“Tiff! Tiff!” Napadilat ako nang makarinig ako ng sigaw na mahina. Tumingin muna ako sa ceiling ng kwarto ko at hinintay muli na marinig ‘yung ingay. Pero naghintay ako at wala na akong narinig.
Ipipikit ko na sana ulit ang mga mata ko nang marinig ko ang malakas na kalabog mula sa bintana ng aking silid. Kinilabutan na ako kaya nagtalukbong ako ng kumot. Pinikit ko ang mga mata ko pero narinig ko na naman ang malakas na ingay ng bato na tinapon sa bintana ko.
“Tiff! Ano ba?” Narinig ko at hindi ko lamang pala guni-guni ‘yung nagsalita. Agad akong tumayo ng higaan. Kinapa ng paa ko at isinuot ang bunny slipper ko na nakalagay sa tabi ng kama ko.
Mabilis akong pumunta sa bintana at dahan-dahan itong binuksan.
“Ralph? Ralph! Anong ginagawa mo dito? Okay ka lang? Gabing-gabi na ah?” Mahinang sabi ko sa kanya. Nasa tapat siya ng bintana ko, nakatingala. Naliliwanagan ng buwan ang mukha niya. Mukha na sa unang tingin ko pa lang, minahal ko na. Kumikinang ang mga mata niya at bakas na bakas ang matangos niyang ilong, pero ang pinakagusto ko sa lahat ay ang malawak na ngiti niya sa kanyang mga labi.
“Tara! Baba ka na diyan! May pupuntahan tayo!” Masigla niyang sabi.
“Saan?” Tanong ko at nilagay ang hintuturo ko sa labi ko as a sign of ‘please keep quiet.’
“Basta! Dali!” Sabi niya ulit.
“But, I’m not dressed!” Pinakita ko sa kanya na nakasuot na ako ng pajamas. Siyempre, one o’clock na kaya ng madaling araw.
“Wala akong paki! Kahit ano namang suot mo bagay sa’yo!” Sigaw niya at nag-sign ulit ako na tumahimik siya dahil baka magising ang mga tao dito sa bahay. Baliw talaga ‘tong si Ralph. Ganyan siya kapag may gusto, pinupuri ako.
“Ito na bababa na!” Tumakbo ako pababa ng bahay namin nang dahan-dahan.
Pinuntahan ko agad siya paglabas ko. Oh my God Ralph, why are you so looking good all the time. It will be a privilege to be killed by you. At ito ako, naka-pajama lang na haharap sa’yo. Ang swerte mo talaga sa’kin.
“Tiffany! Na-miss kita!” Masaya niya akong kinulong sa mga braso niya.
“Okay ka lang ba? Kakakita lang natin kahapon ah? At ka-text lang kita kanina ah?” Pakipot kong sabi.
Ginulo niya ‘yung buhok ko at ngumiti lang. Nginitian ko rin siya at pinisil niya naman nang malakas ‘yung magkabila kong pisngi.
“Aray!!” Sumigaw ako at nakarinig kami ng kaluskos mula sa loob ng bahay namin. Dahil doon, nagmamadaling hinila niya ako at tumakbo papunta sa kotse niya habang tumatawa. Pinatakbo niya ang kotse niya.
“Ano ka ba kasi, bakit ka sumigaw nang malakas kanina.” Sermon niya sa’kin.
“Baka pinisil mo po kasi ‘yung pisngi ko? Ang sakit kaya.” Sabi ko naman nang may pagkainis.
Tumawa lang siya hanggang sa makarating na kami sa sinasabi niyang pupuntahan namin.
Dito niya ako dinala sa seaside. Lumabas kami ng sasakyan at sumandal sa kotse niya.
Pakshet pero mapapamura ka talaga dahil napakaganda ng view.
Ang dami kasing stars sa langit.
“Ang ganda!” Sinabi ko habang nakangiti at nakatingin sa langit tapos tinignan ko siya.
Nakatingin din siya sa’kin. Ngumiti siya at tumingin sa langit. Pinikit niya ang mga mata niya. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya. Napangiti na lang ako dahil naisip ko na napakaswerte ko dahil ako ang napili niya. Na sa dinami-dami ng babaeng mas maganda sa’kin na nagkakagusto sa kanya, ako ang pinili niya.
BINABASA MO ANG
Stars [One Shot]
Short StoryPlease play the song [on-repeat] on the multimedia while reading the story and don’t, just don’t read spoilers.