Chapter 27 ~ "Nakaligo na ako."
Mia's POV:Today is parlor day. 'Yan ang sinabi sa akin ng nanay ni Bryle. Siguro gusto niyang samahan ko siyang magpaparlor.
Bukas na pala ang kasal pero hindi ko ramdam. Parang normal lang ang aking kilos at hindi nakakaramdam ng kaba sa mga bagay-bagay.
Ganto talaga yata kapag hindi mo mahal ang pakakasalan mong tao.
Tudo handa ang kanilang pamilya sa darating na kasalanan. Puro tango lang ang aking ginagawa dahil sila na ang bahala sa lahat-lahat.
Mas masaya pa ako kung ako mismo ang magtatrabaho ng mga 'yon. Dahil kasal ko ang magaganap at hindi ang kaninoman.
Pero hinde. Wala silang ipinagawa sa akin kahit na tagahatid lamang ng mga invitations sa mga hindi ko kakilalang mga tao na invited.
Sino ako para magreklamo?
Napabuntong-hininga ako at tinignan ang message sa akin ni Eunice. Isang litrato ang kaniyang ipinadala at nalaman kong magkasama sila ni Grace sa isang salon.
Si Grace na hindi nakatingin sa camera at busy sa pagtingin sa kaniyang mga kuko na mukhang bagong cutex lamang habang may nagrerebond sa kaniyang buhok.
Gusto ko rin sanang magpaayos ng buhok pero hindi pala pwede sa akin. Haircut na lang sana kung matutuloy kami ng nanay ni Bryle.
Kakapalan ko na ang mukha ko.
"Anong oras kayo aalis?"
Tanong sa akin ni Bryle habang may tinatype sa kaniyang phone. Hindi ito nag-abalang mag-angat ng tingin. May laptop rin sa kaniyang harapan at malabong makausap ako ng mata sa mata.
Kakabasa niya lang ang mensahe sa kaniya ng kaniyang ina na mamamasyal kami. Buti na lang at maaga niyang nasabi sa akin kaya may oras pa akong mag-ayos.
Nandito nga pala ako sa kwarto ni Bryle. Tulad ng sinabi nito kamakailan lang, nagtatabi na kami sa pagtulog gabi-gabi.
Lahat rin ng mga gamit ko ay nandito na rin at nakaayos na nakasilid sa cabinet. Ako mismo ang nag-ayos dahil sa sinipag ako ng araw na iyon.
Bakante na tuloy sa kabilang kwarto.
Alas-siyete pa lang ng umaga.
"Ano bang sinabi sayo ng Mama mo?" Balik tanong ko sa kaniya.
Pasimple kong tinitignan kung ano ang ginagawa niya sa kaniyang telepono kahit na malabo kong malaman dahil sa magkaharap kami.
"Wala siyang sinabi."
Napatango-tango ako. Buti na lamang at kanina pa ako nakaligo kaya tanging konting pag-ayos na lamang ng sarili ang aking gagawin.
Ilang sandali ang nakalipas, bigla na lamang nitong inilagay ang kaniyang telepono sa pagitan namin. Pagring ng telepono ang aking narinig.
"Mom, what time kayo pupunta sa parlor?" Tanong niya. Ang nanay pala nito ang katawag sa telepono.
"Maybe nine o'clock. I'll pick her up in your house. Don't forget to tell her about what I've said." Utos ng kaniyang ina. Napatingin kami sa isa't isa ni Bryle.
"Naka-loud speaker." Sagot niya.
"Did you heard what she said?" Sarkastikong tanong nito sa akin na parang ginagawa akong bingi sa kaniyang pagkakatanong.
"Oo."
Maikling sagot. Naiinis ako sa kaniya kapag nagiging sarkastiko ang kaniyang pananalita. Para bang, iniinsulto ka niya.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romance"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...