Chapter 38

213 9 1
                                    


Year 2017 na, back to school na naman ang mga estudyante at back to normal na naman ang lahat. Balik normal, maliban kina Migo at Fate! 

"I saw her post last night Migo, byaheng U.S. na si Fate." balita ni Clay nung nasa headquarters sila nung umagang 'yon. 

"Alam ko." malungkot na sabi ni Migo. "Tinuloy niya pa rin kung ano ang gusto niya. Pinatay niya ang anak ko, habang buhay ko siyang hindi mapapatawad!" madiin at seryosong sabi ni Migo na nakasalampak lang sa couch. 

"Tsk! Hindi ako makapaniwalang nagawa 'to ni Fate." napabuntong hiningang sabi ni Clay. "Pinatay niya ang inaanak ko!" 

Naging seryoso nalang si Migo at napatiim bagang. Panahon na para kalimutan nalang si Fate! 

Alam ng Diyos kung gaano niya kamahal ang babae pero malaking kasalanan ang ginawa nito. Kasalanan sa mata ng tao at lalo na sa mata ng Diyos. 

Masakit man ay no choice nalang siya kundi kalimutan ang pagmamahal niya para dito at magsimula ng panibagong buhay na wala si Fate! 

+**+

Hindi makapaniwala si Myzel sa nababasa niyang post ng isang babae sa timeline ni Clay. 

@AlessandraMarquez :Hi Clay! I have a good news! I'm pregnant! 

Napanganga lang si Myzel, 
---ANO DAW??? TOTOO BA ANG SINASABI NITONG BRUHA NA 'TO??--- galit niyang bulong at tumabi na sa may table niya si Ana na may dalang tray ng pagkain. Medyo crowded ang cafeteria at medyo maingay ang paligid.

"Bakit nakasimangot ka dyan?" curious na tanong ni Ana habang nilalagyan ng kalamansi ang binili niyang pancit guisado. 

"Sino bang hindi sisimangot dito?" sabi niya at pinakita niya ang phone kay Ana at pinabasa dito ang post sa timeline ni Clay mula sa babaeng 'yon!

Nanlaki lang din ang mga mata ni Ana matapos niya 'yon basahin. 

"Wait Myzel, tanungin mo muna si Clay. Malay mo, nangti-trip lang yang babaeng 'yan diba?" 

"Oo Ana, tatanungin ko talaga si Clay tungkol dito. Kung joke man 'to nung Alessandra na 'yon, hindi nakakatuwa!!" 

Napabuntong hininga nalang si Myzel, kailangan talaga niyang makausap si Clay. 

Pano kung totoo?? 

Pano kung buntis nga 'yung babae na 'yon at si Clay ang ama?? 

Paano nga ba?

+**+

"Ang sama ng panaginip ko kagabi Ana," kwento ni Stan habang nasa may hallway sila at naglalakad papunta sa class ni Ana. 

"Hm.. Anong panaginip?" tanong niya sabay titig kay Stan at hinawakan nito ang kamay niya. 

"Tumatakbo ka daw, tapos hinahabol kita. Nag-mamakaawa daw ako na wag mo kong iwan. Takbo ka lang daw ng takbo tapos bigla ka nalang nawala." malungkot na kwento ni Stan at natawa lang si Ana. 

"Panaginip lang naman 'yon Stan. Hindi kita iiwan kahit anong mangyare." 

"Promise?" tanong niya sabay halik sa pisngi ni Ana.

"Promise!" pangako naman ni Ana at hinalikan niya rin ang pisngi ni Stan. "Sobrang mahal kita Stan kaya hanggat mahal mo din ako, nandito lang ako. Hm..may panaginip nga din ako kagabi eh. Ah..medyo.. nakakatawa nga eh."

"Ano namang panaginip mo?" 

"Ah..ano...Buntis daw ako!" natatawang sabi ni Ana at natawa din si Stan. 

"Gusto mo gawin nating totoo?" sabay kindat ni Stan at natawa lang si Ana. 

"After nating ikasal Stan!"

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon