Chapter 40

289 13 2
                                    


"Nasan ka kagabi?" tiim bagang na tanong ni Stan kay Ana. Nasa terrace pa sila non ng HOT House. Tinatanong pa niya kahit alam naman niyang kasama ni Ana si Nathan buong magdamag! 

"Stan..." napaluhang sabi ni Ana.

"Nasan ka?!" ulit ni Stan na nagpipigil ng galit. 

"Ah..ano...ah... sa bahay lang ng classmate ko.." pagsisungaling ni Ana. 

"'Wag mo 'kong lokohin Ana!!! Nasan ka kagabi at sinong kasama mo?!" kalmado pa rin kahit halatang umuusok na ang ilong sa galit. 

"Kasama ko si Nathan!" sabay iyak ni Ana at napakuyom ng palad si Stan.

"Bakit Ana?" sabay luha nito at tinitigan si Ana, "Bakit kailangan mo 'kong saktan at gaguhin?! Binigay ko naman sa'yo ang lahat ah!! Minahal kita ng buong-buo!!" madiing sabi ni Stan na medyo lumalakas na ang boses. "Sineryoso kita eh! Tapos eto igaganti mo?!" 

"Stan mahal na mahal kita." sabi niya sabay yakap kay Stan, yung yakap na mahigpit, nagmamakaawa, humihingi ng pang-unawa. 

"Mahal mo 'ko pero ginago mo 'ko." mahinang sabi ni Stan na nakatayo lang at hinahayaan lang na nakayakap sa kanya ang babae. "Bakit? Dahil ba sa sex?? Gusto mo ng sex??" galit na sabi ni Stan at tinanggal niya ang pagkakayakap ni Ana sa kanya. "GUSTO MO NG SEX?? I CAN FUCK YOU IF YOU WANT ANA!!! I CAN FUCK YOU ANYWHERE, ANYTIME, 24/7! Yun ba ang gusto mo??" sarkastikong sumbat ni Stan at binigyan siya ng isang napakalakas na sampal ni Ana. Yung halos mawasak na yung pisngi ni Stan sa sobrang lakas non!

"Stan wala kang alam! Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan!! Ano bang akala mo sa'ken?? Huh?? Ganyan bang kadumi ang tingin mo sa'kin??!" 

"May picture kayo ni Nathan habang nakahubad kayo at pareho kayong nasa kumot!! So ano 'yon?? Walang nangyare?? ANO ANA!!? ANONG GINAWA NIYA NG PUTANG INANG 'YON!!!! ANA AYOKONG MAGMURA PERO PUTANG INA TALAGA!!!" galit na sigaw ni Stan at lalong napapaiyak si Ana. 

"Stan...Stan hindi ko naman 'yon ginusto.." umiiyak pa ring sabi ni Ana. "Maniwala ka Stan, alam ng Diyos kung gaano kita kamahal at hindi kita kayang saktan. Stan pakinggan mo muna 'ko please.." napaluhod na si Ana sa sobrang sakit na nararamdaman. "Stan hayaan mo kong magpaliwanag please.. 'Wag kang magalit sa'kin parang awa mo na." umiiyak siya habang nakaluhod at nakakapit siya sa hita ng lalaki. 

"Tumayo ka dyan Ana!!" utos ni Stan at habang umiiyak si Ana ay dahan-dahan siyang tumayo at tumitig siya kay Stan, nagmamakaawa. 

"Makikipaghiwalay ka ba sa'kin Stan?" umiiyak pa rin niyang tanong na namumugto na ang mga mata. Marami na siyang luhang nailabas pero bakit ayaw nito maubos?? 

"Hindi kita hihiwalayan!" diin ni Stan. "You're mine!" sabi pa nito at mabilis na kinabig ang batok ni Ana at madiin siya nitong hinalikan sa labi. Wild ang ginawang halik ni Stan at ramdam na ramdam ni Ana ang intensity ng bawat paghalik nito. Mas madiin, mas maalab! Maging ang dila ni Stan ay naging palaban at naging agresibo ito. Ngayon niya lang na-experience ang ganung katinding halik mula sa lalaki. "Tang-ina Ana! Napaligaya mo si Nathan at gusto kong paligayahin mo din ako!" parang nawawala sa sariling sabi ni Stan at mabilis niyang hinila ang babae papunta sa kwarto niya.

+**+

Nasa may rooftop ng University si Myzel at para na siyang mababaliw! Mahal na mahal niya si Clay at alam niyang mahal din siya nito! Hahayaan ba niyang masira ang relasyon nila dahil lang sa pagkakamali ni Clay, sa nakaraang pagkakamali. 

Napaluha siya at naisip niya si Clay, mahal na mahal niya ang lalaki pero pinapahirapan pa niya ang sarili niya. 

Naimagine niya, may kasama ng ibang babae si Clay, mahal na mahal ni Clay ang babaeng 'yon habang siya ay dinadaan-daanan nalang.

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon