Prologue

183 3 2
                                    

Papunta kami ni Zach sa aming bench sa tambayan din namin dati ni France. Nung makarating kami ni zach sa bench, Huminto ang puso ko sa nakita kong nakaupo sa bench. Ang matagal ko ng hinihintay ay nakaupo lang saaming tambayan noon, naghihintay, naghahanap, at pasulyap-sulyap sa mga dumadaan dito sa park. Nang makalapit kami ni Zach sa bench tumingin sya saakin at ako naman nakatigtig lang ako sakanya na parang nanigas sa kinatatayuan ko.

"Sino ka ba? bakit ka nandito? Kami lang ang pumupunta dito. Tambayan namin to." Mayabang na sabi ni Zach.

"May hinihintay lang kasi ako dito, Tambayan din namin dito noon. Matagal ko na siyang gusto makita." Seryosong sagot ni France.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko masaya ba ako o malungkot? "Mahal mo ba yung babaeng hinihintay mo?" Curious kung tanong. "Oo, siya ang naging kaibigan ko sa simula ng pagpasok ko sa school. Siya din ang babae nagparamdam saakin ng ganitong pagmamahal." Katabi ko ang dalawang lalaki na nagpamahal saakin ng todo. Isa dito ang minahal ko dati at ang isa naman ay minamahal ko ngayon. Sino kaya ang pipiliin ko sakanila?

Past or Present Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon