R-Dane's POV
Nakakainis naman talaga yung babaeng yun, sigurado ako na narinig nya yung pinag-usapan namin, madaldal na nga chismosa pa kaya I hate girls nahuli na sa akto tinatanggi pa...Takte baka narinig nya nga! Yaan mo na nga siya.
Ngayon babalik na ako sa room kahit may oras pa para sa break matutulog nalang ako dun para hindi ko mapansin ang pagdaan ng oras co'z I really want to rest.
"Sh*t my guitar!", sigurado ako na naiwan ko yung gitara ko sa likod ng school hindi pwedeng mawala yun bigay sa akin yun ng Mommy ko kaya sobrang halaga nun.Kaya tumakbo ako ng sobrang bilis parang si Flash
"Akala ko nawala ka na", sabay kuha ko sa gitara ko na hindi man lang nawala sa pwesto
"Pwede ba wala akong time para sa mga kalokohan niyo kaya pwede padaanin niyo ako", si Rule-breaker girl yun. Malakas boses eh
"Sabi ko sayo layuan mo si R-Dane bakit ba ayaw mo? Don't tell me you like him?", sino naman tong babaeng to. Narinig ko pangalan ko.
"Nababaliw ka na ba? Diba sinabi ko sayo na wala akong paki dun sa lalaking yun", mukhang masarap panuorin tong scene na ito, live show!!!!
"E bakit mo sya sinusundan?", tanong ng girl nasa kilos palang sure brat na ito. I hella don't like them
"Sinabi ko na sayo na dito ako tumatambay kapag katapos kung kumain, at hindi ko alam kung anung ginagawa niya dito", paliwanag ni Rule-breaker girl
"What a big liar! Ang sabihin mo malandi ka talaga kunwari kapa na mabait at painosente pero ang totoo nasa loob ang kulo mo"
"Bakit parang para sa iyo yung mga sinabi mo! Aalis na ako at wala naman akong mapapala sa inyo!", tapos paalis na siya na sya ng......
*PAK*
"Sinung nagbigay sayo ng permiso na talikuran ako kapag kinakausap pa kita ha??", nagulat ako ng sinampal sya ng babaeng kausap nya pero wala lang sa kanya
"Ngayong tapos ka na pwede na ba akong umalis???", so hindi siya gaganti? Akala ko ba matapang yan
"Sinong may sabi sa iyo na tapos na ako, kung inaalaka mo na nakakalimutan ko na ang mga nangyari sa akin last year because of you nagkakamali ka", tapos hinawakan nya ng mga babaeng kasama nung Malane
"Ano ba Malane bitawan niyo ako bakit ba ako nalang lagi e kayo naman ang may kasalanan kung bakit suki kayo ng Guidance Office!", nagawa pa talaga nyang manggalit ganung sa lagay nya e dehado na siya ibang klase
"SHUT UP WILL YOU? Hindi kami ang may kasalanan nun, ikaw!, so this is the right time for our revenge"
taray!!!
Tapos hinigit nila ang uniform ni Rule-breaker girl habang yung iba sinasabunutan sya, ang pinagtataka ko lang bakit hindi sya lumalaban
ano yun?? Naduwag na siya
"Tama na ano ba? TAMA NA!!", yan lang ang sinasabi nya habang patuloy parin yung mga impaktang babae sa pananakit sa kanya
"Maharot ka kasi kaya dapat lang na turuan ka ng leksyon!!!"
" HINDI AKO ANG MAHAROT KAYO! UNANG ARAW PALANG NG KLASE DON'T TELL ME NA MAY GUSTO KA NA AGAD SA TRANSFEREE NA YUN, KAYA KA LAGING NAPAPAHAMAK DAHIL SA SARILI MONG KABALIWAN.....KELAN KA BA TITIGIL SA MGA KALOKOHAN MO HA???", umiiyak na sya siguro sa sobrang sakit siguro kasi nga sobrang sakit na ng pakiramdam nya
"Bakit hindi ka lumaban sa amin iiyak ka nalang ba dyan???", yan din ang tanong ko bakit hindi sya lumalaban
Pero hindi na siya sumagot at hindi rin sya tumigil sila tumigil sa pananakit sa kanya
BINABASA MO ANG
Two Is Better Than One
Teen FictionSa simpleng banggaan nabago ang buhay ko, sa pagiging simple naging komplikado!! Paano ko malalampasan to?? ~Ayesha Blaire Montaire Diba mahirap mamili? Lalo na akung ang pagpipilian ay parehong...