Chapter 4- Pretending to be Noemi

280 19 0
                                    


(Naomi's POV)

"Eto naman nung 7th birthday mo. Ang cute cute mo dito. Alam mo ba nadapa ka at napahiya ka sa mga bisita pero tumawa ka lang"

Tinignan ko yung mga picture. Sa ngayon kinu-kwentuhan ako ni Mommy Milah tungkol sa pagkabata ni Noemi. I mean pagkabata 'ko' pala

Magpe-pretend na lang ako na sya hanggat hindi ako nakakahanap ng way para macontact si mommy

Akala kasi nila may amnesia ako. Tingin ko kasi hindi sya aware na may kakambal ang ampon nya

"Ano pa po yung mga nangyari nung bata ako?"

Nagkwento pa sya nang nag kwento kaya naman medyo nakilala ko na rin yung kakambal ko

Pumasok sila Kuya Drei at Kuya Grey na may dalang pagkain. Sumunod naman si Terrence na may dalang inumin

Diba kilala ko na sila ^_____^

"Kuya Grey ilang taon ka na?"tanong ko

Bigla namang humagalpak ng tawa si Kuya Drei at Terrence

"Naku Noemi, Gurang na yang kuya nati-----ARAY! Ba't mo ko binatukan?"Pagrereklamo ni Kuya Drei

"Gag* ka! Anong gurang?! 23 pa lang ako noh!"reklamo naman ni Kuya Grey

"Gurang na yon noh. Buti ako 21 pa lang"-Kuya Drei

"Magiging gurang ka din"-Kuya Grey

"Humanap ka kasi ng girlfriend para hindi matawag na gurang"-Kuya Drei

"Anong connect?"-Kuya Grey

At ayun nagsimula na silang mag away. Natawa na lang ako

Pinagtuunan ko naman ng pansin si Terrence

"Ikaw ilang taon ka?"tanong ko sa kanya

"16"tipid nyang sagot

"Ako? Ilang taon na ako?"tanong ko kay mommy Milah

"17. Turning 18 this December 06"sagot nya

I get it. Kambal talaga kami ni Noemi

Kumain kami non at nag kwentuhan

Masaya silang kasama. Masarap din palang magkaroon ng kapatid. Ng mga kuya.

MASAYA ^_____^

*******************

Ilang araw pa at sinabi ng doktor na pwede na raw akong lumabas

Pagbaba ko sa kotse nakalanghap agad ako ng sariwang hangin

"Eto po ba ang bahay natin?"tanong ko kay mommy

Tumango naman sya at nilabas yung mga gamit namin sa kotse. Tinulungan naman sya nila Kuya Drei

Pumasok na kami at itinuro nila kung nasan yung kwarto ko

Tinignan ko yung mga pictures na nakasabit sa dingding. Magkamukha talaga kami

Humiga ako sa kama nya

Dito nahihiga at natutulog ang kambal ko

Mayaman din naman sila. Though hindi nga lang kasing yaman ni mommy (Miyuki)

Mom owns 2 hospital here in the Philippines, 2 in South Korea and 3 in Japan

She also owns a publishing company. Pati na rin 5 private schools

Then may iba pa syang business sa ibang bansa

Well, ayos lang naman sakin kasi hindi naman ako maarte.Kung anong meron yun na yon

My name is Naomi TachibanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon