak!! 

"Sorry Migo, tingin ko I can't help you." cold na sabi nito at agad tumayo na ni hindi man lang nagalaw ang inorder na steak! "Stay away from Fate Migo! Sinira mo ang tiwala ko sa'yo! Ang babata niyo pa!" inis nitong sabi at agad ng iniwan si Migo na napahawak nalang sa noo. 

Mukhang hindi makakatulong ang ginawa niyang pag-amin. Parang mas lalo pang magiging komplikado ang lahat!

+**+

Busy na sina Ana at Myzel sa pagluluto para sa pagsalubong nila sa bagong taon! Habang busy si Myzel sa paggawa ng macaroni salad ay busy naman si Ana sa carbonara. 

"Sayang no, wala si Fate, sabi pa naman niya, siya ang magbe-bake ng cake." malungkot na sabi ni Ana.

"Kaya nga eh! Ang daya talaga niya!" naiiling na sabi ni Myzel. "Ang lungkot tuloy ni Migo, kawawa naman." 

"May naisip ako Myz.." biglang sabi ni Ana sabay kuha ng cheese at nilagay 'yon sa ibabaw ng carbonara.

"Ano?" 

"Kase, sure ako na maiinggit si Migo kina Stan at Clay kase nandito tayo, magkakasama tapos wala si Fate." sabi ni Ana at napaisip naman bigla si Myzel. 

"E pano? Anong gagawin natin?" tanong ni Myzel na naglalagay ng all purpose cream sa salad. 

"What if.. bawal tayong makipaglambingan kina Stan? Para hindi mainggit si Migo." 

"Okay yan ah!" nakangiting sabi ni Myz. "Sa'kin okay yan! E ang tanong, okay lang ba kina Clay yan? Sus! Alam mo naman 'yun si Clay diba? May pagka-malandi din 'yon! Yakap dito, yakap don! Diba?" 

Natawa lang si Ana, ganun din kase si Stan eh! Pero malamang naman na papayag ang dalawa dahil para naman kay Migo 'yon. 
"Kausapin natin sina Stan." 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon