Anak, Patawad

152 2 0
                                    

Danica Pagsolingan POV

"Ano to!? Daing na naman ba! Asan na yung pinapabili kong sapatos!" Nakakainis naman! Sa tuwing uuwi ako lagi na lang daing ang ulam! Buwisit na buhay to!

"Anak, wala pa kasing pera. Hayaan mo--" Lagi na lang hayaan! Nakakarindi na sa tenga! Bat kasi walang dulot yang nanay na yan.

"Puro ka ganyan! Manahimik ka nga! Gumawa ka ng paraan!" Puro siya trabaho tas walang pambili ng ulam! Nangaasar ba siya!

"Anak kasi binabayaran ko pa yung gastos natin nung debut. May tira pa ata akong bente dito, sandali anak papabilhin ko lang si Cate ng ulam mo." Naupo na muna ako. Nakakapagod kasi.

Antagal naman! Ang bagal! Nakakairita! Kitang gutom na yun tao! Kainis talaga!

"Ano ba yan Ate! Wala ka bang paa para bumili dun! Ang tamad mo naman! Wala ka na ngang naidudulot dito sa bahay nagiging palamunin ka lang ni nanay!" Lintik yan! May isa pang buwisit! Nakakangalaiti! Andami daming sinasabi!

"Wag mo kong pagsalitaan ng ganyan! Bakit? Ano na bang naidulot mo ha! Wag ka ngang magmalinis!" Buwisit talagang buhay to! Kung nandito lang si tatay edi sana masaya pa ako!

Bat ba kasi ang malas ko! Walang kwentang buhay na yan!

"Anak, tama na. Cate, bumili ka na dun." Ang dami pang dada eh bibili lang naman. Ikamamatay nya ba yun! Ang Arte arte!

"Nay tumigil ka nga! Sinasagot sagot ka nyang anak mo oh! Hoy ate! Hindi porket nawala si tatay ng dahil kay nanay, ganyan ka na umasta! Hindi ginusto ni nanay yun!" Aba? Nag-ungkatan. Peste naman talaga oh! Nakakabadtrip sa bahay! Kaya ayokong umuuwi ng bahay! Puro sila satsat! Nakakainis!

"Aba eh bakit? Kasalanan niya yun! Kung hindi ba naman mahina ang puso nyan edi sana hindi ganyan! Lintik! Kasalanan mo yun! Kasalanan mo!" Agad akong nakatanggap ng sampal. Sampal na hindi ko inaasahan. Sampal na mula sa walang kwentang nanay ko.

"Anak pasens--"

"Wala kayong kwenta! Sana ikaw na lang yung namatay!" Sana nandito pa si tatay! Para hindi ako nagkakaganito. Tay, dapat kasi hindi mo na lang ipinalit yang puso mo sa babaeng yun eh! Eh di Sana maayos pa ko.

Edi sana hindi ako nagkakaganito. Tay naman kasi eh, hinayaan niyo na lang dapat na mamatay yun! Wala naman siyang kwenta!

Sa bahay muna ako ng kaibigan ko nakitira. Wala pa akong balak bumalik dun sa impyernong bahay na yun.



"Dan, Nakita ko yung mama mo nung isang araw. Hinahanap ka sa akin. Hindi ko naman sinabi kung nasaan ka." Tumango lang ako. Wala akong pake sa kanya. Hanapin niya mukha niya.

"Oo nga dan, alam mo naaawa na talaga ako kay Aling Jona. Gabing gabi na hinahanap ka pa din. Nakakaawa siya dan. Umuulan pa naman nun. Gustong gusto kong sabihin sa kanya kung nasan ka kaso ayaw mo." Hinahanap pala ako nun? Parang nung nakaraan lang sinampal niya pa ako ah. Ano? Nakalimot agad? Lakas naman.

"Bumalik ka na dan. Nakakaawa talaga si Aling Jona. Magdamag hinahanap ka niya. Tas yung kapatid mong si Cate nasa ospital daw, sinusumpong na naman daw nung sakit niya." Akala ko ba wala ng sakit yun? Akala ko ba magaling na siya? Bat di na lang niya bantayan si Cate dun sa ospital.

"Dan, Maawa ka sa kanila. Kailangan ka nila." Tumango na lang ulit ako. Bukas uuwi na ako. Babawi na ako sa kanila.

Tutal may naitabi namanakong pera ako na ang sasagot ng gastusin ni Cate sa ospital. Hindi ko na din pagta-trabahuhin si nanay.

"Uuwi na ako bukas."

Kinabukasan maaga na akong nagising para mamili ng para kila nanay. Kailangan kong bumawi sa kanila.

Nagpatulong na din ako sa mga kaibigan ko na magluto. Iuuwi ko para sa kanila.

Pagkasapit ng alasais ng hapon. Nakarating ako sa eskinita malapit sa amin. Sobrang kaba ng dibdib ko.

Natatanaw ko yung bahay namin na andaming tao. Anong nangyayari?

Bat parang andaming tao? Tas ang ilaw. May handaan ba sa bahay?

Sa sobrang sabik ko na muli silang makasama napatakbo agad ako papunta sa bahay. Teka? Hindi pwede. Nanaginip lang ako. Hindi ito totoo.

"Danica, wala na ang nanay at kapatid mo." Wala na sila, Diba babawi pa ako? Diba ipagagamot ko pa si Cate? Andami ko pang gustong gawin eh! Bakit ganto?

'Wala kayong kwenta, sana ikaw na lang yung namatay!'

Biglang nag-echo sa akin yung huling sinabi ko sa kanila bago ako umalis.

"Nakita ko itong hawak hawak ng nanay mo. Tas etong sapatos iniabot sa akin ng kapatid mo bago siya mawala." Eto yung sapatos na ipinapabili ko kay nanay ah?

'Ate sorry sa mga nasabi ko sayo. Eto oh yung pinapabili mo kay nanay na sapatos. Mukhang hindi na kita mahihintay ate. Sige na mahal na mahal kita ate. Ingat ka.'

Cate! Bakit? Bat mo iniwan si ate? Babawi pa ako sayo eh. Di pa nga ako nagpapakaate sayo eh. Andaya mo naman.

Binuksan ko yung sobreng iniabot sa akin.

'Anak,
Patawad sa nagawa ko sayo. Nagawa ko lang yon dahil sa dala ng emosyon ko nak. Patawad kung napagbuhatan kita ng kamay. Nak, bumalik ka na. Kailangan ka kita at ng kapatid mo. Miss na miss ka na namin.
Anak, lagi ka sanang mag-iingat. Mahal na mahal ka ni nanay. Patawad kung dahil sakin nawala ang tatay niyo. Ang hina kasi ng puso ng nanay eh, kasalanan ko anak patawad. Lagi kang hinahanap ni Cate. Nak, umuwi ka na. Hindi ko na din kaya. Mukhang maiiwan na kita. Patawad kung iniwan ka namin ng kapatid mo. Magiingat ka palagi anak. Mahal na mahal na mahal na mahal kita.'

                          The End

HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon