Cate Daligcon POV
I thought it was all a dream, a nightmare. He died because of me. If I could back the times with him.Sana totoong may time machine na lang para nasulit ko pa yung panahon ko kasama siya.
Sabi nila, ang suwerte ko daw sa buhay. Almost perfect pero paano pa matatawag na perfect yun kung yung isang taong dahilan ng lahat ay iniwan na ako.
Sana hindi na lang ako nabuhay kung mararanasan ko din ito.
"Cate?" Wah!!! Alam nilang gising pa ako! Ano ba yan! Ang hirap magpanggap! Aww, double meaning yun Cate! Nice! Ang galing.
"Come in." Wala na, narinig ko na ang unti unting pagbukas ng pinto ko.
"Are you ready for tomorrow sweetie?" Ano ba yan si daddy pinaalala pa lalo! Nakakinis naman eh! Kinakabahan na nga ako!
"Actually dad, kinakabahan ako." I heard him chuckled. Tsk! He's having fun with me! I hate him! Hmmmp! Birthday ko na nga bukas eh!
"It's okay. Kaya mo yan. Ikaw pa ba? Eh ang tigas tigas ng ulo mo!" Ginulo ni daddy yung buhok ko. Aish! Lalo pang gumulo eh! Mukha na siguro akong bruha ngayon! Kainis
"Here sweetie." Ipinakita niya sa akin yung maliit na box. Wow, parang alam ko to? Teka! Nae-excite ako!
Binuksan ko agad yun. Wah! Tama nga ako! Yung gustong gusto kong singsing! Kaso ang mahal! 47k kasi.
Niyakap ko agad si daddy. I'm lucky to have him. He's my daddy, my best friend, my knight in shining armor, he's my everything.
"Thank you daddy. I love you, I love you, I love you." Hindi ko ine-expect na isusurprise niya ako ng ganito. Ang saya saya ko.
"Sige na haha. Sleep na. Goodnight sweetie, sleepwell. I love you."
"Hey princess? Are you ready?" Kinakabahan ako. Ganto lang talaga siguro pag magde-debut ka na. Ilang minuto na lang magsisimula na. Pwedeng stop time muna? Pwede ba?
"Mom. Pano kung matapilok ako? Pano kung maapakan ko yung gown ko, pano kung an --"
"No, Think positive. You're so beautiful tonight, princess." Hayst, Wala naman kasi talaga akong balak na ganto ka-engrande yung debut ko. Kahit simpleng handaan lang basta buo kaming pamilya, ayos na ako dun. Mas masaya nga pag ganun lang.
"Tonight lang mom?" Napangiti naman si mommy dun. Iba yung ngiti eh. Kainis
"Hay nako. Halika na nga, hinihintay ka na ng mga bisita dun." Naunang lumabas si mommy. Sympre may grand entrance daw ako. Andaming paandar eh. Matatapos din naman.
Pagkarinig ko nung nagpapalakpakan na sila, lumabas na ako ng kuwarto at punta sa tapat ng isang malaking pinto.
Just like in fairytales. Parang nagslowmo yung pagbukas nila ng pinto.
Grabe! Kinakabahan ako! Di ko na kaya!!! Andaming tao!! Nakakahiya. Nakita kong nagthumbs up sakin si daddy.
He's cheering me up. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan. Mahirap na. Baka madulas pa ko.
Ansakit sa paa! Grabe naman kasi 10 inch! Ansakit, gusto kong tanggalin.
Grabe! 18th roses na! Kinakabahan ako! Hindi ko na namalayan kung ano na ang nangyayari.
Sumayaw na kami ng mga kaibigan kong lalaki. Yah! Wala akong jowa eh. Tsaka na yun pag naka-graduate na ako ng college. Gusto ko munang bumawi kila mommy at daddy.
Isa na lang ang kulang. Si daddy. Siya ang 18th roses ko. Wala nga kasi akong jowa diba.
Unti unting lumapit sa akin si daddy habang may dala dalang bulaklak.
Naiiyak ako! Kainis! Baka kumalat yung make up ko. Nako magmu-mukha akong ewan nito.
Iniabot na sa akin ni daddy yung bulaklak at sinimulan akong isayaw. Biglang nagpalit pa ng kanta! Dance with my father again!
Naiiyak na talaga ako.
"Ang ganda ng prinsesa ko." Napayakap ako kay daddy nun. Wala eh naiyak na talaga ako. Kainis, wala na akong paki sa make up na yan!
"Hey dont cry." Kumalas ako ng yakap kay daddy. May kinuha naman siyang panyo sa bulsa niya.
"Sipon mo oh. Laki laki mo na, sipunin ka pa din."
*Bang*
Agad na nagsigawan yung mga tao. May mga tumatakbo, may mga nagsipagtago. Anong nangyari?
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatayo sa gitna. Hindi pa din nagsi-sink in yung
"D-daddy!" May tama siya ng baril. Agad akong lumuhod at niyakap siya.
"D-dad wait lang ha? Kapit lang dad." Ano bang nangyayari! Bat nagkakaganito! Bat kailangan na mangyari to?
"Sweetie, dont worry. You're safe now. I l-love y-you" Unti unti niyang ipinikit ang mata niya kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.
"Daddy no. Dad, wake up please." Sa mga oras na yun ang tanging hiling ko lang ay ang muling pagdilat ng kaniyang mga mata.
Wala na, wala na siya. Wala na ang pinakamamahal ko. Daddy, thank you for all your sacrifice. Just please guide me.
The End