(Naomi's POV)
"Mayaman siguro yan tignan mo oh ang daming body guards"
"lady guards gaga. Puro babae eh"
"Pero ang ganda nya ah"
Yan ang usapan ng mga tao sa mall.Eh paano ba naman ikaw kaya makakita ng babaeng may sampung body guards na kasama?Well, masyadong mahigpit ang mommy ko eh wala akong magagawa
Baka daw ako yung pagdiskitahan ng mga kalaban nya sa business.At saka ayaw nya akong lapitan ng mga lalaki at ayaw nya ring may kumausap sakin na lalaki.Pumasok ako sa isang dress shop kaya yung mga body guards ko sunuran naman
Lalaki yung nagaasikaso ng mga dresses kaya yung body guard kong si Bretta ang kumausap.Pagkatapos kong bumili ng damit lumabas na ako.Kaya lang may napansin akong pumasok kaya napatigil ako
Namamalik-mata lang ba ako o talagang kamukha ko yung babaeng dumaan?
Tch
Wala yun.Natural lang naman na may makita kang kamukha o kahawig mo noh
Nga pala, I'm Naomi Tachibana.Half-Japanese half-filipino
Apilyido ng mommy ko ang gamit ko since divorced na sila ng tatay ko nang ipanganak ako
My mom is a japanese
At maniwala man kayo o hindi, I've never talk to a boy before
Pumasok ako sa isang all girls school mula grade school hanggang junior high.Ngayong senior high na ako wala pa ring nagbabago. Nasa all girls school pa rin ako
Ganito ang buhay ko. Limitado
Limitado ang nararating
Limitado ang bawat galaw
Limitado ang kakilala
Kakaunti lang ang kaibigan ko at sa ibang lugar sila nakatira. Syempre lahat sila babae
Pero kakaiba rin sila
Yung isa hacker, Yung isa naman gangster.Kakaiba sila pero tunay silang kaibigan
Kamusta na kaya sila?Minsan lang kasi kami magkita kasi pinagbabawalan ako ni mommy na umalis
Nakakainis?
Oo
Pero alam ko namang ginagawa lang yon ni Mommy kasi gusto nya akong maging ligtas
Medyo sumosobra na nga lang ^__^
*******
"Young Lady bumangon na po kayo"
hmmmmm
Ang sarap pang matulog eh. Yaya Nena naman aga manggising
"Young Lady! *tok* *tok* *tok*"
Mukhang nasa pinto na si Yaya Nena
5 minutes lang please?
"Naomi! Kapag hindi ka bumangon lagot ka sakin! Sumunod ka sa office ko mamaya"
Sino yun? Ang nanay kong dragon
Kahit ayaw ko pa bumangon na ako at naligo.Nakakainis! Wala namang pasok ngayon pero ang aga kong gumising.
Lagi na lang may iuutos si mommy o kaya may ibabalita na kadalasan naman eh walang kwenta
Paglabas ko ng kwarto bumungad na sakin ang mga maids at body guards namin
"Good Morning young lady"sabay sabay nilang bati
"Good morning!"binati ko rin sila
BINABASA MO ANG
My name is Naomi Tachibana
Teen FictionAkala nya ganun-ganun na lang ang buhay nya Mananatili na lang syang dalaga hanggang sa pagtanda nya dahil simula pagkabata hindi sya pinapayagan ng mommy nya na makipag-interact sa mga lalaki. Hanggang sa may nangyayaring hindi inaasahan. Nagkapali...