Erika P.O.V
Nagising ako dahil sa napaka-bangong na amoy ko! Crispy Pata ata.
Mukhang nagluluto na si Mama!
"Erika! Bumangon ka na! Luto na ang pagkain!" sigaw ni mama sa kusina.
Hindi na ko naghilahilamos pa at nakangiti akong lumabas sa kwarto ko patungo sa kusina. Alam ko namang kahit hindi na ko maghilamos maganda pa rin ako!
'Nu daw!?'
"Morning ma" nakangiti Kong bati sa kanya.
Nagtaka naman ako sa ekspresyon ni mama dahil nakangiwi sya. Baka nagagandahan sakin.'Nu daw!?'
"Hindi ka ba manlang maghilamos Erika! Tingnan mo nga yung bibig at mata mo! Puro muta at panis na laway!" sigaw nya sakin.
"Ma kahit na hindi na po ko maghilamos ay maganda parin po ako" nakangiti ko pang sagot sa kanya.
Napa-yuck naman si mama.
Tsk tsk tsk!
Ano bang mga problema nila!? Maganda naman ako ah!'Nu daw!?'
"Oh sya sya! Sige na! Maganda ka na! Kumain ka na at eto ang unang araw ng pasuk mo sa kolehiyo" sabi sakin ni mama.Bubuksan ko na ang tray na nakangiti dahil alam Kong crispy pata ang ulam!
Napawi agad ang mga ngiti ko na namumutawi sa aking labi dahil 'tuyo' lang naman ang ulam. Pero ganun pa man para sakin ang tuyo na to ay cripy pata na rin.
Binilisan Kong kumain nang maalala kong ito nga pala ang unang araw ng pasuk ko sa kolehiyo.
Dahil makikita ko na naman si Darwin Mostaña!
Sya ang pinaka-crush na crush ko! Siguro nga ei mahal ko na.
'Nu daw!?'
Pero bago ako umalis ng bahay nagsimula muna akong magsulat sa diary ko!!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
T
H
A
N
K
Y
O
U
F
O
R
R
E
A
D
I
N
G
BINABASA MO ANG
Diary ng Feelingera(pagpapantasyahan Na Lang Kita)-shortstory
Short StoryAng bidang Feelingera *bow*